Gyeongsang
Ang Lalawigan ng Gyeongsang (Gyeongsang-do; Pagbabaybay sa Koreano: [kjʌŋsʰaŋdo]) ay isa sa mga walong lalawigan ng Korea noong panahon ng Dinastiya ng Joseon na nasa bandang timog-silangan ng tangway.
Lalawigan ng Gyeongsang | |
---|---|
Transkripsyong Korean | |
• Hangul | 경상도 |
• Hanja | 慶尙道 |
• Revised Romanization | Gyeongsang-do |
• McCune–Reischauer | Kyŏngsang-do |
Transkripsyong Short name | |
• Hangul | 경상 |
• Hanja | 慶尙 |
• Revised Romanization | Gyeongsang |
• McCune–Reischauer | Kyŏngsang |
Gyeongsang | |
Bansa | Korea |
Rehiyon | Yeongnam |
Diyalekto | Gyeongsang |
Daegu ang panglalawigang punong lungsod ng Gyeongsang. Ang lalawigang ito ang pinag-usbungan ng Silla, ang sinaunang pinag-isang bansang Koreano sa kasaysayan ng Korea, halos humahanay ang mga hangganan nito sa sinaunang mga hangganan ng kaharian niyon. May tanyag na ginagampanan ang kalabuwarang iyon sa makabagong kasaysayan ng Korea, sa kadahilanan halos kalahati ng mga naging pangulo ng Timog Korea, kabilang sila Park Chung-hee, Roh Tae-woo, Chun Doo-hwan, Kim Young-sam, Roh Moo-hyun at Park Geun-hye, ay mga isinilang sa labuwad ng Gyeongsang.
Sa ngayon, nahahati ang naturang labuwad sa 5 administratibong dibisyon: ang tatlong nagsasariling lungsod ng Busan, Daegu at Ulsan, at dalawang lalawigan na Gyeongsangbuk-do at Gyeongsangnam-do.
Heograpiya
baguhinAng lalawigan ng Gyeongsang ay pinapaligiran ng mga lalawigan ng Jeolla at Chungcheong sa bandang kanluran nito, ng lalawigan ng Gangwon naman sa bandang hilaga, at ng Kipot ng Korea sa bandang katimugan nito. Matatagpuan din dito ang mga kabundukan ng Taebak at Kabundukan ng Sobaek at dumadaloy naman dito ang Ilog Nakdong.
Ang mga malalaking lungsod sa kalabuwarang ito ay Busan, Daegu at Ulsan. Kabilang din ang mga iba pang lungsod ng Gyeongju (ang dating kabisera ng Silla), Andong, Yeongju, Sangju, Gimcheon, Miryang, Gimhae, Changwon (punong lungsod ng Gyeongsangnam-do), Masan at Jinju.
Kasaysayan
baguhinBinuo ang hinalinha ng lalawigan ng Gyeongsang noong panahon ng Dinastiya ng Goryeo, na siyang nagpalit sa mga dating lalawigang Yeongnam, Sannam at Yeongdong.
Nakuha ng Gyeongsang ang kasalukuyang pangalan nito nong 1314. Nagmula iyon mula sa mga pangalan ng mga pangunahing lungsod ng Gyeongju (경주; 慶州) at Sangju (상주; 尙州).