Juan I Tzimisces
Emperador Juan I Tzimisces (Griyego: Ιωάννης Α΄ Τζιμισκής, Iōannēs I Tzimiskēs; Armeniano: Հովհաննես Ա Չմշկիկ, circa 925 - Enero 10, 976) ang Bisantinong Emperador mula Disyembre 11, 976 hanggang Enero 10, 976. Isang dakilang heneral, sa sandaling pamumuno ni Juan ay nakitaan ng paglaki ng mga hangganan ng imperyo at ang paglakas ng Imperyong Bisantino mismo.
Juan I Tzimisces | |
---|---|
Emperador ng Imperyong Bisantino | |
Paghahari | Disyembre 11, 969 – Enero 10, 976 |
Sinundan | Nicephoro II Phocas |
Kahalili | Basil II |
Konsorte | Theodora |
Dinastiya | Dinastiyang Makedoniano |
Pinagmulan
baguhinSi Juan ay ipinanganak sa Armenianong angkan ng Kourkouas at ang kanyang palayaw ay maaaring nagmula sa tshemshkik na ang kahulugan ay "pulang bota" o nanggaling sa salitang Armeniano na ang kahulugan ay "pandak". Siya ay inaakalang ipinanganak noong 925 mula sa isang di kilalang kasapi ng angkan ng Kourkouas at sa ate ng emperador sa hinaharap na si Nicephoro II Phocas. Ang mga Kourkouai at ang mga Phokadai ay mga kilalang mga Cappadocianong angkan na nagmula sa Armenia, sila ang isa sa mga pinakakilalang mga pamilyang militar na nagmula sa Asia Minor. Ilan sa mga kasapi ng kanilang angkan ay mga sikat na heneral.
Ang sinasabi ng mga manunulat na si Juan ay pandak ngunit matipunong tao, na mayroong mamula-mulang dilaw na buhok at balbas, ang kanyang bughaw na mata ay kinagigiliwan ng mga babae. Inaakalang siya ay sumali sa hukbo sa murang edad na pinamumunuan ng kanyang tito sa ina na si Nicephoro Phocas na sinasabi bilang kanyang guro sa sining ng pakikidigma. Dahil sa mga kaugnayan nya sa iba't ibang mga sikat na angkan at ang kanyang personal na abilidad, mabilis na umangat si Juan sa mga ranggo. Siya ay nabigyan ng pampolitika at militar na pamumuno sa thema ng Armenia bago siya umabot sa ika-dalawampu't limang taong gulang. Ang kanyang kasal kay Maria Skleraina ay ang nag-ugnay sa kanya sa makapangyarihang angkan ng Skleroi.
Pagpanhik sa trono
baguhinNoon ang imperyo ay nasa isang digmaan laban sa kanyang kapitbahay sa silanga, ang Imperyo ng Abbasid. Ang Armenia ang nagsisilbi bilang hangganan ng dalawang imperyo. Matagumpay na naipagtanggol ni Juan ang kanyang lalawigan. Siya at ang kanyang hukbo ay sumali sa pinakahukbo, at lumaban sa mga kalaban sa pamumuno ni Nicephoro Phocas.
Nicephoro (Nikephoros, ang kahulugan ay "tagapagdala ng tagumpay") ay pinakatawanan ang kanyang pangalan sa sunod-sunod na tagumpay, lalo pang iniurong ang hagganan pasilangan at kinubkob ang 60 lungsod sa hangganan kasama ang Aleppo. Noong 962, ang mga Abbasid ay humihiling na ng kasunduang pangkapayapaan na pabor sa mga Bisantino, iyon ang sumigurado sa mga hangganan sa mga susunod na taon. Pinatunayan ni Juan ang kanyang galing sa digmaan sa pangkat ng kanyang tiyuhin (si Nicephoro) at pinamunuan ang ibang bahagi ng hukbo. Siya ay mahal ng kanyang mga kawal at nakilala sa pagsisimula ng isang laban at ang pagbabago ng daloy ng laban.
Sa pagpanaw ni Emperador Romano II noong 963, sinulsulan ni Juan ang kanyang tiyuhin na agawin ang trono. At pagkatapos tulungan si Nicephoro II sa trono at sa pagpapatuloy sa pagtatanggol sa imperyo sa silangan, si Juan ay pinatalsik sa kanyang tungkulin pagkatapos ng isang intriga, na kanyang ikinagalit at nakipagsabwatan siya sa asawa ni Nicephoro na si Theophano para ipapaslang si Nicephoro.
Pamumuno
baguhinPagkatapos ng kanyang koronasyon noong 969, ipinadala niya ang kanyang bayaw na si Bardas Sclerus para tapusin ang pag-aalsa ni Bardas Phocas na nangarap na maging emperador tulad ng kanyang tiyuhin na si Nicephoro II. Para patibayin ang kanyang lakas, pinakasalan niya si Theodora, anak ni Emperador Konstantino VII. Pinatunayan ni Juan ang kanyang karapatan bilang emperador sa kanyang kampanya laban sa mga mananakop ng kanyang emperador. Sa mga kampanya laban sa mga pagsakop ng Kiev sa Danube noong 970 hanggang 971, pinalayas niya ang mga kalaban mulas sa Thracia, tinawid ang Bundok Haemus at sinugod ang moog ng Dorystolon (Silistra) sa Danube. Ilang matinding laban ang namagitan sa kanila ni Prinsipe Svyatoslav I ng Kiev ngunit matagumpay si Juan at siya ang naging pinuno ng silangang Bulagrya at Dobruya. Sa kanyang pagbalik sa Konstantinopol, siya ay nagsaya ng tagumpay, at ang nahuling Emperador ng Bulgarya na si Boris II ay inalisan ng mga sagisag pang-imperyo, at inihayag ang pagsakop sa Bulgarya. Lalo niyang pina-igting ang hangganan sa hilaga sa paglipat ng Thracia ng ilang Pauliciano na sinasapantaha niya na nakikisimpatya sa mga Muslim sa silangan.
Noong 972, nakidigma siya sa Imperyo ng Abbasid at ang kanyang mga basalyo, sinimulhan niya ang pagsakop sa Itaas na Mesopotamia. Ang sumunod na kampanya, noong 975, ay sinakop niya ang Syria, kung saan sinakop ng hukbo ni Juan ang Emesa, Baalbek, Damaskus, Tiberyas, Nasaret, Caesarea, Sidon, Beyrut, Biblos at Tripoli, ngunit hindi matagumpay na kubkubin ang Herusalem. Siya ay namatay noong 976 pagkatapos ng ikalawa niyang kampanya laban sa mga Abbasid. May mga nagsasabing nilason siya ni Basil Lecapenus upang pigilan siya sa pag-aalis ni Juan ng kanyang mga ari-arian at yaman. Si Juan ay sinundan ng kanyang pamangkin, si Basil II, na ang co-emperador sa pangalan lamang simula pa noong 960.