Gobernasyon ng Perm
Ang Gobernasyon ng Perm (Ruso: Пермская губерния) ay dating adminstratibong yunit ng Imperyong Ruso at ng Unyong Sobyet mula 1781 hanggang 1923. Matatagpuan ito sa parahong dalisdis ng Bulubunduking Ural, at ang administratibong sento nito ay ang lungsod ng Perm. Nakuha ang pangalan ng rehiyon sa panahon ng Permiko.
Gobernasyon ng Perm Пермская губерния | |||||
Gobernasyon ng Imperyong Ruso, Rusong Republika, Rusong Sobyet | |||||
| |||||
Coat of arms | |||||
Kabisera | Perm | ||||
History | |||||
- | Itinatag | 1781 | |||
- | Binuwag | Nobyembre 3 1923 | |||
Area | |||||
- | (1897) | 332,052 km2 (128,206 mi kuw) | |||
Population | |||||
- | (1897) | 2,994,302 | |||
Density | 9 /km2 (23.4 /mi kuw) | ||||
Political subdivisions | Mga uyedz: 12 |
Kasaysayan
baguhinNoong Nobyembre 20 (Disyembre 1), 1780, pumirma si Catalina II ng isang atas na nagtatag ng gobernasyon ng Perm sa dalawang rehiyon – Perm at Yekaterinburg, at ang pagkakatatag ng panlalawigang lungsod ng Perm. Ang unang Gobernador-Heneral ng mga rehiyon ng Perm at Tobol ay ang hinirang na si Tinyente-Heneral Yevgeny Petrovich Kashkin. Alinsunod sa atas ni Emperador Pablo I noong Disyembre 12, 1796 na "isang bagong dibisyon ng estado sa lalawigan," nahati ang pagka-gobernador-heneral ng Perm at Tobolsk sa Gobernasyon ng Perm at Tobolsk. Noong Hulyo 15, 1919, inilaan mula sa lalawigan ng Perm ang Gobernasyon ng Yekaterinburg, na binubo ng 6 na uyezd, na matatagpuan sa labas ng mga Ural. Noong Nobyembre 4, 1920, nakasama ang pagkakasapi nito sa Uyezd ng Sarapulsky ng Gobernasyon ng Vyatka. Noong Nobyembre 3, 1923, binuwag ang lalawigan ng Perm at ang teritoryo nito ay napasama sa Oblast ng Ural kasama ang sentro nito sa Yekaterinburg.
Heograpiya
baguhinAng Perm Governorate ay may hangganan sa Gobernasyon ng Vologda (sa hilaga), Gobernasyon ng Tobolsk Governorate (sa silangang), mga gobernasyon ng Orenburg at Ufa (sa timog) at Gobernasyon ng Vyatka (sa kanluran).
Ang lawak ng Gobernasyon ay 332,052 km², at 181,000 nito ay sa Asya habang 151,000 sa Europa. Ang bulubunduking Ural na bumabagtas sa gobernasyon mula hilaga hanggang timog ng 640 km ay isang hangganan sa pagitan ng bahaging Europeo at Asyano. Ang pinakamataas na punto ng gobernasyon ay ang Konzhakovsky Kamen (1565 m). Matatagpuan ang Europeong bahagi ng gobernasyon ng Perm sa palanggana ng Ilog Kama, habang ang Asyanong bahagi sa palanggana ng Ilog Tobol. Inokupa ng paagusang palanggana ng Ilog Pechora ang pinakahilagang bahagi ng Uyedz ng Cherdynsky.
Mga administratibong dibisyon
baguhinNahahati ang Gobernasyon ng Perm sa 12 uyezd.
Bahaging Europeo:
- Uyezd ng Permsky
- Uyezd ng Krasnoufimsky
- Uyezd ng Kungursky
- Uyezd ng Osinsky
- Uyezd ng Okhansky
- Uyezd ng Solikamsky
- Uyezd ng Cherdynsky
Bahaging Asyano:
- Uyezd ng Verkhotursky
- Uyezd ng Yekaterinburgsky
- Uyezd ng Irbitsky
- Uyezd ng Kamyshlovsky
- Uyezd ng Shadrinsky
Populasyon
baguhinNoong unang bahagi ng ika-19 na dantaon, tinataya ang populasyon ng gobernasyon sa 940,000. Sang-ayon sa datos noong 1896, ang populasyon ng rehiyon ay 2,968,472 (1,433,231 sa mga ito ay lalaki habang 1,535,211 ang babae). Sang-ayon sa senso noong 1897, ang populasyon ay 2,994,302.
Ang mga pangunahing lungsod ay:
- Perm: 45,205
- Yekaterinburg: 43,239
- Irbit: 20,062
Sang-ayon noong senso ng 1897, ang 90.3% ng populasyon ng gobernasyon ay nagssabing Ruso ang kanilang katutubong wika, 3.1% ang nagsasalita ng wikang Komi-permyak, 2.9% ang nagsasalita ng wikang Bashkir, 1.6% ang nagsasalita ng wikang Tatar.[1] Karamihan sa populasyon ay Kristiyanong Ortodokso kasama ang mga Lumang Mananampalataya (7.29%) at minoryang Muslim (5.06%).
Ekonomiya
baguhinBatay ang ekonomiya ng gobernasyon sa industriya, bagaman sa ilang bahagi ng rehiyon, namamayani ang sektor ng agrikultura. Ang lawak ng lupang matamnan ay 33,000 km2 (tinatayang 9.53% ng kabuuang lawak). Ang mga pangunahing pananim ay: senteno, obena at sebada. Nasasaka ang trigo sa karamihan sa mga lugar sa katimugan. Napakaunlad ng ganado (livestock) na paglalahi sa Uyedz ng Shadrinsky, sa mga Bashkir. Sa kabila ng maraing mga ilog, umunlad lamang ang pangingisda sa Uyezd ng Cherdynsky. Ang pang-komersyong pangangaso ay nasa hilaga ng rehiyon lamang, sa Uyezd ng Cherdynsky.
Nakabase sa pagminina ang industriya, kabilang sa pangunahing mga mineral ay tanso, batong-bakal, ginto, karbon at asin. Matatagpuan ang mga planta ng pagmimina at metalurhiko sa gitnang bahagi ng Bulubunduking Ural. Mahusay na konektado ang Gobernasyon ng Perm sa mga riles ng tren sa iba pang mga rehiyon ng Imperyong Ruso. Mayroon ding malaking kahalagahan sa transportasyon ang mga pangunahing ilog.