George VI
Si George VI (Albert Frederick Arthur George; 14 Disyembre 1895 - 6 Pebrero 1952) ay naging Hari ng Nagkakaisang Kaharian at ng mga Dominyon ng Britannikong Komonwelt mula noong ika-11 ng Disyembre 1936 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang kahuli-hulihang Emperador ng India at ang kauna-unahang Pinuno ng Komonwelt.
George VI | |
---|---|
Head of the Commonwealth[a]
| |
Portrait by Walter Stoneman, 1938 | |
Panahon | 11 December 1936Padron:SndashPadron:Avoid wrap |
Coronation | 12 May 1937 |
Sinundan | Edward VIII |
Sumunod | Elizabeth II |
Panahon | 11 December 1936Padron:SndashPadron:Avoid wrap[b] |
Sinundan | Edward VIII |
Sumunod | Position abolished |
Asawa | Elizabeth Bowes-Lyon (k. 1923) |
Anak | |
Buong pangalan | |
Albert Frederick Arthur George | |
Lalad |
|
Ama | George V |
Ina | Mary of Teck |
Kapanganakan | 14 Disyembre 1895 York Cottage, Sandringham, Norfolk, England |
Kamatayan | 6 Pebrero 1952 Sandringham House, Norfolk, England | (edad 56)
Libingan | 15 February 1952 Padron:Hanging indent 26 March 1969 Padron:Hanging indent |
Lagda | |
Pananampalataya | Protestant[c] |
Dahil siya ang ikalawang anak ni Haring George V, hindi siya inaasahang magmana ng trono at sa kanyang kabataan ay lagi siyang nasa anino ng kanyang nakatatandang kapatid na si Eduardo. Siya ay naglingkod sa Makaharing Hukbong Pandagat at sa Makaharing Hukbong Himpapawid noong Unang Digmaang Pandaigdig. Matapos nito ay madalas na siyang dumadalo sa mga pampublikong gawain. Pinakasalan niya si Binibining Elizabeth Bowes-Lyon noong 1923 at ang pagsasama nila ay nagbunga ng dalawang anak, si Elizabeth at si Margaret.
Ang nakatatandang kapatid ni George ay nagmana sa trono noong 1936 matapos mamatay ang kanyang ama. Ngunit, mga buwan ang lumipas ay naisapubliko ang kagustuhan niyang magpakasal sa isang Amerikana sa ngalang Wallis Simpson na dalawng beses nang nakipapagdiborsiyo. Ang dating punong ministro ng Britanyang si Stanley Baldwin ay mariing tumutol dito dahil sa kadahilanang pulitikal at relihiyoso. binitiwan ni Eduardo ang trono upang magpakasal at si George and naging ikatlong monarko sa Kabahayan ng Windsor.
Ang paghahari ni George ang tumanaw sa mabilis na transisyon ng Imperyong Britanniko patungong Komonwelt ng mga Nasyon. Ang parlyamento ng Malayang Estadong Irlandika ay nagtapos na sa direktang pagbanggit sa ngalan ng monarko mula sa Konstitusyon nito. Makaraan ang tatlong taon, Ang buong Imperyo at Komonwelt ay nasa digmaan na laban sa Alemanyang Nazi. Matapos ang dalawang taon, sinundan ito ng Italya at Bansang Hapon. Ngunit kahit panalo ang Britanya at ang mga kaalyado nitom ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang lumabas bilang mga bagong bansang makapangyarihan at ang Britanya ay bumulusok pababa. Ang paglaya ng Indiya't Pakistan noong 1947 ang nagtulak kay George na bitiwan ang estilong Emperador ng Indiya kahit siya pa rin ang hari. Noong Hunyo 1948, Idineklarang Republika ang Irlandiya at lumisan na sa Komonwelt. Noong 1949 naman ay naging ganap na republika na ang Indiya ngunit sila ay nanatiling miyembro ng Komonwelt. Ang mga problema sa kalusugan ni George ay nagsilitaw sa mga huling taon ng kanyang paghahari. Kaya noong 1952, namayapa na si George at siya ay pinalitan ng kanyang nakatatandang anak na si Elizabeth.
Talababa
baguhin- ↑ From April 1949 until his death in 1952.
- ↑ George VI continued as titular Emperor of India until 22 June 1948.
- ↑ As monarch, George VI was Supreme Governor of the Church of England. He was also a member of the Church of Scotland.