Palitang trebol

(Idinirekta mula sa Interkambiyong trebol)

Ang palitang trebol (Ingles: cloverleaf interchange), na tinatawag ding interkambiyong trebol, ay isang uri ng palitan. Ito ay isang dalawang-lebel na palitan kung saan ang mga pagliliko sa kaliwa ("mga kabilang direksyon" sa mga bansang kaliwa ang pagmamaneho) ay hinahawakan ng mga daang rampa (sa Estados Unidos, mga rampa o ramps; sa Nagkakaisang Kaharian: mga slip roads). Upang makapunta sa kaliwa (sa trapikong kanan o right-hand traffic), unang dapat na tumuloy ang mga sasakyan habang dumadaan ang isang daan sa ibabaw o ilalim ng isa pang daan, tapos ay lalabas sa isang one-way three-fourths na rampang silo (o loop ramp, 270°), at sumama sa daang sinasangandaan (intersecting road). Ang layunin ng isang palitang trebol ay upang payagan na magtawid ang dalawang lansangan nang sa gayon hindi na kailangang ihinto ang trapiko sa pamamagitan ng mga pulang ilaw ng traffic light. Isang limitasyon sa kakayahan ng isang palitang trebol ay ang traffic weaving, o ang pagsasama ng trapikong palabas at papasok sa parehong linya, na nagdudulot ng paglilimita ng bilang ng mga linya ng palikong trapiko.

Isang palitang trebol na may mga collector o distributor roads.

Sa Pilipinas, ang mga pinakakilalang palitang trebol ay Palitan ng Balintawak at Palitan ng Smart Connect, kapuwa mga palitan ng North Luzon Expressway.

Kalahating palitang trebol

baguhin

Isang kahalintulad (subalit pinaiba) na uri ng palitan ay ang kalahating palitang trebol (Ingles: Partial cloverleaf interchange), o parclo, na inimbento ng Ontario Ministry of Transportation sa Canada bilang kapalit sa palitang trebol sa mga 400-Series Highway kung saan hindi kinakailangan ng full grade separation. Sa gayon, hindi nagkakaroon ng mapanganib na mga dibuhong pabuhol (weaving patterns) sa trapiko at nagpapahintulot ng mas-maraming espasyo na mag-tulin o magbagal sa isang mabilisang daanan. Ang disenyo ng parclo ay pinuri ng marami, at naging isa sa mga pinakatampok na disenyong freeway-to-arterial interchange sa Hilagang Amerika. Ito rin ay ginagamit sa ilang bansang Europeo, tulad ng Alemanya, Kroasya, Italya, Ang Olanda, at Nagkakaisang Kaharian.

Isang halimbawa ng palitang parclo sa Pilipinas ay Labasan ng Santa Rita (Santa Rita Interchange) ng North Luzon Expressway. Isa itong Palitang B2 na parclo na matatagpuan sa Guiguinto, Bulacan.

Mga imahe

baguhin

Tingnan din

baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Mga ugnay panlabas

baguhin