Manuel Gutierrez Najera
Si Manuel Gutierrez Najera (ipinanganak Disyember 22,1859 sa Lungsod ng Mehiko at namatay noong Pebrero 3, 1895 sa Lungsod ng Mehiko) ay isang manunulat at politiko na mula sa Mehiko.
Talambuhay
baguhinIpinananganak si Gutierrez Najera sa Lungsod ng Mehiko noong Disyembre 22, 1859. Ang kanyang paglaki ay naitapat sa panahon ng digmaang sibil, ang pakikialam ng mga Pranses at pagbabagong liberal na pinangungunuhan ni Juearez and Lerdo de Tejada. Ang Positibismo ay ipinapakilala pa lamang sa Escuala National Preparatoris at ang mga ideya ni Jocibin ang naging dahilan sa debate ng mga grupo ng mga radikal at mga katampatan ng mga dalubhasa. Kapanahunan din ni Najera ang mga manunulat ng nobelang romantisismo. Si Ignacio Manuel Altamirano na isang romatikong nobelista at isang mambabatas ang nagudyok sa pagbuo ng pambansang pamantayang para sa panitikang Mehikano.
Natamo niya ang kanyang karunungan sa pamamagitan ng kanyang inang si Donya Dolores Najera na isang banal na Katoliko and ang kanyang amang si Don Manuel Gutierrez Gomes, isang liberal na nagtaguyod ng sekularisasyon. Ang kanyang ina ang siyang naging unang guro niya at kanyang pinag-aralan and mga panitikang klasiko na obra ng Griyego, Latin, at Kastila pati ang mga romatikong panitikan noong panahon na iyon. Nag-aral din ng wikang Pranses at wikang Latin. Noong 1875 sa gabi ng pagkahalal ni Porfirio Diaz bilang Pangulo ng Mehiko, nagsimula ang kanyang pagiging manunulat ng tula at prosa at isang mamahayag.
Si Najera ay gumagamit ng iba’t ibang alyas gaya ng Recamier, M. Can-Can, Junius, Gil Blas, at ang kanyang pinakasikat na alyas ay ang El Duque Job. Nakapaglathala siya ng mga kronika, maikling kwento, tula sa mga sikat na pahayagan gaya ng El Correo Germanico, El Federalista, la Libertad, El Cronista Mexicano, El Portido Liberal and El Universal.
Noong 1888, ikinasal si Najera kay Cecilia Maillefert at sila ay nabiyayaan ng dalawang anak na babae. Sina Cecilia at Margarita. Ang kanyang buhay mula noon ay inialay niya para sa kanyang pamilya at sa kanyang pagsusulat. Mula pagbata, si Najera ay taglay na sakitin. Sa kasamaang palad, imbes na alagaan niya ang kanyang kalusugan, ipinagpatuloy niya ang pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Ang mga ideya ng mga makatang Pranses na sina Alfred de Musset, Theophile Gautier and Paul Verlain ang nakahikayat sa kanyang pagsusulat. Sa pahayagang, La Iberia, unang inilathala ang kanyang artikulo noong siya ay 13 anyos lamang at ipinagpatuloy ang paglathala ng mga ilang artikulo bawat linggo hanggang sa kanyang kamatayan.
Isa si Manuel Guttierez Najera sa mga manunulat na nagsulong ng modernista noong 1867 hanggang 1916. Ang tanging layunin ng mga modernista ay ang pag-angat nila sa kanilang kagalingan sa pagsusulat at hindi ang kanilang pagsasarili mula sa panitikan ng Espanyol at America.[1]
Revista Azul
baguhinItinatag niya ang Revista Azul kasama si Carlos Diaz Dufoo. Ito ay isang aklat talaan ng mga pampanitikan na naging unang daan para sa mga tulang modernismo. Ang kanais-nais na katangian nito ay ang afrancesamiento (pagiging Pranses), isang katangian ng publikasyon. Ang afrancesamiento ay ipinalalagay na katangian ng aklat kahit na mas nakakarami sa mga naisulat ay gawa ng mga manunulat na mestisong Kastilang-Amerikano. Ayon sa pangangaral ni Boyd Carter sa mga sulatin, tatlumpung porsyento ay naisulat ng mga Mehikanong manunulat at tatlumpung porsyento ay naisulat ng mga galing sa subkontinento. Mga dalawampung porsyento ay galing sa mga Espanyol na nakatira sa mga tangway at ang iba ay mga salin lamang mula sa panitikan ng Ingles, Amerika, Italyano, Alemanya and Rusya.[2] Sa pamamagitan ng Revista Azul, maraming manunulat na nagsisimula pa lamang ang nagbigay ng mahahalagang sulatin sa tula ng Mehikano.
Ipinagtanggol ni Najera ang kabuluhan ng aklat o talaarawan sa kanyang artikulong pinamagatang El cruzamiento en literature (1894). Ipinamalas niya dito ang kaugnayan ng kulturang Pranses at modernismo noong sinabi niyang “en Francia, hoy, por, hoy, el arte vive mas intense vida que en ningun otro pueblo” (sa Pransya, ngayon, sa ngayon, mas nabubuhay ang sining ng matindi kaysa kahit anong bayan) at "la literature contemporanea Francesca es ahora la mas sugestiva, la ma abundante, la mas de hoy” (sa ngayon, ang kontemporaryong panitikan Pranses ang pinakamahiwatig, ang pinakamasagana, ang pinaka sa ngayon). [3] Hindi niya itinataguyod ang pagtanggi sa mga tradisyong pampanitikan na impluwensya ng mga Espanyol. Samakatuwid, iminungkahi niya ang pakikipag-usap sa iba’t ibang kultura upang ganap na payamanin ang pampanitikang panunulat. Pinapaalalahan niya ang mga mambabasa na ang mga dalubhasang makata noong Ginintuang Panahon sa Espanya ay nag-aral hindi lamang mga panitikang klasikong Latin ngunit pati na rin mga humanismong manunulat ng Italyano noong panahon ng Renasimiyento. Ngunit ang kawalan ng kaugnayan sa ibang katutubong panitikan noong panahon ng Kontra-Repormasyon, ang nakapagdulot ng ideya kay Najera nang pagkabansot ng panitikan ng Espanya. Ngunit ito ay posibleng magkaroon ng solusyon kung magiging bukas sa mga impluwensya mula sa iba’t ibang pinagbubuhatan. Hindi itinataguyod ni Najera ang pangongopya ng ibang mga panitikan. Ang sinasabi niya na mas mahalaga ang pagiging bukas sa mga ideya na nilalaman ng mga ito. Ang mga ito ang katangian ni Najera batay sa kanyang mga naisulat. Tinatanggap niya ang pagiging moderno ng panitikang Pranses at ang pagkaroon ng pakikipagtalastasan sa iba’t ibang panitikan ng iba’t ibang bansa at ang pag-angkop ng mga panitikan sa iba't ibang sitwasyong pangkultura.
Estilong pampanitikan
baguhinAng estilo ng pagsusulat at sumasagisag sa mga grupo afrancesamiento Porfirian. Datapwat hindi siya nakapaglakbay sa bansang Pranses, nagkaroon siya pagkagusto sa panitikan ng Pranses at pinagyaman niya ang impluwensyang ito sa kanyang mga obra. Nabasa niyang buo at kumpleto ang mga pagbabago sa panitikang maka-Pranses mula sa mga romantisismong manunulat na sina Alphonse de Lamartine, Victor Hugo at Alfred de Musset hanggang sa mga Parnasiyanismong si Theophile Gautier, Leconte de Liste at Jose Maria de Heredia, hanggang sa mga proto-symbolismo na sina Charles Baulelaire at ang symbolismong si Paul Verlaine at Stephane Mallarme.
Pagdating sa paggamit ng mga impluwensyang Pranses sa panitikan ng Mehiko, laging nakadepensa si Najera. Ang ginagamit niyang dahilan ay ang argumento ni Walter Mignolo kung saan ginagamit ang salitang Amerikang Latino para sa mga kreolo at para sa kanilang katauhang pagkatapos maging kolonyal. Sa kanyang artikulong pinamagatang “Las grandezas de la raza Latina” (1877) at “¡Francia!” (1880), ipinakita ni Najera ang mga katangian kung saan magkatulad ang Mehiko at Pranses na hango sa kultura ng Mediteraneo sa timog ng Europa. Sa unang artikulo, inuuliran niya itong kuro-kuro: “nuestra raza, mas poetica, mas espiritual y mas alzada” (ang aming lahi, mas patula, mas espirituwal at higit na nakataas). (Obras 13:6). Sa pangalawang artikulo, ipinapalagay niya na ang lahi ng mga Latino ay may katangiang unibersal kumpara sa mga Anglo-Saxon na para sa kanya ay may pagkamalamig.
Si Najera ay patuloy na hinahangaan sa kanyang mga salaysay o cronica, isang sangay ng maikling kwento, na kanyang ipinakilala sa pamamahayag ng mga Espanyol-Amerikano. Lumalabas ang mga ito pagkaraang isulat ang mga nilalaman na tsismis at di gaanong mahalagang cronica ng mga pahayagang Pranses gaya ng Le Figaro at La Chhronique Parisienne ang ginawa niyang modelo sa paggawa ng salaysay na naging daan para isulong ang mga panitikan ng mga modernista.
Ayon kay Harley D. Oberhelman, ang mga cronica ay mga kometaryo sa mga pang-araw-araw na gawain o tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa mga nakakarami. Nakapagsulat si Najera ang humigit kumulang 1500 cronica at karamihan ay naisulat sa gamit ang iba’t ibang alyas. Kada sumusulat siya, ang katauhan ng kanyang alyas ang kunwaring nagsasalita sa gawa ng isang pari or di kaya isang batang lalaki. Ang estilong ito ang kinagiliwan ng kanyang mga mambabasa sapagkat hindi nakakasawa. May mga cronica na naisulat para sa mga espesyal na okasyon kagaya ng Gloria na naisulat para gunitain ang pagkamatay ng anak na babae ni Justo Sierra. Ang ibang mga cronica ay tumatalakay sa mga katanungang pampilosopiya, mga problemang pananampalataya at pamayanan. Nakapagsulat din si Najera ng mga panuring pampanitikan tungkol sa makabagong panitikan, drama, musika at tula. Ayon kay E.K. Mapes, ang pag-unawa ni Najera sa panunuri, ang kanyang kaalaman sa panitikan at ang kanyang kasanayan sa pag-aangkop ay napakagaling.
Nakapagsulat ng maraming cronica si Najera para sa El Federalista, El Partido Liberal, La Libertad, El Cronista Mexicano at El Universal. Sa kasamaang palad, ang kanyang mga cronica ay hindi naipon noong siya ay nabubuhay. Lahat ng mga kuwento na unang lumabas bilang cronica o bahagi ng mga cronica ang mga nagpapatunay sa pagkakaiba ng layunin ng pahayagan at mga likhang isip lamang na naging tatak ng mga obra ni Najera na tuluyan.
Ang Cronica de Color ay isa sa mga halimbawa ng cronica at nagtatanghal kung paano niya pinapakita ang kanyang galing sa ganitong larangan ng panitikan. Ito ay patungkol sa lindol na nagyanig sa lungsod ng Mehiko noong Hunyo 1882. Mahirap mahulaan na ang cronica ay tungkol sa lindol batay sa unang linya lalo na at naisulat ito sa ikalawang pangkatauhan. Ang tagapagsalaysay ay nakikipag-usap sa kanyang minamahal na nahimatay sa takot sa lindol habang sila ay naghahapunan: Sa salaysaying ito, gaya ng mga iba pa niyang cronica, ginawa niyang buhay ang mga araw araw na pangyayari.
Ang kalooban ni Najera ay hawig sa isang pook kanlungan hango sa kasaysayan at kamunduan. Ang kamunduan ay makapritso at ayon lamang sa sariling kagustuhan. Ito ay ipinahiwatig niya noong inilarawan niya kung paano napahinto ng lindol lahat ng orasan sa lungsod at ipinahiwatig niya na ang kanyang mga kamay ang tanging magpapagalaw sa pendulo at muli ang oras ay lilipas kasimpait ng Hudyo na hindi nagbigay ng inuming tubig kay Hesus. Ang kalooban ay inihahalintulad sa pag-ibig. Ang pagkawalang malay ng dalaga noong lindol ay inilarawan sa pamamagitan ng mga salitang nagpapahiwatig ng matinding pananabik sa katawan. Ang paglalarawan sa mga naging epekto ng lindol sa lahat ng mga monumento ay katawa-tawa. Ang mga salita sa kronika na ito ay ginawa bilang isang oposisyon sa pagitan ng panloob na anyo at panlabas na anyo. Samakatawid, ang oposisyon na ito ay parang talinghaga sa alitan sa pagitan ng panitikan at pahayagan.[4]
Ang mga naisulat din niyang maikling kwento ay pawang malungkot, mapanglaw at di mabubuting guni-guni. May mga nailathala sa Cuentos Fragiles na siyang kaisa-isang aklat na nailathala sa tanang buhay niya. Isa sa mga kuwento hango dito ay ang Manyana de San Juan na tungkol sa kwento ng dalawang batang lalaki na nawaglit sa kanilang hardin isang umaga sa okasyon ni San Juan. Nahulog iyong isang batang lalaki habang inaabot ang papel na bangka habang iyong isa ay pilit na inaabot siya para tulungan ngunit sa kasamaang palad, hindi nangyari. Ang ganitong estilo ay karaniwan sa mga sulat ni Najera- isang napakaordinaryong kuwento na laging nagtatapos sa kalungkutan. Sa kanyang mga kuwento, gumagamit siya ng mga makatang wika para maipamalas sa mambabasa ang kalungkutan. Karamihan sa mga kuwento gaya ng “Los suicidios, En la calle at La balada de Ano Nuevo” ay tungkol sa kamatayan at trahedya. Ang naisulat niyang "Rip Rip" ay hawig sa kwento ni Washington Irving na pinamagatang Rip Van Winkle.
Sa lahat ng kanyang naisulat na tula, ang “La Seranata de Schubert” (1888) ang tinaguriang pinakamaiksi ngunit isang tulang may titik. Ito ay kapansin-pansin dahil sa orihinal na matatalinghagang paglalarawan, makabagong pagpapahayag at malamyos na tinig.
Mga sanggunian
baguhin- Biografia de Manuel Gutierrez Najera. Biografias y Vidas
- Cambridge Histories Online: Cambridge University Press, p. 74-75
- Guajardo-Garcia, Elizabeth Anne (2012). The Secularization of the Divine in fin de siglo Mexico:
- Religion and Modernity in Prose Works by Manuel Gutierrez Najera, Federico Gamboa, and Amado Nervo. Dissertation.
- Manuel Gutierrez Najera Critical Essays. https://www.enotes.com>topics>manuel
- Pasten, Agustin J.B. Manuel Gutierrez Najera 1859-1895 (1997). University of Nebraska.