Averroes

(Idinirekta mula sa Ibn Rushd)

Si Abu al-Walid Muhammad ibn Ahmad ibn Rushd, na binabaybay din bilang abu-al-Walid Muhammad ibn-Ahmad ibn-Rushd o kaya ʾAbū l-Walīd Muḥammad bin ʾAḥmad bin Rušd (Arabe: أبو الوليد محمد بن احمد بن رشد‎), at mas nakikilala bilang Ibn Rushd (Arabe: ابن رشد‎) o sa anyong Latinisado ng kaniyang pangalan na Averroës (play /əˈvɛr.z/; 14 Abril 1126 – 10 Disyembre 1198) o Averroes, ay isang polimatang Muslim na Andalusiano na namuhay sa isang namumukod-tanging kapanahunan sa kasaysayan intelektuwal ng Kanluraning Mundo, kung kailan ang pagtuon sa mga larangan ng pilosopiya at teolohiya ay kumakaunti sa mundo ng mga Muslim at nagsisimula pa lamang na yumabong sa Kakristiyanuhang Latin. Lumitaw at bumangon magmula sa ganitong mga kalagayang maputla ang mga pilosopong Muslim na Kastila, na ang hukom (hurista) at manggagamot na si Ibn Rushd ang naging itinuturing bilang ang pinakahuli at pinakamaipluwensiyang pilosopong Muslim, natatangi na para sa mga nakamana ng tradisyon ng pilosopiiyang Muslim sa Kanluran. Ang kaniyang maimpluwensiyang mga komentaryo at namumukod-tanging mga interpretasyon o pag-unawa hinggil kay Aristotle ay nakapagpanumbalik ng pagtuon ng mga paham na Pangkanluran sa sinaunang pilosopiyang Griyego, bagaman ang halos karamihan sa kaniyang mga akda ay hindi pinapansin magmula noong ika-6 daantaon.

Averroes
Kapanganakan14 Abril 1126 (Huliyano)[1]
  • (Córdoba Province, Andalucía, Espanya)
Kamatayan10 Disyembre 1198 (Huliyano)[1]
  • (Marrakesh Prefecture, Marrakesh-Safi, Marueko)
Trabahopilosopo,[1] manggagamot,[1] astronomo, hukom,[1] guro, manunulat


TalambuhayKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Nouveau Dictionnaire des auteurs de tous les temps et de tous les pays; pahina: 188.