Ang Inang Laya ay isang grupo ng mang-aawit sa Pilipinas na kilala sa kanilang mga awiting may tema ng pagiging progresibo at peminista.

Inang Laya
PinagmulanMaynila, Pilipinas
GenreTugtuging pambayan sa Pilipinas
Taong aktiboSimula 1981 hanggang kasalukuyan
MiyembroBecky Demetillo-Abraham
Karina Constantino-David (namatay na)

Mga babaeng mang-aawit

baguhin

Ang grupong Inang Laya ay binubuo ng dalawang kababaihan na sina Karina Constantino-David at Rebecca “Becky” Demetillo-Abraham.[1] Si Becky Abraham ang umaawit samantalang si Karina David ang tumutugtog sa pamamagitan ng gitara.[2] Ang kanilang mga awit ay may tema ng pagiging progresibo at peminista.[2]

Nabuo ang grupong Inang Laya noong 1981 bilang bahagi ng kultural na paglaban sa rehimen ni Pangulong Ferdinand Marcos. Sila ay kumakanta ng mga awiting tungkol sa pagiging makabayan at may panawagan para sa pagkakamit ng kalayaan at katarungan.[3][4][5][6]

Noong February 25, 2018 ay kabilang ang Inang Laya sa mga nakibahagi sa selebrasyon ng ika-32 na anibersaryo ng Rebolusyon EDSA ng 1986 o People Power Revolution sa pamamagitan ng pagkanta ng mga awit.[7]

Diskograpiya

baguhin

Noong 1982 ay ginawa ng Inang Laya ang kauna-unahan nitong cassette album na may pamagat na "Pagpupuyos" sa tahanan ng isa nitong miyembro. Ginawan ng limang daang kopya ang cassette album na ito at ang mga ito ay maaaring kopyahin nang libre.[8]

Ilan sa mga kilalang kanta ng Inang Laya na may tema ng adbokasiya ay ang "Babae", "Titser", "Sana'y Mayaman", at "Atsay ng Mundo".[1] Binabanggit sa awiting "Babae" sina Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Lorena Barros, at Liliosa Hilao na mga kababaihang hinamon ang mga pamantayang pangkultura tungkol sa papel ng kababaihan.[6] Ang "Atsay ng Mundo" na nagawa noong 1989 ay tungkol sa kalagayan ng mga kasambahay at nagpapahiwatig ng pangangailangan sa maraming pagbabago upang mapalaya ang bansang Pilipinas.[1][6] Nasasaad sa "Titser" ang kalagayan ng mga guro sa Pilipinas na kailangang magbenta ng iba-t ibang bagay bilang pandagdag sa kakarampot na suweldo.[6]

Pinasikat din ng Inang Laya ang awiting "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" na may alternatibong pamagat na "Aling Pag-ibig Pa". Ang kantang ito ay mula sa anim na saknong ng tulang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" ni Andres Bonifacio. Ang mga saknong na ito ay nilapatan ng himig ni Luis Jorque. Ito ay naging awit ng mga lumalaban sa batas militar.[9]

Kasama ang Inang Laya, pati na rin ang APO Hiking Society at sina Gretchen Barretto, Kuh Ledesma, Leah Navarro, Celeste Legaspi, Coritha & Eric, Edru Abraham, Ivy Violan, Joseph Olfindo, Lester Demetillo, Noel Trinidad, at Subas Herrero sa pagkanta ng "Handog ng Pilipino Sa Mundo" na isinulat ni Jim Paredes. Ang awitin ay nabuo dala ng pagiging optimismo pagkatapos ng Rebolusyon EDSA ng 1986 na maipagpatuloy sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Corazon Aquino ang demokrasyang nawala sa bansang Pilipinas.[10]

Ginawa din ng Inang Laya ang awiting "Macliing" na nagsasaad ng pandalamhati para sa pinaslang na pinuno ng Kalinga na nakipaglaban sa konstruksyon ng Chico River Dam na magpapabaha sana sa mga lupaing ninuno ng mga Kalinga.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Chiu, Patricia Denise M. (2019-05-12). "Karina David: Songs, stories, service to remember her by". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 Agimat (2024-03-28). "Inang Laya | Agimat: Sining at Kulturang Pinoy". Agimat (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. Mateo, Janvic (Mayo 9, 2019). "Karina Constantino-David, 73". Philstar.com. Nakuha noong 2024-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. Agimat (2024-03-28). "Inang Laya composer and guitarist dies at 73 | Agimat: Sining at Kulturang Pinoy". Agimat (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. Inquirer, Philippine Daily (2019-05-11). "Karina David, 'woke' citizen". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Sarabia-Panol, Zeny; Maxino-Baseleres, Rosario (Hunyo 2017). "Activism in the Philippines: Memorializing and Retelling Political Struggles Through Music". Silliman Journal. 58.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Villano, Alexa (2018-02-25). "IN PHOTOS: Celebrities perform during EDSA anniversary". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. Gimenez Maceda, Teresita (28 Agosto 2007). "Problematizing the popular: the dynamics of Pinoy pop(ular) music and popular protest music". Inter-Asia Cultural Studies. 8: Pages 390-413.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Maranan, Ed (Marso 5, 2012). "Prison songs from the heart | Philstar.com". www.philstar.com. Nakuha noong 2024-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. Lariosa, Saab (Pebrero 25, 2022). "Revisiting the People Power hit 'Handog ng Pilipino sa Mundo' and the anniversary cover it spawned". Philstar Life. Nakuha noong 2024-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
baguhin