Talaan ng mga monarkong Briton
Mayroong 12 monarko ang Kalakhang Britanya at ang Nagkakaisang Kaharian (tingnan ang Monarkiya ng Nagkakaisang Kaharian). Ang bagong Kaharian ng Kalakhang Britanya ay nabuo noong ika-1 ng Mayo 1707 sa pagsasanib ng Kaharian ng Inglaterra at ang Kaharian ng Eskosya, na nasa ilalim na ng personal na unyon sa ilalim ng Kabahayan ng Stuart mula pa noong ika-24 ng Marso 1603. Noong ika-1 ng Enero 1801 naman ay sumanib na din ang Irlandiya sa Kalakhang Britanya upang buuin ang Nagkakaisang Kaharian ng Kalakhang Britanya at Irlandiya. Ngunit pagkatapos ang pag-alis ng karamihan ng Irlandiya noong ika-6 ng Disyembre 1922, Ang pangalan nito ay sinusog at ginawang Nagkakaisang Kaharian ng Kalakhang Britanya at Hilagang Irlandiya mula pa noong ika-27 ng Abril 1927.
Kabahayan ng Stuart (1707–1714)
baguhinSi Reyna Anna ay naging reyna ng Inglaterra, Eskosya at Irlandiya mula pa noong ika-8 ng Marso 1702 kung kaya't siya ang ipinroklamang Reyna ng Kalakhang Britanya sa pagsasanib ng Inglaterra at Eskosya.
Pangalan | Larawan | Sagisag | Kapanganakan | Pagpapakasal | Kamatayan | Pag-angkin |
---|---|---|---|---|---|---|
Anna 1 Mayo 1707 |
6 Pebrero 1665 Palasyo ni San James |
George ng Dinamarca Palasyo ni San James |
1 Agosto 1714 Palasyo ng Kensington |
Anak ni James II at VII (primoheniturang kognatiko; Panukalang-Batas ng mga Karapatan 1689) Reyna ng Inglaterra at Eskosya bago ang pagsasanib. (Tratado sa Pagsanib at Mga Batas ng Samahan 1707) |
Kabahayan ng Hanover (1714–1901)
baguhinAng paghalili ng mga Hanoverian ay resulta ng Atas ng Paninirahan 1701, na ipinasa ng Parlyamento ng Inglaterra na hindi tumanggap sa mga Papista (Romano Katoliko) mula sa pagmamana. Upang maibalik ang pamamahala sa mga Plantasyong Ingles sa Hilagang Amerika at sa mga Indiyong Kanluranin, ang suksesyon ng mga Hanoverian at ng Unyon ay pinahintulutan ng Parliyamento ng Eskosya noong 1707.
Matapos ang kamatayan ni Reyna Anna ng walang buhay na anak, si George I, anak ni Sophia ng Hanover na apo ni James VI ng Eskosya at I ng Inglaterra sa pamamagitan ng anak niyang si Elizabeth ng Bohemya, ang pinakamalapit na tagapagmana ng trono na hindi Katoliko Romano.
Pangalan | Larawan | Sagisag | Kapanganakan | Pagpapakasal | Kamatayan | Karapatan sa pagmana |
---|---|---|---|---|---|---|
George I George Louis |
28 Mayo 1660 Leineschloss |
Sophia Dorothea ng Brunswick-Lüneburg-Celle 21 Nobyembre 1682 |
11 Hunyo 1727 Osnabrück |
Apo sa tuhod ni James VI at I, Atas ng Paninirahan, panganay na anak ni Sophia ng Hanover | ||
George II George Augustus |
30 Oktubre 1683 Herrenhausen |
Caroline ng Brandenburg-Ansbach 22 Agosto 1705 |
25 Oktubre 1760 Kensington Palace |
Anak ni George I | ||
George III George William Frederick |
4 Hunyo 1738 Bahay ng Norfolk |
Charlotte ng Mecklenburg-Strelitz Palasyo ni San James |
29 Enero 1820 Kastilyo ng Windsor |
Apo ni George II | ||
George IV George Augustus Frederick |
12 Agosto 1762 Palasyo ni San James |
(1) Maria Anne Fitzherbert Park Lane |
26 Hunyo1830 Windsor |
Anak ni George III | ||
William IV William Henry |
21 Agosto 1765 Palasyo ng Buckingham |
Adelaide ng Saxe-Meiningen Palasyo ng Kew |
20 Hunyo 1837 Kastilyo ng Windsor |
Anak ni George III | ||
Victoria Alexandrina Victoria |
24 Mayo 1819 Palasyo ng Kensington |
Albert of Saxe-Coburg and Gotha Palasyo ni San James |
22 Enero 1901 Bahay ng Osborne |
Apo ni George III |
Kabahayan ng Saxe-Coburg at Gotha (1901–1917)
baguhinKahit na siya ang anak ni Victoria, minana ni Eduardo VII ang ngalan ng kanyang ama at sa pamamagitan nito ay nagkaroon ng bagong makaharing kabahayan.
Pangalan | Larawan | Sagisag | Kapanganakan | Pagpapakasal | Kamatayan | Karapatan sa pagmana |
---|---|---|---|---|---|---|
Eduardo VII Albert Edward |
9 Nobyembre 1841 Palasyo ng Buckingham |
Alexandra ng Dinamarca Kapilya ni San George10 Marso 1863 6 na supling |
6 Mayo 1910 Palasyo ng Buckingham |
Anak ni Victoria |
Kabahayan ng Windsor (1917–kasalukuyan)
baguhinAng pangalan ng Kabahayan ng Windsor ay ipinangalan noong 1917 habang nagaganap ang Unang Digmaang Pandaigdig. Pinalitan ito mula sa ngalang Saxe-Coburg-Gotha dahil sa malakas na pag-ayaw sa mga Aleman noong sa NK.
Pangalan | Larawan | Sagisag | Kapanganakan | Pagpapakasal | Kamatayan | Karapatan sa pagmana |
---|---|---|---|---|---|---|
George V George Frederick Ernest Albert |
3 Hunyo1865 Bahay ng Marlborough |
Maria ng Teck Palasyo ni San James |
20 Enero 1936 Bahay ng Sandringham |
Anak ni Eduardo VII | ||
Eduardo VIII Edward Albert Christian George Andrew Patrick David |
23 Hunyo 1894 Puting Lohiya |
Wallis Warfield Simpson Château de Candé |
28 Mayo 1972 Neuilly-sur-Seine |
Anak ni George V | ||
George VI Albert Frederick Arthur George |
14 Disyembre 1895 |
Elizabeth Bowes-Lyon Westminster Abbey |
6 Pebrero 1952 Bahay ng Sandringham |
Anak ni George V | ||
Elizabeth II Elizabeth Alexandra Mary |
21 Abril 1926 Mayfair |
Philip ng Gresya at Dinamarca Westminster Abbey 20 Nobyembre 1947 4 na supling |
8 Setyembre 2022 Kastilyo ng Balmoral |
Anak ni George VI | ||
Charles III Charles Philip Arthur George |
14 Nobyembre 1948 Palasyo ng Buckingham |
(1) Diana Spencer St Paul's Cathedral 29 Hulyo 1981 2 anak na lalaki diborsiyado 28 Agosto 1996 (2) Camilla Parker Bowles Windsor Guildhall 9 Abril 2005 |
Buhay pa | Anak ni Elizabeth II |
Timeline of British monarchs
baguhin
Tingnan din
baguhin- Monarkiya ng Nagkakaisang Kaharian
- Talaan ng mga Konsorteng Britanniko
- Talaan ng mga monarko sa Kapuluang Britanniko
- Talaan ng mga monarko ng Britanya batay sa haba ng paghahari
- Talaan ng mga monarkong Britanniko batay sa haba ng pamumuhay
- Linya ng pagmana sa tronong Britanniko
- Paghalili sa tronong Britanniko
- Alternatibong paraan sa paghalili sa korona ng Inglaterra
- Listahan ng mga monarkong Britanniko batay sa dahilan ng kamatayan
- Kamatayan ng Korona
- Bersong Mnemoniko sa mga monarko ng Inglaterra
- Punong Pamilya ng mga Monarkong Britanniko