Talaan ng mga monarkong Briton

Mayroong 12 monarko ang Kalakhang Britanya at ang Nagkakaisang Kaharian (tingnan ang Monarkiya ng Nagkakaisang Kaharian). Ang bagong Kaharian ng Kalakhang Britanya ay nabuo noong ika-1 ng Mayo 1707 sa pagsasanib ng Kaharian ng Inglaterra at ang Kaharian ng Eskosya, na nasa ilalim na ng personal na unyon sa ilalim ng Kabahayan ng Stuart mula pa noong ika-24 ng Marso 1603. Noong ika-1 ng Enero 1801 naman ay sumanib na din ang Irlandiya sa Kalakhang Britanya upang buuin ang Nagkakaisang Kaharian ng Kalakhang Britanya at Irlandiya. Ngunit pagkatapos ang pag-alis ng karamihan ng Irlandiya noong ika-6 ng Disyembre 1922, Ang pangalan nito ay sinusog at ginawang Nagkakaisang Kaharian ng Kalakhang Britanya at Hilagang Irlandiya mula pa noong ika-27 ng Abril 1927.

Ang[patay na link] Makaharing Sagisag ng Nagkakaisang Kaharian mula pa noong minana ni Reyna Victoria ang trono noong 1837. Makikitang inulit ang eskudo ng Inglaterra sa una at ang eskudo ng Eskosya naman sa pangalawa.

Kabahayan ng Stuart (1707–1714)

baguhin

Si Reyna Anna ay naging reyna ng Inglaterra, Eskosya at Irlandiya mula pa noong ika-8 ng Marso 1702 kung kaya't siya ang ipinroklamang Reyna ng Kalakhang Britanya sa pagsasanib ng Inglaterra at Eskosya.

Pangalan Larawan Sagisag Kapanganakan Pagpapakasal Kamatayan Pag-angkin
Anna

1 Mayo 1707

1 Agosto 1714

    6 Pebrero 1665

Palasyo ni San James
anak ni James II at VII at ni Anne Hyde

George ng Dinamarca

Palasyo ni San James
28 Hulyo 1683
17 pagbubuntis, ngunit walang namuhay

1 Agosto 1714

Palasyo ng Kensington
49 taong gulang

Anak ni James II at VII (primoheniturang kognatiko; Panukalang-Batas ng mga Karapatan 1689) Reyna ng Inglaterra at Eskosya bago ang pagsasanib. (Tratado sa Pagsanib at Mga Batas ng Samahan 1707)

Kabahayan ng Hanover (1714–1901)

baguhin

Ang paghalili ng mga Hanoverian ay resulta ng Atas ng Paninirahan 1701, na ipinasa ng Parlyamento ng Inglaterra na hindi tumanggap sa mga Papista (Romano Katoliko) mula sa pagmamana. Upang maibalik ang pamamahala sa mga Plantasyong Ingles sa Hilagang Amerika at sa mga Indiyong Kanluranin, ang suksesyon ng mga Hanoverian at ng Unyon ay pinahintulutan ng Parliyamento ng Eskosya noong 1707.

Matapos ang kamatayan ni Reyna Anna ng walang buhay na anak, si George I, anak ni Sophia ng Hanover na apo ni James VI ng Eskosya at I ng Inglaterra sa pamamagitan ng anak niyang si Elizabeth ng Bohemya, ang pinakamalapit na tagapagmana ng trono na hindi Katoliko Romano.

Pangalan Larawan Sagisag Kapanganakan Pagpapakasal Kamatayan Karapatan sa pagmana
George I

George Louis
1 Agosto 1714

11 Hunyo 1727

    28 Mayo 1660

Leineschloss
anak ni Ernest Augustus, Manghahalal ng Brunswick-Lüneburg at ni Sophia ng Hanover

Sophia Dorothea ng Brunswick-Lüneburg-Celle

21 Nobyembre 1682
2 supling

11 Hunyo 1727

Osnabrück
67 taong gulang

Apo sa tuhod ni James VI at I, Atas ng Paninirahan, panganay na anak ni Sophia ng Hanover
George II

George Augustus
11 Hunyo 1727

25 Oktubre1760

    30 Oktubre 1683

Herrenhausen
anak ni George I at ni Sophia Dorothea ng Brunswick-Lüneburg-Celle

Caroline ng Brandenburg-Ansbach

22 Agosto 1705
8 supling

25 Oktubre 1760

Kensington Palace
76 taong gulang

Anak ni George I
George III

George William Frederick
25 Oktubre 1760

29 Enero 1820

    4 Hunyo 1738

Bahay ng Norfolk
anak ni Frederick, Prinsipe ng Gales at ni Prinsesa Augusta ng Saxe-Gotha

Charlotte ng Mecklenburg-Strelitz

Palasyo ni San James
8 Setyembre 1761
15 taong gulang

29 Enero 1820

Kastilyo ng Windsor
81 taong gulang

Apo ni George II
George IV

George Augustus Frederick
29 Enero 1820

26 Hunyo 1830
(Prinsipe Rehento mula pa noong 1811)

    12 Agosto 1762

Palasyo ni San James
anak ni George III at ni Charlotte ng Mecklenburg-Strelitz

(1) Maria Anne Fitzherbert

Park Lane
15 Setyembre 1785
(2) Carolina ng Brunswick-Wolfenbüttel
Palasyo ni San James
8 Abril 1795
1 babaeng supling

26 Hunyo1830

Windsor
67 taong gulang

Anak ni George III
William IV

William Henry
26 Hunyo 1830

20 Hunyo 1837

    21 Agosto 1765

Palasyo ng Buckingham
anak ni George III at ni Charlotte ng Mecklenburg-Strelitz

Adelaide ng Saxe-Meiningen

Palasyo ng Kew
13 Hulyo 1818
2 supling

20 Hunyo 1837

Kastilyo ng Windsor
71 taong gulang

Anak ni George III
Victoria

Alexandrina Victoria
20 Hunyo 1837

22 Enero 1901

    24 Mayo 1819

Palasyo ng Kensington
anak ni Prinsipe Edward, Duke ng Kent at Strathearn at ni Prinsesa Victoria ng Saxe-Coburg-Saalfeld

Albert of Saxe-Coburg and Gotha

Palasyo ni San James
10 Pebrero 1840
9 na supling

22 Enero 1901

Bahay ng Osborne
81 taong gulang

Apo ni George III

Kabahayan ng Saxe-Coburg at Gotha (1901–1917)

baguhin

Kahit na siya ang anak ni Victoria, minana ni Eduardo VII ang ngalan ng kanyang ama at sa pamamagitan nito ay nagkaroon ng bagong makaharing kabahayan.

Pangalan Larawan Sagisag Kapanganakan Pagpapakasal Kamatayan Karapatan sa pagmana
Eduardo VII

Albert Edward
22 Enero 1901

6 May 1910

    9 Nobyembre 1841

Palasyo ng Buckingham
anak niVictoria at ni Prinsipe Alberto ng Saxe-Coburg-Gotha

Alexandra ng Dinamarca

Kapilya ni San George10 Marso 1863 6 na supling

6 Mayo 1910

Palasyo ng Buckingham
68 taong gulang

Anak ni Victoria

Kabahayan ng Windsor (1917–kasalukuyan)

baguhin

Ang pangalan ng Kabahayan ng Windsor ay ipinangalan noong 1917 habang nagaganap ang Unang Digmaang Pandaigdig. Pinalitan ito mula sa ngalang Saxe-Coburg-Gotha dahil sa malakas na pag-ayaw sa mga Aleman noong sa NK.

Pangalan Larawan Sagisag Kapanganakan Pagpapakasal Kamatayan Karapatan sa pagmana
George V

George Frederick Ernest Albert
6 Mayi 1910

20 Enero 1936

    3 Hunyo1865

Bahay ng Marlborough
anak ni Edward VII at ni Alexandra ng Dinamarca

Maria ng Teck

Palasyo ni San James
6 Hulyo 1893
6 na supling

20 Enero 1936

Bahay ng Sandringham
70 taong gulang

Anak ni Eduardo VII
Eduardo VIII

Edward Albert Christian George Andrew Patrick David
20 Enero 1936

11 Disyembre 1936 (abdicated)

    23 Hunyo 1894

Puting Lohiya
anak ni George V at ni Maria ng Teck

Wallis Warfield Simpson

Château de Candé
3 Hunyo 1937
walang supling

28 Mayo 1972

Neuilly-sur-Seine
77 taong gulang

Anak ni George V
George VI

Albert Frederick Arthur George
11 Disyembre 1936

6 Pebrero 1952

    14 Disyembre 1895

Bahay ng Sandringham
anak ni George V at ni Maria ng Teck

Elizabeth Bowes-Lyon

Westminster Abbey
26 Abril 1923
2 children

6 Pebrero 1952

Bahay ng Sandringham
56 taong gulang

Anak ni George V
Elizabeth II

Elizabeth Alexandra Mary
6 Pebrero 1952

8 Setyembre 2022

    21 Abril 1926

Mayfair
anak ni George VI at ni Elizabeth Bowes-Lyon

Philip ng Gresya at Dinamarca
Westminster Abbey

20 Nobyembre 1947 4 na supling

8 Setyembre 2022

Kastilyo ng Balmoral
96 taong gulang

Anak ni George VI
Charles III

Charles Philip Arthur George
8 Setyembre 2022

Kasalukuyan

    14 Nobyembre 1948

Palasyo ng Buckingham
anak ni Elizabeth II at ni Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh

(1) Diana Spencer
St Paul's Cathedral
29 Hulyo 1981
2 anak na lalaki
diborsiyado 28 Agosto 1996
(2) Camilla Parker Bowles
Windsor Guildhall
9 Abril 2005
Buhay pa Anak ni Elizabeth II

Timeline of British monarchs

baguhin
Charles IIIElizabeth IIGeorge VIEduardo VIIIGeorge VEduardo VIIQueen VictoriaWilliam IV of the United KingdomGeorge IV of the United KingdomGeorge III of the United KingdomGeorge II of Great BritainGeorge I of Great BritainAnne, Queen of Great BritainHouse of WindsorHouse of Saxe-Coburg and GothaHouse of HanoverHouse of Stuart
 
Punong[patay na link] Pamilya ng mga Monarko ng Inglaterra at Britanya magmula ang Konkwestong Norman


Tingnan din

baguhin