Sándorfi István ang taal na porma ng pangalang ito. Ginagamit sa artikulong ito ang Kanluraning pagkakasunud-sunod ng pangalan.

Si István Sándorfi (Pranses: Étienne Sandorfi, ipinanganak noong 12 Hunyo 1948 sa Budapest, Unggarya, at namatay noong 26 Disyembre 2007 sa Paris, Pransiya) ay isang pintor mula sa Unggarya.

István Sándorfi
Étienne Sandorfi
Kapanganakan12 Hunyo 1948
Kamatayan26 Disyembre 2007
NasyonalidadHungarian, French
Kilala saPainter
KilusanHyperrealism

Nagtrabaho ang kanyang ama sa isang kompanyang amerikano, kaya naman noong 1950 nakulong siya sa loob ng limang taon. Napalaya siya ilang araw bago ang 1956 revolution. Taong 1956 lumisan ang pamilya niya mula sa Hungary patungo sa Austria, at lumaon ay sa Alemanya at noong 1958 sa Pransiya.[1][2] Nagsimulang gumuhit si Sándorfi nang siya walong taon pa lamang at nang tumuntong siya sa labindalawang taon nagsimula na siyang gumamit ng langis pampinta. Nagtapos siya sa École nationale supérieure des Beaux-Arts sa Paris at nag-aral din siya sa École nationale supérieure des arts décoratifs.

Mayroon siyang dalawang anak na babae sina Ange (b. 1974) at Eve (b. 1979).[2]

Namatay siya dahil sa sakit noong 26 Disyembre 2007, at inilibing ayun sa kanyang kagustuhan sa Budapest.[3]

Sining at mga Likhang-Sining

baguhin

Dekada 70 nang una niyang gamitin ang kanyang sarili bilang modelo sa kanyang mga likhang sining dahil sa ayaw niyang pinapanuod siya ng ibang tao kapag gumuguhit.[1] Ang una niyang pagtatanghal ay sa isang maliit na galeriya sa Paris. Ang una niyang malaking pagtatanghal ay ginanap noong 1973 sa Musée d'Art Moderne de la Ville de Paris.[2] Matapos ang nasabing pagtatanghal ang kanyang mga pininta ay nakita na sa iba't-ibang mga museyo sa ibang bansa tulad sa Copenhagen, Roma, Munich, Bruxelles, Basel, Bagong York, Los Angeles at sa San Francisco.

Sa kanyang mga pininta gumagamit siya ng mga hindi kilalang mga bagay, o kaya nama'y mga kataka-takang mga galaw o sitwasyon.[1] Ang mga kulay ng kanyang mga gawa noong 1970 hanggang 1980 ay asul, lilac at ang malamig na pagsasama ng dalawa. Dekad 80 gumawa siya ng maraming porma ng babae at mga still life.[1] Simula 1988 karamihan sa mga pininta niya ay babae.

Ginanap ang una niyang pagtatanghal sa Hungary noong 2006 sa Budapest, at noong 2007 nagkaroon siya ng pagtatanghal sa Debrecen. Ito ang una beses niyang pagbalitk sa Hungary simula pa noong umalis siya rito noong kanyang kabataan.

Mga Pagtatanghal

baguhin
  • 1966 - Galerie des Jeunes, Paris • Galerie de la Barbière, Le Barroux
  • 1970 - Galerie 3+2, Paris
  • 1973 - Musée d'Art Moderne de la Ville de Paris
  • 1974 - Galerie Daniel Gervis, Paris
  • 1975 - Galerie Beaubourg, Paris
  • 1976 - Bucholz Galerie, Munich
  • 1977, 1980 - Galerie Isy Brachot, Bruxelles
  • 1978, 1981, 1983 - Galerie Isy Brachot, Paris
  • 1979 - FIAC, Galerie Isy Brachot, Paris
  • 1981 - Galerie Isy Brachot, Basel
  • 1982 - Amaury Taitinger Gallery, New York
  • 1984 - FIAC, Galerie Isy Brachot, Paris
  • 1986 - Galerie Lavignes-Bastille, Paris - Galerie de Bellecour, Lyon
  • 1987 - Lavignes-Bastille Gallery, Los Angeles - Hôtel de Ville, Nancy
  • 1988 - Armory Show '88, Lavignes-Bastille Gallery, New York - Abbaye des Cordeliers, Châteauroux (retrospektív) - Louis K. Meisel Gallery, New York - FIAC, Galerie Lavignes-Bastille, Paris
  • 1991 - Galerie Prazan-Fitussi, Paris
  • 1993 - Galerie Guénéguaud, Paris - Galerie Mann, Paris
  • 1994, 1997 - Jane Kahan Gallery, New York
  • 1999 - Galerie Tempera, Bruxselles
  • 1999-2000 - Gallerihuset, Copenhagen
  • 2006 - Erdész-Maklári Galéria, Budapest
  • 2007 - A test színeváltozása. Életmukiállítás, MODEM, Debrecen.

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 http://www.muvesz-vilag.hu/kepzomuveszet/visszatekinto/7698
  2. 2.0 2.1 2.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-03. Nakuha noong 2009-11-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://index.hu/kultur/klassz/sandorfi1228/

Mga kawing panlabas

baguhin