Ang furigana (仮名がな, Pagbigkas sa wikang Hapones: [ɸɯɾigaꜜna] or [ɸɯɾigana]) ay isang pantulong sa pagbabasa ng wikang Hapon, na binubuo ng maliliit na kana o mga karakater na papantig, na iniimprenta sa ibabaw o katabi ng kanji (mga logograpikong karakter) o ibang karakter na ipinapahiwatig ang mga bigkas nito. Isa itong uri ng tekstong ruby. Kilala din ang furigana bilang yomigana (読み仮名) at rubi (ルビ, [ɾɯꜜbi]) sa Hapon. Sa makabagong Hapon, ginagamit ito kadalasan upang pumaimbabaw sa bihirang kanji, upang linawin ang bihira, hindi pamantayan o hindi malinaw na babasahing kanji, o sa mga materyal na para sa bata o sa nag-aaral. Bago ang pagbabago ng mga sulating noong katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mas malawak ito.[1]

Kadalasang sinusulat ang Furigana sa hiragana, bagaman sa ilang kaso, maari itong isulat sa katakana, mga titik ng alpabetong Romano o sa iba, mas simpleng kanji. Sa patayong teksto, ang tategaki, nilalagay ang furigana sa kaliwa ng linya ng teksto; sa pahalang na teksto, nilalagay ang yokogaki sa ibabaw ng linya ng teksto, na sinasalarawan sa ibaba.

Binabaybay ng mga halimbawang ito ang salitang kanji, na binubuo ng dalawang karakter ng kanji: (kan, sinusulat sa hiragana bilang かん) at (ji, sinusulat sa hiragana bilang ).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Geoffrey Sampson (1990). Writing Systems: A Linguistic Introduction (sa wikang Ingles). Stanford University Press. p. 190. ISBN 978-0-8047-1756-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)