Palarong Asyano 1954
Ang Palarong Asyano noong 1954 (1954 Asian Games) ay ang Pangalawang Palarong Asyano o kilala din sa tawag na II Asiad. Ito ay ginanap noong Mayo 1 hanggang Mayo 9 ng taong 1954 sa Lungsod ng Maynila sa bansang Pilipinas.[1][2]
Punong-abalang lungsod | Maynila, Pilipinas | ||
---|---|---|---|
Motto | Ever Onward | ||
Mga bansang kalahok | 19 | ||
Mga atletang kalahok | 970 | ||
Disiplina | 76 sa 8 isports | ||
Seremonya ng pagbubukas | May 1, 1954 | ||
Seremonya ng pagsasara | May 9, 1954 | ||
Opisyal na binuksan ni | Ramon Magsaysay Pangulo ng Pilipinas | ||
Main venue | Rizal Memorial Stadium | ||
|
Iginawad ang pagiging punong-abala ng Palarong Asyano 1954 sa Maynila noong Palarong Olimpiko sa Helsinki sa Pinlandiya noong 1952.[1] Si Antonio de las Alas ang naging tagapangulo ng komiteng nag-organisa ng Palarong Asyano 1954.[1][3]
Seremonya ng pagbubukas
baguhinOpisyal at pormal na binuksan ang Pangalawang Palarong Asyano ni Presidente Ramon Magsaysay, ang Pangulo ng Pilipinas noong taon na iyon.[2] Ito ay ginanap noong Mayo 1, 1954 sa Rizal Memorial Stadium sa Malate sa Lungsod ng Maynila.[2]
Mga kalahok
baguhinNilahukan ang Palarong Asyano noong 1954 ng siyam na raan at pitumpo (970) na mga atleta na nagmula sa labingsiyam (19) na mga bansa.[2] Ang mga bansang ito ay kinabibilangan ng Afghanistan, Cambodia, Republikang Bayan ng Tsina, Hong Kong, Indonesia, India, Republikang Islamiko ng Iran, Hapon, Israel, Republika ng Korea, Myanmar, Nepal, Hilagang Borneo, Pakistan, Pilipinas, Singapore, Sri Lanka, Thailand at Vietnam.[2]
Mga isports na pinaglabanan
baguhinMay walong isports na pinaglabanan sa Palarong Asyano 1954.[2] Kasama sa mga isports na ito ay ang akwatiks (aquatics), atletiks (athletics), basketbol (basketball), boksing (boxing), futbol (football), shooting, pagbubuhat ng mga pabigat (weightlifting), pagbubuno (wrestling). Ang diving at swimming ay kasama sa akwatiks samantalang ang field at track ay nasa atletiks.[2]
Mga medalyang napanalunan
baguhinAng bansang Hapon na nakapanalo ng kabuuang siyamnapu't walo (98) na medalya (tatlongpu't walo na gintong medalya, tatlongpu't anim na pilak na medalya at dalawangpu't apat na tansong medalya) ay ang bansang nakakuha ng pinakamaraming medalya sa Pangalawang Palarong Asyano.[2] Ito ay sinundan ng bansang Pilipinas na nakapanalo ng kabuuang apatnapu't lima (45) na medalya (labing apat na gintong medalya, labing apat na pilak na medalya at labing pito na tansong medalya).[2] Sumunod naman ang bansang India na nakapanalo ng kabuuang labing tatlong medalya (apat na gintong medalya, apat na pilak na medalya at limang tansong medalya).[2]
* Punong-abalang bansa (Pilipinas)
Ranggo | Bansa | Ginto | Pilak | Tanso | Kabuuan |
---|---|---|---|---|---|
1 | Japan (JPN) | 38 | 36 | 24 | 98 |
2 | Pilipinas (PHI)* | 14 | 14 | 17 | 45 |
3 | Pakistan (PAK) | 4 | 5 | 0 | 9 |
4 | India (IND) | 4 | 4 | 5 | 13 |
5 | Republic of China (ROC) | 2 | 4 | 6 | 12 |
6 | Israel (ISR) | 2 | 1 | 1 | 4 |
7 | Myanmar (MYA) | 2 | 0 | 2 | 4 |
8 | South Korea (KOR) | 0 | 6 | 5 | 11 |
9 | Sri Lanka (SRI) | 0 | 1 | 1 | 2 |
10 | Indonesia (INA) | 0 | 0 | 3 | 3 |
11 | Hong Kong (HKG) | 0 | 0 | 1 | 1 |
12 | Afghanistan (AFG) | 0 | 0 | 0 | 0 |
Cambodia (CAM) | 0 | 0 | 0 | 0 | |
Iran (IRI) | 0 | 0 | 0 | 0 | |
Nepal (NEP) | 0 | 0 | 0 | 0 | |
North Borneo (NBO) | 0 | 0 | 0 | 0 | |
Thailand (THA) | 0 | 0 | 0 | 0 | |
Vietnam (VIE) | 0 | 0 | 0 | 0 | |
Mga kabuuan (18 bansa) | 66 | 71 | 65 | 202 |
Seremonya ng pagsasara
baguhinAng Pangalawang Palarong Asyano ay opisyal na nagsara noong Mayo 9, 1954.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Alinea, Eddie G. (August 12, 2018). "Asian Game: How it came about". The Manila Times. The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 10 November 2021.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 "Manila 1954". Olympic Council of Asia. Olympic Council of Asia. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 13 November 2021.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Alinea, Eddie G. (February 15, 2010). "Antonio de las Alas remembered". The Manila Times. The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 13 November 2021.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)