Antonio Luna

Filipinong mananaliksik reformista, heneral at estadista
(Idinirekta mula sa Heneral Antonio Luna)

Si Antonio Luna (29 Oktubre 1866 - 5 Hunyo 1899) ay isang Pilipinong parmasiyotiko at isang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang nagtatag ng kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas, na naitatag noong Unang Republika ng Pilipinas. Tinagurian siya bilang pinakamahusay na Pilipinong opisyal ng militar noong digmaan.[1] Sinundan niya si Artemio Ricarte bilang kumander ng Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik, at nagbuo ng mga prupesyunal na sundalong gerilya. Ang kanyang maigting na depensa, na tinawag ngayong Linyang Depensa ni Luna, ang nagpahirap sa mga hukbong Amerikano sa mga lalawigan sa hilaga ng Talisay. Pinatay ni Emilio Aguinaldo.[2]


Antonio Luna
Kapanganakan29 Oktubre 1866(1866-10-29)
Binondo, Maynila
Kamatayan5 Hunyo 1899(1899-06-05) (edad 32)
Cabanatuan, Nueva Ecija
Katapatan Republikang Pilipino
Labanan/digmaan

Biograpiya

baguhin

Si Antonio Narciso Luna de San Pedro Posadas y Novicio Ancheta o mas kilala bilang Antonio Luna ay ipinanganak noong 29 Oktubre 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin Luna de San Pedro y Posadas (1829-1891) at Laureana Novicio y Ancheta (1836-1906). Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensiya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko.

Edukasyon

baguhin

Sa gulang na anim, natuto si Antonio magbasa, magsulat, at mag-aritmetika mula sa kayang guro na kinilalang si Maestro Intong. Nasaulo niya ang Doctrina Christiana, ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas..[3]

Lumaon ay nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, kung saan nakatanggap siya ng digri sa Batsilyer sa Sining noong 1881.[3] Nag-aral siya ng panitikian at kimika sa Pamantasan ng Santo Tomas, kung saan napanalunan niya ang unang gantimpala sa isang pagsusulat tungkol sa kimika.

Ang pagsusulat ang libangan ni Antonio Luna. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaki niyang naiambag sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan.

Sa simula pa lamang ay isa na siyang tagapagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong.

Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Gante. Pagbalik niya sa Pilipinas, sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano.

Bilang isang sundalo, si Antonio ay mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan.

Nasawi si Heneral Luna noong 5 Hunyo 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong.Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina.

Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang Republika ng Pilipinas.

 
Heneral Antonio Luna

Mga sanggunian

baguhin
  1. Agoncillo, Teodoro (1974). Introduction to Filipino History.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Marcos, Ferdinand (1968). The contemporary relevance of Antonio Luna's military doctrines.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Dumindin, Arnaldo. "Philippine-American War, 1899–1902". Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2012. Nakuha noong 29 Hunyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)