Henetikang pampopulasyon
Ang henetikang pampopulasyon ay ang sangay ng henetika na nagsasagawa ng pag-aaral sa sangkap o kumposisyong henetiko ng mga populasyon.[1] Pinagsasama-sama nito ang henetika (henetiks), ebolusyon, seleksiyong natural, paglalahing selektibo, estadistika, at matematika.[2] Gumagawa rito ng mga modelong pangkompyuter at pangmatematika, at nagsasagawa ng pananaliksik na panglarangan upang masubukan o matesting ang mga modelo.
- "Ibinubuhos ng mga henetisistang pampopulasyon (henetikong pampopulasyon) ang kanilang panahon sa pagsasagawa ng dalawang mga bagay: paglalarawan ng kayariang panghenetika ng mga populasyon, o pagsasateoriya hinggil sa mga puwersang pang-ebolusyon na nakakaapekto sa mga populasyon."[3]
Maiksing kasaysayan
baguhinMarahil, sa pagsisimula hinggil kay sulatin ni G. Udny Yule noong 1902,[4] hinarap ng mga teoristang pampopulasyon ang mga susing paksa sa henetika at ebolusyon. Ipinakita nina G.H. Hardy at Wilhelm Weinberg na kapag ang isang populasyon ay nagsagawa ng pakikipagtalik na hindi pumipili ng katalik, na walang pinipili, migrasyon o mutasyon, kung gayon ang proporsiyon ng mga allele ay mananatiling magkakapareho mula sa isang henerasyon hanggang sa mga susunod pang salinlahi. Ito ang batas na Hardy–Weinberg,[5] ang unang mahusay na kinalabasan ng bagong larangang ito ng pananaliksik.
Nagkaroon ng mainam na pagsulong ang henetikang pampopulasyon magmula 1918 hanggang sa 1937. Sa loob ng panahon ito, isinagawa nina Ronald Fisher, J.B.S. Haldane at Sewall Wright ang ugnayan sa pagitan ng ebolusyon at henetika, na ginagamit ang bagong mga teknikang pangmatematika, na katulad ng probabilidad na pang-estadistika. Nagsagawa ng pananaliksik na panlarangan sina E.B. Ford at Theodosius Dobzhansky ukol sa henetika ng mga populasyong likas ng lepidoptera at ng Drosophila, alinsunod sa nauukol para sa isa't isa. Sa malawakang pananalita, pinatunayan ng gawaing ito na ang bagong muling natuklasan na henetikang Mendeliano ay maaaring i-agpang o itugma sa ebolusyong Darwiniano. Ito ang naglatag ng batayan para sa modernong sintesis na makaebolusyon, na naganap sa loob ng sumunod na mga taon, na tinatayang nagmula 1937 hanggang 1953.
Sa pangalawang hati ng ika-20 daantaon, hinarap ng mga henetisistang pampopulasyon ang isang kasaklawan ng masasalimuot na mga suliraning pang-ebolusyon, katuld ng ebolusyon ng seks, seleksiyong seksuwal, pagpili ng kamag-anak o kaangkan (altruismo), paggaya at ebolusyong molekular. Ang mga susing tao rito ay kinabibilangan nina John Maynard Smith, Motoo Kimura at William Hamilton. Ang teknikong nilikha at pinaunlad para sa henetikang pampopulasyon ay nakatulong sa pagpapasya kung anong ambag ang naibibigay ng pagmamana at kapaligiran sa biyolohiyang pangkaunlaran (biyolohiyang debelopmental).[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ King R.C. Stansfield W.D. & Mulligan P.K. 2006. A dictionary of genetics, ika-7 edisyon. Oxford. p349.
- ↑ Provine, William R. 2001 [1971]. The origins of theoretical population genetics. Chicago.
- ↑ Gillespie, John H. 2004. Population genetics: a concise guide, 2nd ed. Johns Hopkins, Baltimore.
- ↑ Yule, G. Udny 1902. Mendel's laws and their probable relations to intra-racial heredity. New Phytology. 1: 193–207, 222–238.
- ↑ Edwards A.W.F. 2008. G.H. Hardy (1908) and Hardy–Weinberg Equilibrium, Genetics 179, 1143–1150. http://www.genetics.org/cgi/content/full/179/3/1143
- ↑ Tingnan din ang tinatawag na nature vs nurture sa Ingles.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.