Si Jojit Lorenzo ay isang artista sa teatro, telebisyon at pelikula, at isang potograpo mula sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang pagganap sa pelikulang Changing Partners kung saan nagwagi siya bilang Pinakamahusay na Aktor sa Cinema One Originals Film Festival ng 2017.[1][2] Sa parehong pelikula, nanomina siya bilang Pinakamahusay na Aktor sa ibang naggawad ng parangal tulad ng FAMAS,[3] Gawad Urian[4] at Star Awards for Movies.[5] Nanalo din siya bilang Pinakamahusay na Pansuportang Aktor sa pagganap niya sa pelikulang Anatomiya ng Korupsiyon noong 2011 na Cinema One Originals Film Festival.[6]

Jojit Lorenzo
MamamayanPilipinas
Trabahoartista

Kabilang sa iba pa niyang pelikula ang Miracle in Cell No. 7,[7] Last Supper No. 3 at Goyo: Ang Batang Heneral, kung saan ginampanan niya ang isang potograpong si Miguel Laureano na kinunan ang mga litrato ni Gregorio del Pilar, na ginampanan naman ni Paulo Avelino.[8] Sa telebisyon, lumabas siya sa iba't ibang serye tulad ng Pari 'Koy, Walang Hanggan at Poor Señorita. Tinuturing niya ang pagpasok sa Batibot, isang palabas sa telebisyon na pambata, ang kanyang big break o pambihirang tagumpay sa pagpasok sa shobis.[9]

Karera

baguhin

Nagsimula si Jojit gumanap sa mga palabas sa entablado tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong nasa mataas na paaralan siya.[9] Nagkaroon din siya ng pagsasanay sa pag-arte noong nag-aaral siya sa mataas na paaralan.[9] Nagtapos siya sa Pamantasang De La Salle sa kursong Batsilyer sa Agham Pangkompyuter na may espesyalisasyon sa Teknolohiyang Kompyuter.[10] Nang natapos siya sa kolehiyo, nagsanay muli siya sa pag-arte noong 1989 at nagsimulang umarte para sa Bulwagang Gantimpala bilang aktor sa teatro.[10] At napunta din siya sa ibang organisasyong pang-teatro tulad ng PETA, Dulaang UP at Tanghalang Pilipino.[10] Ginagawa niya ang pagsali sa mga dula habang may trabaho sa HSCB, isang kilalang pananalaping kompanya.[10]

Sa mundo ng pelikula at telebisyon, tinuturing niya ang pagpasok sa pambatang palabas sa telebisyon na Batibot bilang kanyang big break o pambiharang tagumpay.[9] Simula noon, lumabas na siya sa iba't ibang mga palabas sa pelikula at telebisyon. Una siyang napansin sa pelikulang Last Supper No. 3 na isang pelikulang sinama sa Cinemalaya.[11] Nagbigay parangal sa kanya ang pagganap niya sa mga pelikulang Anatomiya ng Korupsiyon (2011) bilang Pinakamahusay na Pansuportang Aktor at Changing Partners (2017)[12] bilang Pinakamahusay na Aktor na binigay sa Gabi ng Parangal ng Cinema One Originals Film Festival. Sa pagganap niya sa Changing Partners, nanomina naman siya bilang Pinakamahusay na Aktor ng iba't ibang naggawad ng parangal tulad ng FAMAS, Gawad Urian at Star Awards for Movies. Nagsimula ang pelikulang Changing Partners bilang dula musikal sa teatro noong 2016 sa Virgin Labfest sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at muling ipinalabas bilang dula noong 2018 sa PETA kung saan ginanap pa rin Jojit ang kanyang karakter.[13]

Kabilang sa mga ibang pelikulang naging pansuportang aktor siya ang Lola, Azucena, Yaya Angelina, Txt, Now That I Have You, Bakit Hindi Ka Crush ng Mo, Born to Love You, at Instant Mommy.[11] Maliban sa pagiging artista, isa rin siyang potograpo. Madalas din siyang gumanap bilang potograpo sa mga pelikulang kabilang siya tulad sa Goyo: Ang Batang Heneral at Miss Granny.[8] Sa telebisyon, lumabas siya sa ilang mga seryeng pantelebisyon tulad ng Walang Hanggan, Kung Ako'y Iiwan Mo, Minsan Lang Kita Iiibign[11] at Pari 'Koy. Nagturo din siya ng mga kurso sa pag-arte.[14]

Noong Pebrero 2020, ipinabatid na makakasama siya sa mga tauhan sa bersyong pang-teatro ng Tabing Ilog na naging palabas sa ABS-CBN na nagsimula noong dekada 1990 at tumagal hanggang 2003.[15] Ngunit nakansela ito dahil sa pandemyang COVID-19.[16]

Personal na buhay

baguhin

Lumaki si Jojit sa pamilyang Mormon at wala siyang asawa.[11] Ang kapatid niyang si Jovel Lorenzo ay isa potograpo din[17] ngunit naunang pumasok si Jojit sa mga klase tungkol sa potograpiya.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Asis, Salve V. (2017-11-20). "Heart at Chiz sumusuboknang gumawa ng baby sa Amanpulo!". Philstar.com. Pilipino Star Ngayon. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. ""Changing Partners" Bags Most Wins in Cinema One Originals Awards". TheaterFansManila.com (sa wikang Ingles). 2017-11-20. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "FULL LIST: Nominees, FAMAS awards 2018". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-09. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "41st Gawad Urian nominees named | ABS-CBN Corporate". ABS-CBN. 2018-05-23. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. "34th Star Awards for Movies 2018 winners revealed; Iza Calzado, RS Francisco win highest acting awards". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Cinema One Film Fest winners announced". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2011-11-15. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. "'Miracle in Cell No. 7'". The Manila Times (sa wikang Ingles). 2019-12-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-09. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Hawson, Fred (2018-08-31). "Movie review: Subdued but powerful 'Goyo' delivers timely message". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 "#MazBeExtraordinary: Jojit Lorenzo". Maz Brasil Philippines (sa wikang Ingles). 2018-06-21. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 "About". JOJIT LORENZO PHOTOGRAPHY (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-09. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 "Jojit Lorenzo, Theatre & Character Actor, Gets Big Break Playing His First Lead Role In The Musical 'Changing Partners'". Showbiz Portal. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  12. ""Changing Partners" brings music and love on Cinema One | ABS-CBN Corporate". ABS-CBN. 2018-08-03. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  13. Veyra, Jeeves de (2018-05-18). "Theater review: 'Changing Partners' makes triumphant return to PETA stage". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "A dream comes true on 'Bida Star Ng Pasko' on December 15". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 2020-12-13. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  15. "'Tabing Ilog' stage musical opens March 7th". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 2020-02-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-09. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Cast of 'Tabing Ilog the Musical' to stream free concert for theater workers' relief | Coconuts Manila". Coconuts (sa wikang Ingles). 2020-05-21. Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  17. Pabalete, Noel (2021-06-08). "This photographer builds a street box camera that has been used for 100 years in Afghanistan". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)