Tangway ng Iberya

(Idinirekta mula sa Iberya)

Ang Tangway ng Iberia (Kastila: Península Ibérica) kilala rin bilang Iberia ay matatagpuan sa pinakatimog-kanlurang dako ng Europa at kinalalagyan ng mga bansang Portugal, Espanya, Andorra, kolonyang Britaniko ng Gibraltar at ng isang maliit na kapiraso ng Pransiya. Ang timog nito ay halos kadikit ng hilagang baybay ng kontinente ng Aprika, pinaghihiwalay lamang ng Kipot ng Gibraltar. Tinatayang may sukat itong 583,254 kilometro kuwadrado, [1]at may tinatatayang may 53 milyong populasyon,[2], ang ikalawang pinakamalaking tangway sa Europa ayon sa sukat, kasunod ng Tangway ng Escandinava.

Ang Tangway ng Iberia (luntian) sa loob Europa.

Ang katagang Iberia ay mula sa itinawag ng mga sinaunang Griyego sa tangway na ito (Ιβηρία).

Mga pangunahing kasalukuyang bansang nakapaloob

baguhin
 
Satellite image ng Iberia sa gabi

Ang kasalukuyang pagkakahating pampulitika ng Tangway ng Iberia ay binubuo ng kalakhan ng Espanya at Portugal, ang kabuuan ng mikroestado ng Andorra, maliit na bahagi ng departamento ng Pyrénées-Orientales (Alta Cerdaña) at ng kolonyang Britaniko ng Gibraltar.

Nasa timog na bahagi ng Bulubundukin ng Pyrenees ang Alta Cerdaña, na tumatakbo sa kabuuan ng hangganan sa pagitan ng Espanya at Pransiya. [3][4][5] Ang bulubundukin ng Pyrenees ay kadalasang itinuturing hilagang silangang hangganan ng Tangway ng Iberia.

Pagkakahating pampulitika ng Tangway ng Iberia:

Eskudo Watawat Bansa o Teritoryo Kabisera Sukat Populasyon
[6][7]
% area
  Padron:Flagg Andorra Andorra la Vella 468 km2
(181 mi kuw)
&0000000000084082.00000084,082 0.1
Padron:Flagg Pransiya Paris 539 km2
(208 mi kuw)
&0000000000012035.00000012,035 0.1
  Padron:Flagg Gibraltar
(koloniang Britaniko)
7 km2
(2.7 mi kuw)
&0000000000029431.00000029,431 0.0
  Padron:Flagg Portugal Lisbon 89,015 km2
(34,369 mi kuw)
ca. &0000000010047083.00000010,047,083 15.3
  Padron:Flagg Espanya Madrid 492,175 km2
(190,030 mi kuw)
ca. &0000000043731572.00000043,731,572 84.5
Total

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lorenzo-Lacruz et al. 2011, p. 2582.
  2. Triviño, María; Kujala, Heini; Araújo, Miguel B.; Cabeza, Mar (2018). "Planning for the future: identifying conservation priority areas for Iberian birds under climate change". Landscape Ecology (sa wikang Ingles). 33 (4): 659–673. doi:10.1007/s10980-018-0626-z. hdl:10138/309558. ISSN 0921-2973.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sahlins 1989, p. 49.
  4. Paul Wilstach (1931). Along the Pyrenees. Robert M. McBride Company. p. 102.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. James Erskine Murray (1837). A Summer in the Pyrenees. J. Macrone. p. 92.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Census data , "Official Spanish census"
  7. Census data , "Portuguese census department"


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.