Si Girard Desargues (Pranses: [dezaʁɡ]; 21 Pebrero 1591–Septyembre 1661) ay isang matematiko at inhinyerong Pranses. isa rin siya sa mga itinuturing na tagapagtagatg ng heometriyang projective. Ang teorama ni Desargues, talaguhitang Desargues, at ang hukay sa buwan na Desargues ay ipinangalan sa kanya.

Girard Desargues

Ipinanganak siya sa Lyon at nanggaling sa pamilya na tapat na manglilingkod sa Pransiya. Ang tatay ni Desargues ay isang maharlika notoryal, komisyoner imbestigador ng korte ng Seneschal sa Lyon noong 1574, at taga-kolekta ng abuloy at buwis sa eklesiastiko ng lungsod ng Lyon at ng diosesis ng Lyon noong 1583.

Simula ng 1645 si Girard Desargues ay nagtrabaho bilang arkitekto. Bago noon, siya ay nagtrabaho bilang isang guro at maaaring naglinkod bilang isang kasangguni ng mga bagay inhinyero at teknikal sa mga pangunahing tauhan ni Richelieu.

Pratique du trait a preuves (1643)

Bilang arkitekto si Desargues ang nagplano ng iba't ibang pribado at pampublikong gusali sa Paris at Lyon. Bilang isang inhinyero, siya ang nagdisenyo sa sistema ng pag-akyat ng tubig sa matataas na lugar malapit sa Paris. Binase niya ang sistemang ito sa prinsipyo ng gulong ng epicycloidal na noong panahon na iyon ay hindi pa kilala.

Ang kanyang pananaliksik sa perspektibo at heometriyang naka-usli (projection) ay itinatanghal bilang isang kulminasyon ng daang taong siyentipikong pananaliksik at pag-aaral mula sa klasikal na kapanahunan sa optika mula kay al-Hassan Ibn al-Haytham (Alhazen) hanggang kay Johannes Kepler. Ang kanyang pinag-aralan ay humigit pa sa sintesis ng mga tradisyon na ito at ang mga teoryang perspektibo at tradisyon at kaugalian noong Renasimiyento.

Ang kanyang ginawa ay muling nadiskubre at inilathala noong 1864. Noong 1951 naman may inilabas na koleksyon ng mga gawa niya. Isang katanghal-tanghal na gawa na madalas mabanggit ng iba sa matematika ay ang "Rough draft for an essay on the results of taking plane sections of a cone" na ginawa ni Desargues noong 1639.

Sa huling yugto ng kanyang buhay ay naglathala siya ng isang pag-aaral na may misteryosong titulo na DALG. Ang pinakakilalang teorya tungkol sa kung ano ang ibig sabihin nito ay Des Argues, Lyonnais, Géometre na iminungkahi ni Henri Brocard.

Si Girard Desargues ay namatay sa Lyon.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
baguhin
  • O'Connor, John J.; Robertson, Edmund F., "Girard Desargues", Arkibo ng Kasaysayan ng Matematika ng MacTutor, Pamantasan ng San Andres.
  • Richard Westfall, Gerard Desargues, The Galileo Project\