Feodor Dostoyevsky

(Idinirekta mula sa Fyodor Dostoevsky)

Si Fëdor Mihajlovič Dostoevskij (Siriliko: Фёдор Михайлович Достоевский; Fyodor Dosto(y)evsky sa Inggles) (11 Nobyembre 1821–9 Pebrero 1881) ang isa sa mga pinakadakilang manunulat na Ruso. Paminsan-minsan ding sinasabi na isa sya sa mga tagapagtatag ng eksistensiyalismo.

Fyodor Dostoyevsky
Portrait of Dostoyevsky in 1872 painted by Vasily Perov
KapanganakanFyodor Mikhaylovich Dostoyevsky
11 Nobyembre 1821(1821-11-11)
Moscow, Russian Empire
Kamatayan9 Pebrero 1881(1881-02-09) (edad 59)
Saint Petersburg, Russian Empire
NasyonalidadRussian
EdukasyonMilitary Engineering-Technical University, St. Petersburg
Panahon1846–1881
KaurianNovel, short story, journalism
PaksaPsychology, philosophy, religion
Kilusang pampanitikanRealism
(Mga) kilalang gawa
(Mga) asawa
(Mga) anakSonya (1868)
Lyubov (1869–1926)
Fyodor (1871–1922)
Alexey (1875–1878)



Lagda

Si Fyodor and ikalawang anak ng isang manggagamot sa Hospital for the Poor sa Moscow. Siya ay nag aral sa bahay at sa mga pribadong iskwelahan. Nang pumanaw ang kanyang ina, siya ay pumasok sa Academy for Military Engineers. Matapos niyang makumpleto ang kanyang pag-aaral, siya ay binigyan ng rango na ikalawang tinyente at pagkatapos ay nagtapos siya bilang isang "Military Draftsman". Wala sa loob niya ang maging isang dibuhista para sa militar ng Ruso. Ang kanyang puso at isipan ay nasa litaretura ng mga Fransiya.

Nuong taong 1844, umalis siya sa militar at sa tulong ng isang maliit na mana na galing sa kanyang yumaong tatay ay sinulat niya ang kanyang unang nobela na pinamagatang "Poor Folk" (1846). Ang nobelang ito ay isang malaking tagumapay para sa kanya at dito nagsimula ang kanyang pagka dakila bilang manunulat.

Pagkatapo ng "Poor Folk", sinundan niya ito ng "The Double"(1846). Dahil sa "The Double", ang isa niyang masugid na ay nairita sa kanya. Tinawag niya na "gawa ng isang taong nasisiraan ng bait at nababagay na tumira sa institusyon ng mga nasisiraan ng bait" ang gawaing ito no Fyodor.

Sa taong 1846 din, sumama si Fyodor sa isang pagbabasa ng isang liham na gawa ni Vissarion Belinsky na di naayon sa mga kasalukuyang batas ng gobyerno ng Ruso. Lihim na may mga taong nagipon-ipon sa pagbabasa ng sulat na ito, mayroon palang mga lihim na pulisya sa kanilang kalagitnaan. Si Fyodor ay naaresto at binigyan ng sentensiya upang bitayin sa pamamagitan ng "firing squad". Sa kanyang bitay, mga balang peke ang ginamit at siya ay itinapon sa Siberia kung saan nagpalipas si Fyodor ng apat na taon sa mabibigat na trabaho, kasama ang mga pangkaraniwang tulisan at mga iba pang masasamang-loob. Habang siya ay nasa Siberia, naging masugid siyang tagapagsunod ng Russian Orthodox Church.

Nuong 1859, bumalik sa Saint Petersburg si Dostoyevsky at dito ay sumulat siya ng tatlong nobela na nababatay sa kanyang mga naranasan sa Siberia. Ang mga ito ay "The House of the Dead"(1861-62), "The Insulted and the Injured"(1861) at "Winter Notes On Summer Impressions"(1863).

Pinakasalan ni Dostoyevsky si Maria Isaev, isang biyuda, nuong 1857, at pagkatapos nito ay nagsilbi siya bilang editor sa peryodikong "Times". Paglipas ng ilang taon ay isinara ng gobyerno ang "Times" dahil sa mga subersibong artikulo nilo tungkol sa pagaalsa ng mga tao sa bansa ng Poland. Matapos na maisara ang "Times" umalis siya at naglagbay siya sa Inglatera at sa Pransiya. Bumalik siya sa Ruso nuong 1865. Sa panahon na ito ay sumakabilang-buhay ang kayang asawa at ang kanyang kapatid at dito siya nag umpisa na malunod sa bisyo ng sugal. Dito na din lumala ang kanyang sakit na epileptiko. Lumaki ang kanyang mga utang dahil sa matinding pagsusugal.

Sa kanyang magulong pamumuhay ng dekada 1860 ay lumabas ang isang nobela na puno ng paghihinagpis: "Notes From the Underground" (1864). Ang librong ito ay punong-puno ng pagkukumpisal ng isang taong labas sa lipunan. sinasabi ng mga eksperto na ito daw ay isang malalim na pagsaliksik sa utak ng isang taong walang utak o taong sira ang ulo. Sinundan ito ng nobelang "Crime and Punishment"(1886). "Crime and Punishment" ang masasabing nagpasikat kay dosyovesky hindi lamang sa Rsuo kungdi sa buong mundo. "The Idiot" ang sumunod dito(1869), isang nobela tungkol sa pagkawala ng relihiyoso ng mga Ruso. "The Possessed" ay lumabas nuong 1872.

Sa gitna ng lahat ng ito ay pinakasalan niya si Anna Grigoryevna Snitkina, ang kayang 22 anyos na sekretarya nuong taong 1867. Umalis ulit siya sa Ruso para maiwasan ang kanyang mga pinagkakautangan. Dahil sa malaking tagumpay ng kanyang "The Possessed", bumalik ulit siya sa Ruso at nakabili pa siya ng tirahan nilang mag-asawa. Sa kanyang muling pagbabalik sa Ruso, siya ay nagtrabaho bilang editor ng isang konserbatibong pahayagan na "Citizen".

Sa loob ng isang taon ay nagtayo siya ng sarili niyang pahayagan na ang pangalan ay "The Writers Diary" at nuong taong 1876 ay lumabas ang maiksing nobelang "The Gentle Maiden"(1876). Ang huling nobela na kanyang sinulat ay "The Brothers of Karamazov", isang paglalakbay sa loob at isipan ng magkakapatid na pumatay sa kanilang sariling ama. Sa taong 1881 ay pumanaw siya ng dahil sa epilipsiya.

Masasabi na si Fyodor Dostoyevsky ang nagmulat sa mga mata ng mga pangkaraniwang mamayan ng Ruso sa kanilang mga hinaharap na prublema, hindi lamang sa gubyerno, kungdi na rin sa ispirituwal, sa kanilang mga sarili, sa lipunan at sa may mga pag iisip magsagawa ng krimen. dahil sa kanyang mga sinulat na artikulo at nobela, maraming naging kaaway si Dostoyevsky, at marami din siyang naging tagapuri.

Makikita sa kanyang mga isinagawang nobela ang isang personal na problema na saksakan ng lalim, puno ng paghihinagpis, kahirapan at mga saykolohikal na pagaaral na tumuturo sa utak ng isang taong nasisiraan ng bait. Makikita din sa kanyang mga gawa ang isang taong nakakakita kung anong mangyayari hindi lamang sa kinabukasan, kunhdi na din sa mga taong haharapin pa. Kung baga, si Dotoyevsky ay isang propeta sa paguunawa sa pagiisip ng mga taong wala nang pag-asa pa sa buhay at lunod na lunod sa kahirapan, bisyo, krimen at iba pang mga prublema.