Giugliano in Campania
Ang Giugliano sa Campania Ang [dʒuʎˈʎaːno iŋ kamˈpaːnja], na kilala rin bilang Giugliano, ay isang lungsod at komuna sa Kalakhang Lungsod ng Napoles, Campania, Italya. Noong 2017, mayroon itong humigit-kumulang na 124,000 naninirahan,[3] kaya ito ang pinakamataong lungsod ng Italya na hindi isang kabesera ng lalawigan.
Giugliano in Campania | |
---|---|
Comune di Giugliano in Campania | |
Simbahan ng Annunziata. | |
Mga koordinado: 40°56′N 14°12′E / 40.933°N 14.200°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Campania |
Kalakhang lungsod | Napoles (NA) |
Mga frazione | Lago Patria, Varcaturo, Licola |
Pamahalaan | |
• Mayor | Nicola Pirozzi |
Lawak | |
• Kabuuan | 94.62 km2 (36.53 milya kuwadrado) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 124,361 |
• Kapal | 1,300/km2 (3,400/milya kuwadrado) |
Demonym | Giuglianesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 80014 |
Kodigo sa pagpihit | 081 |
Santong Patron | San Iuliano |
Saint day | Enero 9 |
Websayt | Opisyal na website |
Kasaysayan
baguhinNoong ika-5 hanggang ika-4 na siglo BCE ang teritoryo ng Giugliano ay tinirhan ng mga Osco. Ayon sa isang tradisyon, ang lungsod ay itinatag ng isang pangkat ng mga kolonyista mula sa Cuma noong 421 BCE, na tinawag itong Lilianum ("Lupain ng Lirio").
Malapit sa "Lawa Patria" matatagpuan ang sinaunang lungsod ng Liternum. Noong 194 BK ito ay naging isang kolonyang Romano. Isa sa pangunahing tanyag na residente nito ay ang nakatatandang si Scipio Africanus, na umatras mula sa Roma at namatay doon.[4] Ang kanyang nitso at villa ay inilarawan ni Seneca ang Nakababata.[5][6] Noong 455, ang bayan ay dinambong at winasak ni Genserico at ng kaniyang mga Bandalo.[7] Ang mga nakaligtas na mga residente ay lumikas papunta sa kasalukuyang makasaysayang sentro ng Giugliano.
Ang lungsod ay nanatiling isang maliit na sentro hanggang 1207, nang ang Cuma ay winasak ng mga Napolitano. Ang ilan sa mga mamamayan mula sa bayang iyon, kabilang ang mga klero at ang capitular ng katedral, ay nagtago sa Giugliano. Ang mga unang dokumento ng pagbanggit ng isang fief sa Giugliano ay nagmula noong 1270.
Ang mga Panginoon ng lungsod ay, ayon sa pagkakasunud-sunod, ang Vulcano, Filomarino, Pignatelli, D'Aquino, Pinelli, at Colonna.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Italyano) Source Naka-arkibo 2017-06-26 sa Wayback Machine.: Istat 2016
- ↑ AA., VV. (1826). A new guide of Naples, its environs, Procida, Ischia and Capri. p. 384.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Seneca, Epistulae Morales 86
- ↑ Livy 48.52
- ↑ AA., VV. (1826). A new guide of Naples, its environs, Procida, Ischia and Capri. p. 386.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)