Java (pulo)

(Idinirekta mula sa Java, Indonesia)

Ang Java[1] (Ingles: Java, Indones: Jawa, Habanes: ꦗꦮ, Sunda: ᮏᮝ) ay isang isla ng Indonesia at ang kinalalagyan ng kabisera ng bansa, ang Jakarta. Ito ang pinakamataong isla, at isa sa mga pinaka pinakamataong rehiyon sa mundo. Ang dating lugar ng mga makapangyarihang kaharian ng Hindu at ang sentro ng kolonyal na Dutch East Indies, ang Java ngayo'y may importanteng papel na ginagagampanan sa aspetong pampolitika at ekonomiya ng Indonesia. Tinatawag na Habanes (lalaki) at Habanesa (babae) ang mga taga-Java.[kailangan ng sanggunian]

Java
Jawa (Indones)
ꦗꦮ (Habanes)
ᮏᮝ (Sunda)
Heograpiya
LokasyonSoutheast Asia
Mga koordinado7°29′30″S 110°00′16″E / 7.49167°S 110.00444°E / -7.49167; 110.00444
ArkipelagoGreater Sunda Islands
Ranggo ng sukat13th
Pamamahala
Demograpiya
Populasyon145 million

Heograpiya

baguhin

Ang Java [2] ay isang parte ng Arkong Isla ng Sunda na kinabibilangan ng Sumatra sa hilagang-kanluran at ang Bali sa silangan. Ang Borneo ay nasa Hilaga habang ang Isla ng pasko ay nasa timog. Ito ay ang ika-13 na pinakamalaking isla sa buong mundo. Ang Java ay halos hango sa Bulkan; nandirito ang di-kumulang na 38 na bundok na sa isang pagkakataon ay aktibo. Ang pinakamataas na bulkan sa Java ay ang Bundok Semeru (3,676 m). Sumangguni sa Mga bulkan ng Java.

Ang pinakamahabang ilog sa isla ay ang Ilog Solo ng Bengawan, na may 600 km[3] ang haba. Ang Bengawan Solo ay umaagos mula sa sentral Java papasok ng bulkang Tawu, papuntang hilaga tapos papasilangan sa kanyang bukana sa Dagat Java, malapit sa siyudad ng Surabaya.

Demograpika

baguhin
 
Bundok Semeru at Bundok Bromo sa Silangang Java
 
Sentral Jakarta

Sa Java matatagpuan ang kabisera ng Indonesia, ang Jakarta. Ang mga tanyag na destinasyong panturista sa lugar ay kinabibilangan ng siyudad ng Yogyakarta, ang malaking mala-piramide na monumento kay Buddha na kilala sa tawag na Borobudur, at ang Prambanan, ang pinakamalaking templo sa Java. Ang Java din ang pinakamataong lugar sa Indonesia, na may humigit-kumulang sa 62% sa kabuuang populasyon sa bansa.[4] Sa 130 milyon na tao sa 940 tao kada km², ito din ang ikalawang pinakamatong isla sa mundo. Kung ito'y magiging bansa, ito'y magiging pangalawa lamang sa Bangladesh sa kakapalan. Humigit-kumulang na 45% ng populasyon ng Indonesia ay Javanes.[5] Mula noong 1970, ang gobyerno ng Indonesia ay nagpatakbo ng mga programang transmigrasyon na naglalayong ilagay ang iba pang mga tao sa Java sa iba pang mga isla ng Indonesia. Ang programang ito'y nagkaroon ng mga nagsasalungat na reaksiyon at may pagkakataong lumubha ng tensiyon sa paggitan ng mga lokal at ng mga dayo. Ang isla ay pinag-babahagi sa 4 na probinsiya, isang rehiyong espesyal* (daerah istimewa), at isang espesyal na distritong pangkabisera** (daerah khusus ibukota):

Sanggunian

baguhin
  1. Para sa artikulong "Taong Java" (Java Man) ginamit ang baybay na Java para banggitin sa wikang Tagalog, Ang Unang Tao, Elaput.org
  2. Volcano World - Island of Java Naka-arkibo 2006-10-22 sa Wayback Machine. (volcano.und.edu) Nakuha 26 Hulyo 2006
  3. Management of Bengawan Solo River Area Naka-arkibo 2007-10-11 sa Wayback Machine. Jasa Tirta I Corporation 2004. Retrieved 26 Hulyo 2006
  4. "Embassy of Indonesia, Ottawa". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-20. Nakuha noong 2006-09-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "CIA factbook". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-10. Nakuha noong 2009-06-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)