Haydée Coloso-Espino
Si Haydee Coloso-Espino (namatay noong Agosto 12, 2021) ay isang Pilipinang manlalangoy na nanalo ng sampung medalya sa Palarong Asyano (Asian Games) noong 1954, 1958 at 1962 at nakipagkumpetensiya sa Palarong Olimpiko noong 1960.
Personal na impormasyon | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Nasyonalidad | Pilipino | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kapanganakan | 28 Agosto 1937 Pilipinas | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kamatayan | 12 Agosto 2021 Iloilo, Pilipinas | (edad 83)|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Isport | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Bansa | Pilipinas | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Isport | Paglangoy | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Talaan ng medalya
|
Sa larangan ng paglangoy
baguhinNagsimulang makipagkumpetensiya si Haydee Coloso-Espino sa larangan ng paglangoy noong siya ay labingtatlong taong gulang pa lamang bilang kasama sa mga manlalaro ng Iloilo City College noong 1950.[1]
Nagkamit siya ng sampung medalya (tatlong ginto, limang pilak at dalawang tanso) sa Palarong Asyano (Asian Games) na ginanap noong 1954 sa Maynila, 1958 sa Tokyo at 1962 sa Jakarta.[1][2][3][4] Siya ay tinaguriang "Swim Queen ng Asya" at "Esther Williams ng Pilipinas".[5][1]
Labing anim na taong gulang pa lang si Haydee Coloso-Espino noong lumaban siya sa Palarong Asyano noong 1954 sa Maynila sa larangan ng paglangoy kung saan ay napanalunan niya ang gintong medalya sa 100m freestyle at sa 100m butterfly samantalang pilak na medalya naman ang kanyang nakuha sa 4×100m freestyle relay.[5][3][1]
Noong Palarong Asyano ng 1958 ay nagwagi siya ng gintong medalya sa 4×100m medley relay at pilak na medalya sa 100m freestyle, 200m freestyle at 4×100m freestyle relay.[3][4][5] Samantalang noong Palarong Asyano ng 1962 ay napagtagumpayan niyang makuha ang pilak na medalya sa 4 x 100m Freestyle at tansong medalya sa 100m freestyle at 4x100m medley.[3][6]
Nagkaroon siya ng pagkakataong makapaglaro sa Palarong Olimpiko noong 1960 na ginanap sa Roma, Italya sa women's 100m freestyle event.[7][2]
Mula 1953 hanggang 1955 ay binigyan ng parangal si Haydee Colosa-Espino ng Philippine Sportswriters Association.[8]Noong 2016 ay napabilang na siya sa Philippine Sports Hall of Fame.[2]
Siya ay isa sa mga nagsulong para sa mga benepisyong matatanggap ng mga manlalarong lumahok sa Palarong Olimpiko at Palarong Asyano.[1]
Sa larangan ng pagtuturo
baguhinNaging guro si Haydee Coloso-Espino pagkatapos niyang magretiro sa larangan ng mapagkumpetensiyang paglangoy noong 1962 at nagturo siya ng asignaturang edukasyong pisikal sa Far Eastern University, Lyceum of the Philippines University at Araullo High School.[2][1] Nagturo siya sa Far Eastern University hanggang 1993.[6]
Pagkamatay
baguhinYumao si Haydee Coloso-Espino sa edad na 83 taong gulang noong Agosto 12, 2021 sa Mandurriao sa probinsiya ng Iloilo.[2][1] Nagkaroon siya ng pitong anak at tatlong apo.[9]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "Asian Games gold medalist swimmer Haydee Coloso-Espino dies". Rappler.com. Rappler.com. 13 Agosto 2021. Nakuha noong 4 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Swim great dies". Tribune.Net.Ph. Daily Tribune. 14 August 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 4 November 2021.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "ASIAN GAMES PHILIPPINE MEDALLISTS" (PDF). 28 Oktubre 2002. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 12 Abril 2010. Nakuha noong 10 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Olympians Who Won a Medal at the Asian Games (7145)". Olympedia. Nakuha noong 9 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 "'Asia's Swim Queen' Haydee Coloso-Espino passes away". INQUIRER.net. Philippine Daily Inquirer. 14 Agosto 2021. Nakuha noong 4 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Greatest Pinay swimmer passes away". Manila Bulletin. Manila Bulletin. 13 Agosto 2021. Nakuha noong 4 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Haydee COLOSO ESPINO". Olympic Results. International Olympic Committee. Nakuha noong 4 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Haydee Coloso-Espino, greatest Pinay swimmer, dies at 83". Panay News. Panay News Philippines. 14 Agosto 2021. Nakuha noong 4 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Requiem for sports legends". PhilStar Global. The Philippine Star. 8 Setyembre 2021. Nakuha noong 4 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)