Bibliya

(Idinirekta mula sa Biblos)
Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Bibliya o Biblia[1] (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon.

Larawan ng binuklat na Bíbliyang Gutenberg, na nasa Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos.

Sa Hudaismo, ito ay binubuo lámang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang Tipan sa Kristiyanismo) at hindi kabílang dito ang Bagong Tipan. Para sa mga Samaritano, ang Bibliya ay binubuo lámang ng limang aklat ng Torah (Henesis, Eksodo, Lebitiko, Deuteronomyo at Bilang). Sa Katolisismo, ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat ng pinagsámang Lumang Tipan na may kasamang Deuterokanoniko o Apokripa sa katawagang Protestante at Bagong Tipan. Sa Protestantismo, ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan liban sa Apokripa o Deuterokanoniko ng mga Katoliko. Sa Etiopianong Ortodokso, ang Bibliya ay binubuo ng 81 na aklat, habang ang may pinakamalaking kanon ang mga Silangang Ortodokso, na kumikilala ng 84 na aklat bilang bahagi ng Bibliya. Sa Marcionismo (isang sektang Gnostiko), 11 lámang ang aklat na itinuturing nilang Bibliya, at hindi kasama dito ang buong Lumang Tipan.

Nilalaman

baguhin

Naglalaman ang Bíbliya ng mga salaysay na nauukol sa bansang Israel mula noong unang milenyo BCE hanggang sa panahon ni Hesukristo at ng mga Apostol noong unang dantaon CE.

Tanakh o Lumang Tipán

baguhin

Isinasalaysay ng Tanakh (Lumang Tipán) ang pagkakahirang ng Diyós na si Yahweh sa bansang Israel at ang kaniyang tipán dito na siya'y magiging matapat na Diyos kung susundin ng Israel nang tapat ang kaniyang mga utos na ipinahayag niya sa pamamagitan ng propetang si Moises. Kabilang sa tipang ito ang pagmamana ng Israel ng Canaan o "Lupang Pangako" at ang proteksiyón at pagpapálà ni Yahweh kapalít ng pagsunód ng Israel sa kaniyang mga utos (Éxodo 6:4).

Bagong Tipan

baguhin

Nakasulat naman sa Bagong Tipan ang búhay ni Hesus at ang mabuting balita ng kaligtasan para sa kanyang mga alagad. Si Hesus ay nagpakilala na tagagapagligtas sa pagwawakas ng mundo na magaganap noong unang siglo CE (Mateo 24:34, Marcos 13:30, Marcos 8:12, Marcos 8:38, Marcos 9:19, Lukas 21:32, Mateo 10:23). Ayon kay Hesus, siya ay maghaharì mulâ sa kaniyang trono ng kaluwalhatian kasama ang kaniyang mga Apostól upang humatol sa 12 lipì ng Israel (Mateo 19:28). Bukod dito, inangkin din ni Hesus ang pagiging isang anak ng diyos at Mesiyas, na naging sanhi ng pagkakahatol sa kaniya ng sanhedrin ng parusang kamatayan (Lukas 22:66-71, Juan 10:33).[2]

Pagkakaiba ng Bagong Tipán sa Lumang Tipán

baguhin

Ang Bagong Tipan ay naglalaman ng mga bagong kautusan at bagong teolohiya na iba sa Lumang Tipan. Halimbawa sa mga "sulat ni Pablo", ang mga kautusan ni Moises sa Lumang Tipan ay binuwag at pinawalang bisa pagdating ni Hesus dahil ayon kay Pablo, ang mga tao ay nasa ilalim na ng "biyaya" at hindi ng mga "gawa" (Gal 2:16, Col 2:13-14, 2 Cor 3:16-17, Heb 7:12, Gawa 13:39 at iba pa). Ang mga kontradiksiyon sa Luma at Bagong Tipan ay tinalakay ng kristiyanong si Marcion (85–160 CE) sa kanyang aklat na "Anthithesis". Isa sa mga halimbawa ng kontradiksiyon sa Luma at Bagong Tipan na tinalakay ni Marcion, ang Exodo 21:24 "...paparusahan ang nakasakit: búhay din ang kabayaran sa búhay, mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa, sunog sa sunog, sugat sa sugat, galos sa galos" at Lukas 6:29,"kapag sinampal ka sa isang pisngì, iharap mo rin ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit."

Pinagmulan ng salita

baguhin

Nagmula ang salitang Bibliya ng Tagalog at ang Bible ng Ingles (Latin: Biblia) sa Griyegong biblion, biblos, biblia na nangangahulugang "aklat" "mga aklat" o "mga maliliit na aklat." Ang salitang biblia ay hango rin mula sa Griyegong salita: biblos, na lumalarawan sa panloob na bahagi ng halamang papirus, isang sangkap sa paggawa ng sinaunang papel. May isang lugar sa Phoenicia, ang lungsod ng Gebal, na tinaguriang "Byblos" ng mga Griyego dahil kilala ang pook sa paggawa ng papel na papirus.

Kayarian at paghahati

baguhin

Ang Bibliya ay nahahati sa iba't ibang mga pangkat ng mga aklat depende sa sekta o relihiyong gumagamit nito. Para sa mga Hudyo, ang Bibliya ay binubuo lamang ng Tanakh (na tinatawag na Lumang Tipan sa Bibliyang Kristiyano). Hindi kasama sa Bibliya ng mga Hudyo ang Bagong Tipan at ang huwad na Apokripa o Deuterokanoniko ng Romano Katoliko at ng mga simbahang Ortodokso. Para sa mga Protestante at iba pang mga sekta, ang Bibliya sa panahon natin ngayon ay binubuo lamang ng Lumang Tipan at Bagong Tipan at hindi kasama ang huwad na Apokripa na pinaniniwalaan ng Romano Katoliko. Para sa Romano Katolisismo at mga simbahang Ortodokso, ang Bibliya ay binubuo ng Lumang Tipan na may pekeng dokumento na kinilala bilang Deuterokanoniko, at Bagong Tipan. Sa sinaunang panahon, ang mga tekstong Hebreo ay nahahati sa mga paragraph (parashot) na natutukoy ng dalawang mga letra ng alpabetong Hebreo. Ang Pe ay tumutukoy sa isang bukas na paragraph na nagsimula sa isang bagong linya samantalang ang Samekh ay tumutukoy sa isang saradong paragraph na nagsimula sa parehong linya pagkatapos ng isang maliit na espasyo. Ang pinakaunang mga alam na kopya ng Aklat ni Isaias mula sa mga eskrolyo ng Patay na Dagat ay gumamit ng dalawang mga letrang Hebreo para sa mga dibisyon nito ng paragraph bagaman ang mga ito ay kaunting iba mula sa mga dibisyon ng Masoretiko. Ang kasalukuyang dibisyon ng Bibliya sa mga kabanata o kapitulo at mga talata o bersikulo ay walang basehan sa anumang sinaunang tradisyong tekstuwal. Ang mga paghahating ito ay mga imbensyong midyebal. Ang mga ito ay kalaunang tinanggap ng mga Hudyo bilang mga reperensiyang teknikal sa loob ng tekstong Hebreo. Ang gayong mga reperensiyang teknikal ay naging mahalaga sa mga rabbi ng panahong mediebal sa kontekstong historikal ng pakikipagtalo sa mga kapariang Kristiyano lalo na sa Huling Espanyang midyebal. Ang pinaka-unang umiiral na manuskrito ng Tanakh na may mga dibisyon ng kabanata ay may petsang mula sa 1330 at ang unang inilimbag na edisyon ay noong 1516. Si Stephen Langton (1150–1228) ang pinaniniwalaang unang naghati ng Bibliya sa mga kabanata. Ang unang naghati ng mga kabanata ng Bagong Tipan sa mga talata ay ang Italyanong Dominikanong iskolar ng Bibliya na si Santi Pagnini (1470–1541), bagaman ang kanyang sistema ay hindi kailanman malawakang tinanggap. Si Robert Estienne ay lumikha ng alternatibong pagbibigay bilang sa kanyang 1551 edisyon ng Griyegong Bagong Tipan na kanya ring ginamit sa publikasyong 1553 ng Bibliya sa Pranses. Ang sistema ng dibisyon ni Estienne ay malawakang tinanggap at ito ang sistemang matatagpuan sa halos lahat ng mga modernong bibliya.

Mga Salin

baguhin

Tanakh o Lumang Tipan

baguhin
 
Isa sa mga kweba ng Qumran kung saan natuklasan ang mga eskrolyo ng Patay na Dagat (Dead Sea Scrolls) noong 1947-1956. Ang Dead Sea Scrolls ang pinakamatandang manuskrito ng Tanakh (Lumang Tipan) at Apokripa na isinulat mula 150 BCE hanggang 70 CE.
 
Ang ugnayan ng iba't ibang sinaunang salin (manuskrito) ng Tanakh (Lumang Tipan). Halimbawa, ang salin ni Lucian ay resensiyon (pagbabago) ng saling Septuagint (LXX) na isinalin naman mula sa isang Hebreo na hindi umiiral. Ang Hebreong Masoretiko (MT) ay nagmula sa tekstong Hebreo na hindi na umiiral na mula din sa isang sinaunang tekstong Hebreo na hindi na rin umiiral

Ang mga aklat ng Tanakh o Lumang Tipan na Bibliya ng unang mga Cristiyano noong unang siglo ay orihinal na isinulat sa alpabetong Paleo-Hebreo. Bago matuklasan ang Dead Sea Scrolls sa kweba ng Qumran noong 1947 hanggang 1956, ang pinakamatandang pragmentaryong (hindi kumpleto) manuskrito ng Hebreo ang Nash Papyrus na isinulat mula 150 hanggang 110 BCE. Ang pinakamatandang kumpletong manuskrito ng Lumang Tipan (Tanakh) ay Codex Sinaiticus (ika apat na siglo CE) na kinopya mula sa Griyegong Salin na Septuagint. Ang Septuagint ay isinalin sa Griyego mula Hebreo noong ikatlo hanggang ika isang siglo BCE. Sa mga panahong ito ang Israel ay nasa ilalim ng imperyong Griyego. Ang Septuagint ang pinagkuhanan ng sipi (quotes) ng Lumang Tipan ng mga may akda ng Bagong Tipan at ng mga "ama ng simbahan". Ang pinakamatandang kumpletong manuskrito naman ng Hebreo ay matatagpuan sa manuskritong Masoretiko (sinulat sa pagitan ng ikapito hanggang ika sampung siglo CE). Ang Masoretiko ang opisyal na bersiyon ng bibliya na ginagamit sa kasalukuyang Rabinikong Hudaismo. Bukod dito, ang Masoretiko din ang basehan ng mga bagong salin ng Lumang Tipan ng Biblia. Ayon sa mga iskolar, ang orihinal na Septuagint ay nagbibigay ng salin ng sinaunang tekstong Hebreo na iba sa Hebreo ng Masoretiko at sa saling Latin na Vulgata. Ang pagkakaiba ng Septuagint sa Masoretiko ay nahuhulog sa apat na mga kategorya: pagkakaiba ng pinagkuhanang teksto, pagkakaiba sa interpretasyon, pagkakaiba sa salin ng mga ekspresyong idyomatiko, at pagkakaiba sa resensiyon o pagbabago at pagkakamali ng mga eskriba. Ang mga eskrolyo ng Patay na Dagat ang pinakamatandang manuskrito ng Tanakh na isinulat sa pagitan ng 150 BCE at 70 CE. Ang 60% ng Mga eskrolyo ng Patay na Dagat ay umaayon sa Masoretiko, 5% umaayon sa Septuagint, 5% umaayon sa Samaritan Pentateuch at 10% ang hindi umaayon sa Masoretiko, Septuagint o Samaritan Pentateuch.[3] Bukod sa Tanakh, ang Dead Sea Scrolls ay naglalaman din ng apokripa o deuterokanoniko (para sa mga Romano Katoliko) at ibang pang manuskrito ng mga katuruan ng sektang nanirahan sa kweba ng Qumran. Ang Samaritan Pentateuch na isinulat sa alpabetong Samaritano ang bersiyong ginagamit sa relihiyong Samaritanismo. Ang pinakamatandang manuskrito ng Samaritan Pentateuch ay mula 1100 CE. Ang alpabetong Samaritano ay nagmula sa alpabetong Paleo-Hebreo na lenggwaheng ginamit sa pagsulat ng Tanakh. Sa mga dalawang libong instansiya kung saan ang Samaritan Pentateuch at Masoretiko ay magkaiba, ang Septuagint ay umaayon sa Samaritan Pentateuch. Ilan sa mga halimbawa ng pagkakaiba ng Samaritan Pentateuch at Masoretiko ang pagsamba sa Bundok Gerizim imbis na sa Bundok Ebal (Deut 27:4) at ang pagpapalit ng salitang "Elohim" (na nangangahulugang maraming diyos) sa anyong singular na "El" (Genesis 20:13; 31:53; 35:7; Exodo 22:8). Ayon sa mga iskolar, ang mga pagbabagong ito ay sanhi ng korupsiyon ng mga Samaritano sa Pentateuch o Torah (Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo, Bilang).[4]

Bagong Tipan

baguhin

Ang mga aklat ng Bagong Tipan ay orihinal na isinulat sa Griego. Ang mga kauna unahang salin ng Bagong Tipan sa ibang lenggwahe ay kinabibilangan ng lumang Latin (ika 2 siglo CE), lumang Syriac (ika 4 hanggang ika 5 siglo CE), at Coptic (ikaapat na siglo CE). Isa pang salin sa Latin bukod sa "lumang Latin" ang Vulgata na isinalin ni Jerome (342–420 CE). Ang Peshitta na isinalin sa lenggwaheng Syriac ang bibliang ginagamit sa iglesiang Syriac. Ang Peshitta ay naglalaman ng 22 sa 27 mga aklat ng Bagong Tipan at hindi kasama rito ang 2 at 3 Juan, 2 Pedro, Judas at Apocalipsis. Ang pinakamatandang pragmentaryong manuskrito ng Coptic (sinaunang lenggwahe sa Ehipto) ay nagmula sa ikaapat na siglo CE na binubuo ng mga teksto ng ebanghelyo.

Ang saling Aleman na tinatawag na Luther Bible ay isinalin ng "ama ng repormasyon" na si Martin Luther noong 1534. Ang saling ito ay base sa Textus Receptus. Ang Luther Bible ang kauna-unahang salin ng biblia na may hiwalay na seksyong tinatawag na Apokripa. Ang mga aklat na hindi kasama sa tekstong Masoretiko ng Lumang Tipan ay inilipat ni Luther sa seksyong ito. Si Luther ay naghayag din ng pagdududa sa apat na aklat ng Bagong Tipan na Sulat sa mga Hebreo, Sulat ni Santiago, Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag. Ang apat na aklat na ito ay inilipat niya sa huli ng mga aklat ng Bagong Tipan.

Ang pinakaunang salin ng Bagong Tipan sa lumang Ingles ay kinabibilangan ng bibliyang Tyndale (1539), Geneva (1560), Bishop (1568), Douay-Rheims (1582), King James Version (1611). Ang mga saling ito ay base sa Griegong Textus Receptus. Ang mga Bagong Salin naman sa Ingles gaya ng NASB (1963) at New International Version o NIV (1973) ay base sa edisyong kritikal ng Griegong Bagong Tipan na "Novum Testamentum Graece" na resulta ng "kritisismong tekstwal". Ang Novum Testamentum Graece ang pinaniwalaan ng mga iskolar na pinakamalapit sa orihinal na Griego ng Bagong Tipan. Ang Textus Receptus at Novum Testamentum Graece ay magkaiba sa 6,000 na instansiya ng Bagong Tipan.

Kanoninasyon ng Tanakh o Lumang Tipan

baguhin

Tanakh

baguhin

Ang Hudaismong Rabiniko ay kumikilala ng 24 aklat ng Tekstong Masoretiko na karaniwang tinatawag na Tanakh o Bibliyang Hebreo bilang autoritatibo. Ang ebidensiya ay nagmumungkahi na ang proseso ng kanoninasyon ng Tanakh ay nangyari sa pagitan ng 200 BCE at 200 CE. Ang isang dating sikat na teorya ay ang Torah(Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo, Bilang) ay isinama sa kanon noong 400 BCE, ang mga Propeta o Nevi'im (Josue, Aklat ng mga Hukom, 1 at 2 Samuel, 1 at 2 Hari, Isaias, Jeremias, Ezekiel, Joel, Amos, Obadias, Jonas, Mikas, Nahum, Habakuk, Sofonias, Hageo, Zacarias at Malakias) noong 200 BCE at ang mga Kasulatan o Ketuvim (Awit, Job, Kawikaan, Ruth, Awit ni Solomon, Eclesiastes, Panaghoy, Ester, Daniel, Esdras, Nehemias, 1 at 2 Kronika) noong 100 BCE.[5] na marahil ay sa isang hipotetikal na Konseho ng Jamnia. Gayunpaman, ang pananaw na ito ay papalaking itinatakwil ng mga modernong iskolar. Ang Septuagint ang pangalan ng saling Griyego ng Tanakh na isinalin sa pagitan ng ikatlo hanggang unang siglo BCE sa Alexandria, Ehipto. Ayon kay Michael Barber, "Sa Septuagint, ang Torah at Nevi'im ay itinatag bilang kanonikal ngunit ang Ketuvim ay lumilitaw na hindi pa depinitibong nakanonisa. Halimbawa, ang ilang mga edisyon ng Septuagint ay kinabiblangan ng 1–4 Macabeo o 151 Awit samantalang ang iba ay wala nito. Gayundin ay may mga dagdag sa Aklat ni Esther, Aklat ni Jeremias at Aklat ni Daniel at 1 Esdras sa Septuagint.

Lumang Tipan ng Kristiyanismo

baguhin

Ang mga Simbahang Romano Katoliko, Ortodoksong Oriental at Silangang Ortodokso ay nagsama ng mga aklat na hindi isinama sa kanon ng Hudaismo at kalaunan ay hindi isinama ni Martin Luther na tinawag na deuterokanonikal na mga aklat at itinuring na apokripa ng mga Protestante. Ang basehan ng pagsasama ng mga aklat na deuterokanonikal ng Katoliko at Ortodokso ay ang maagang saling Griyego ng Tanakh na Septuagint na ang pinakasiniping salin sa Griyegong Bagong Tipan ng mga siping Lumang Tipan. Ang 300 sa 350 mga sipi ng Bagong Tipan mula sa Lumang Tipan kabilang ang mga salita ni Hesus ay sinipi mula sa saling Septuagint. Ang ilang halimbawa ng mga inaangkin ng Katoliko na mga alusyon ng mga aklat deuterokanoniko sa Bagong Tipan ang Lucas 1:52(Sirach 10:14), Marcos 4:5,16-17(Sirach 40:15), Mateo 7:16,20(Sirach 27:6), Santiago 1:19(Sirach 5:11), Mateo 6:12(Sirach 28:2), Mateo 11:28(Sirach 51:28), Mateo 11:25(Tobit 7:18), Mateo 24:15(1 Macc. 1:54 at 2 Macc. 8:17), Marcos 9:48(Judith 16:17), Juan 1:3(Karunungan 9:1), Juan 3:13(Baruch 3:29), Juan 10:22(1 Macc. 4:59) at iba pa.[6] Ang Aklat ni Enoch na hindi kasama sa kanon ng Katoliko ngunit kasama sa kanon ng Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo ay direktang sinipi sa Sulat ni Judas 14-15. Binanggit ng mga manunulat na Kristiyano gaya nina Gelasius at Origen na ang Asumpsiyon ni Moises ang reperensiya ng Sulat ni Judas 1:9. Ayon sa iskolar na si RH Charles, ang Testamento ng mga Patriarka ay sinipi rin sa Bagong Tipan gaya ng 1 Tes 2:6(Levi 6:10), Roma 12:19(Gad 6:10), Roma 12:21(Benj. 6:3), 2 Corinto 12:10(Gad 5:7), Efeso 5:6(Naph. 3:1). Noong 382 CE, kinomisyon ni Papa Damaso I si Heronimo (ca. 347 CE-420 CE) na isalin ang Bibliya sa Latin na tinatawag na Vulgata. Ang mga pinakamaagang salin ni Heronimo ng Lumang Tipan ay batay sa mga rebisyon ni Origen ng Septuagint ngunit kalaunang direktang bumase sa orihinal na tekstong Hebreo na iba sa Septuagint sa maraming mga lugar. Ang kanyang desisyon na gumamit ng tekstong Hebreo sa halip na nakaraang isinaling Septuagint ay sumalungat sa payo ng karamihang ibang mga Kristiyano kabilang si Augustino ng Hippo na naniwalang ang Septuagint ay kinasihan ng Diyos. Gayunpaman, ang mga modernong iskolar ay nagdududa sa aktuwal na kalidad ng kaalamang Hebreo ni Heronimo. Ang mga modernong iskolar ay naniniwalang ang Griyegong Hexapla ang pangunahing sanggunian para sa saling "Iuxta Hebraeos" ni Heronimo ng Lumang Tipan.[7] Itinakwil rin ni Jerome ang apokripa. Gayunpaman, ang kanyang mga pananaw ay hindi nanaig. Noong 393 CE sa Synod ng Hippo, ang Septuagint ay malamang na kinanonisa na malaking dahil sa impluwensiya ni Augustino.[8] Kalaunang kinumpirma sa Synod ng Carthage noong 397 CE ang aksyong kinuha sa Hippo na muli ay dahil sa malaking impluwensya ni Augustino. Ang mga konsehong ito ay nasa awtoridad ni Augustino na tumuring sa kanon na sarado na.[9][10]

Ang kanon ni Augustino ng Lumang Tipan mula sa De doctrina christiana 2.13, circa 395 ang:

Genesis, Exodo, Levitico, Bilang, Deuteronomio, Josue, Hukom, Ruth, 1–4 Mga Hari, 1–2 Kronika, Job, Tobit, Esther, Judith, 1–2 Macabeo, 1–2 Esdras, Awit, Kawikaan, Awit ni Solomon, Ecclesiastes, Karunungan, Sirach, Labindalawa, Isaias, Jeremias, Daniel, Ezekiel

Inilipat ni Martin Luther ang deuterokanonikal sa isang seksyong kanyang tinawag na apokripa. Sa De Canonicis Scripturis ng Konseho ng Trent na pumasa sa isang boto (24 oo, 15 hindi, 16 nangilin) noong 1546, kinumpirma ng Konseho na ang mga aklat na deuterokanonikal ay kalebel ng ibang mga aklat ng kanon ng Lumang Tipan. Ang tinatanggap ng mga Protestante na mga kinasihang teksto ng Lumang Tipan ay ang nasa mga orihinal na teksto ng Hebreo at Aramaiko sa halip na ang saling Griyegong Septuagint.

Kanoninasyon ng Bagong Tipan

baguhin

Ang kanon ng Bagong Tipan ay nabuo sa maraming siglo. Sa pagitan ng 140 hanggang 220 CE, maraming sekta ng kristiyanismo na may iba-ibang konsepsiyon ng kalikasan at katuruan ng Diyos at ni Hesus ang lumitaw gaya ng Gnostisismo, Ebionita, Montanismo, Marcionismo at iba pa. Upang suportahan ang kanilang mga doktrina, ang mga sektang ito ay gumamit ng iba't ibang aklat na sa kanilang pinaniniwala ay mga "kinasihan ng Diyos". Ang mga aklat na ito ay pinasunog ng sektang proto-orthodox noong ika apat na siglo CE.[11] Ang mga naitagong manuskrito ng mga aklat na ito ay natuklasan sa aklatan ng Nag Hammadi sa Ehipto noong 1945. Sa pagitan nang 140 at 220 CE, ang parehong panloob at panlabas na mga pwersa ay nagtulak sa isang sekta ng Kristiyanismo na Proto-ortodoksya na magsimulang isistema ang mga doktrina at ang pananaw nito ng pahayag ng Diyos. Ang karamihan ng sistematisasyong ito ay sanhi ng pagtatanggol at pagsalungat laban sa iba't ibang mga umiiral na pananaw Kristiyano na katunggali ng sektang Proto-ortodoksiya. Si Marcion ng Sinope na isang obispong Kristiyano ng Asya menor na tumungo sa Roma at kalaunang itiniwalag ng kanyang mga kalabang Kristiyano para sa kanyang mga pananaw ang kauna-unahang Kristiyano na nagmungkahi ng isang depinitibo, eksklusibo, at isang kanon ng mga kasulatang Kristiyano na kanyang tinipon sa pagitan nang 130–140 CE.[12] Buong itinakwil ni Marcion ang teolohiya ng Lumang Tipan at itinuring ang diyos ng Lumang Tipan bilang isang mababang nilalang. Kanyang inangkin na ang teolohiya ng Lumang Tipan ay hindi umaayon sa katuruan ni Hesus tungkol sa Diyos at moralidad. Lumikha si Marcion ng isang pangkat ng mga aklat na kanyang itinuturing na buong autoritatibo na binubuo ng isang ibang bersiyon ng Ebanghelyo ni Lucas at ang 10 sa mga sulat ni Pablo (Hindi kasama ang Sulat sa mga Hebreo at mga liham na Pastoral na 1 Timoteo, 2 Timoteo at Tito). Hindi matiyak kung kanyang binago ang mga aklat na ito, nilinis ito sa mga pananaw na hindi umaayon sa kanyang pananaw o kung ang kanyang mga bersiyon ay kumakatawan sa isang hiwalay na tradisyong tekstuwal.[13] Ang ebanghelyo ni Marcion na simpleng tinatawag na Ebanghelyo ng Panginoon ay iba sa Ebanghelyo ni Lucas dahil sa kawalan ng anumang mga talata na nag-uugnay kay Hesus sa Lumang Tipan. Tinawag ni Marcion ang kanyang koleksiyon ng 10 mga sulat ni Pablo na Apostolikon at iba rin sa mga bersyon ng kalaunang sektang proto-ortodokso. Ang pagtitipon ni Marcion ng kanyang sariling kanon ng Bibliya ay maaring isang hamon sa umaahon na sektang Kristiyano na proto-ortodoksiya. Kung nais nila na itangging ang kanon ni Marcion ang totoo, kinailangan nilang ilarawan kung ano ang totoo. Ang yugtong paglawig ng kanon ng Bagong Tipan ay kaya nagsimula bilang tugon sa iminungkahing limitadong kanon ni Marcion.[14] Noong ika-2 at ika-3 siglo CE, isinaad ni Eusebius na ang sektang Elchasai "ay gumamit ng mga teksto mula sa bawat bahagi ng Lumang Tipan at mga Ebanghelyo at itinakwil nito nang buo si Apostol Pablo". Isinaad din dito na si Tatian ang Asiryo ay tumakwil sa mga sulat ni Pablo. Ang mga sektang Kristiyanong gaya ng Nazareno at Ebionita at iba pa ay tumakwil sa lahat ng mga sulat ni Pablo. Itinuring din ng mga Ebionita si Apostol Pablo na isang impostor. Ang isang sekta ng Kristiyanismo noong ca. 170 CE na tinawag ng kanilang kalaban na si Epiphanius ng Salamis na alogi ay tumakwil sa Ebanghelyo ni Juan (at posibleng ang Aklat ng Pahayag at mga sulat ni Juan) bilang hindi apostoliko at itinuro ng sektang ito ang ebanghelyo ni Juan na isinulat ng gnostikong si Cerinthus. Si Cerinthus ay tumanggap lamang sa isang ebanghelyo na Ebanghelyo ni Mateo. Ang isang apat na ebanghelyong kanon (Tetramorph) ay unang isinulong ni Irenaeus noong c. 180 CE. Si Ireneaus rin ang kauna-unahang Kristiyano na nagbanggit ng apat na ebanghelyo sa mga pangalan na Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Sa kanyang akdang Adversus Haereses, kinondena ni Irenaeus ang mga sinaunang pangkat na sekta ng Kristiyanismo na gumamit lamang ng isang ebanghelyo gaya ng Marcionismo (na gumamit lamang ng binagong Ebanghelyo ni Lucas) o mga Ebionita na tila gumamit ng isang bersiyong Aramaiko ng Ebanghelyo ni Mateo gayundin ang ilang mga pangkat na gumamit ng higit sa apat na mga ebanghelyo gaya ng mga Valentinian (A.H. 1.11). Ayon kay Irenaeus, "hindi posibleng may higit o kakaunti sa apat na ebanghelyo" dahil ang daigdig ay may apat na sulok at apat na hangin (3.11.8). Ang may akda ng Pragmentong Muratorian na ipinagpapalagay na isinulat noong ca. 170 CE dahil sa pagbanggit sa Obispo ng Roma na si Papa Pío I (bagaman ang ilan ay naniniwalang isinulat ito noong ika-4 siglo CE) ay nagtala ng karamihan ng mga aklat ng kasalukuyang 27 aklat ng bagong tipan. Gayunpaman, hindi binanggit sa Pragmentong Muratorian ang Sulat sa mga Hebreo, Unang Sulat ni Pedro, Ikalawang Sulat ni Pedro, Sulat ni Santiago at tumakwil sa mga liham na inangking isinulat ni Apostol Pablo na Sulat sa mga taga-Laodicea at Sulat sa mga taga-Alexandriano na isinaad ng pagramentong Muratorian na "pineke sa pangalan ni Pablo upang isulong ang heresiya ni Marcion." Ayon kay Origen, si Apostol Pablo ay "hindi labis na sumulat sa lahat ng mga iglesia na kanyang tinuruan; at kahit sa mga kanyang sinulatan, siya ay nagpadala ng ilang mga linya." Ang ilan sa mga kasamang "kinasihang kasulatan" para kay Origen ang "Sulat ni Barnabas, Pastol ni Hermas at 1 Clemente" ngunit ang mga aklat na ito ay inalis ni Eusebius.[15] Ang mga mga aklat na ito ay tinawag ni Eusebius na "antilegomena" o mga tinutulang aklat. Kabilang din sa antilegomena ang Santiago, Judas, 2 Pedro, 2 at 3 Juan, Apocalipsis ni Juan, Apocalipsis ni Pedro, Didache, Ebanghelyo ayon sa mga Hebreo, Mga Gawa ni Pablo.[16] Si Athanasius na obispo ng Alexandria ay nagbigay ng listahan ng eksaktong parehong mga aklat na naging 27 aklat na kanon ng Bagong Tipan noong 367 CE [17] at kanyang ginamit ang salitang "kanonisado" (kanonizomena) tungkol sa mga ito.[18] Ang mga pagkakaiba ng mga pananaw sa mga talaan ng kanon ng Bagong Tipan ay hindi pinakitunguhan sa Unang Konseho ng Nicaea (325 CE) o sa Unang Konseho ng Constantinople (381 CE). Pinaniniwalaan ng ilan na sa direksyon ni Papa Damaso I na Obispo ng Roma na ang kanon ng Katoliko ay itinakda sa Konseho ng Roma noong 382 CE. Gayunpaman, ang talaang Damasian (na isinaad na nagmula sa Konseho ng Roma) na isinama sa pseudepigrapikal na Decretum Gelasianum ay maaring hindi mula kay Damaso.[19] Si Augustino ng Hippo ay naghayag na ang isa ay "magnanais ng mga tinatanggap ng lahat ng mga Simbahang Katoliko kesa sa mga na ang ilan sa kanila ay hindi tinatanggap". Isinaad ni Augustino na ang mga sumasalungat na simbahan ay dapat mas higitan sa timbang ng mga opinyon ng mas marami at mas matimbang na mga simbahan. Epektibong pinwersa ni Augustino (na tumuring sa kanon na sarado na) ang kanyang opinyon sa Simbahan sa pamamagitan ng pag-uutos ng tatlong mga synod tungkol sa kanonisidad: Ang synod ng Hippo (393 CE), synod ng Carthage (397 CE) at isa pa sa Carthage (419 CE). Ang kasulukuyang 27 aklat na kanon ng Bagong Tipan ng Romano Katoliko ay pinag tibay ng Konseho ng Trent noong 1546.[20] Sa De Canonicis Scripturis ng Konseho ng Trent na pumasa sa isang boto (24 oo, 15 hindi, 16 nangilin) noong 1546, kinumpirma ng Konseho na ang mga aklat na deuterokanonikal ay kalebel ng ibang mga aklat ng kanon ng Lumang Tipan. Winakasan rin ng konseho ang debate sa antilegomena ng Bagong Tipan. Si Martin Luther (1483–1546) ay nagtangka na alisin sa kanon ang Sulat sa mga Hebreo, Sulat ni Santiago, Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag. Gayunpaman, ito ay hindi pangkalahatang tinatanggap ng kanyang mga tagasunod. Ang mga aklat na ito ay nilagay sa huli ng Bibliyang Luther hanggang sa kasalukuyan.[21] Ang 27 aklat na isinama sa kanon ng Bagong Tipan na tinatanggap ng mga pangkat Kristiyano gaya ng Romano Katoliko at Silangang Ortodokso ay ang sumusunod: Mateo, Marcos, Lucas, Juan, Gawa, Roma, 1 at 2 Corinto, Galacia, Efeso, Filipos, Colosas, 1 at 2 Tesalonica, 1 at 2 Timoteo, Tito, Filemon, Hebreo, Santiago, 1 at 2 Pedro, 1, 2 at 3 Juan, Judas at Apocalipsis.

Kanon ng iba't ibang denominasyon

baguhin

May pagkakaiba ang bilang ng mga aklat at pagkakasunod ng mga ito sa kanon sa iba't ibang denominasyon.

Sa Hudaismo

baguhin

Sa Hudaismo ang kanon ay binubuo lamang ng 24 aklat ng Tanakh (o Lumang Tipan sa bibliang kristiyano). Hindi tinatanggap ng mga Hudyo ang "Bagong Tipan" ng Kristiyanismo bilang "salita ng Diyos" at hindi sila naniniwala na si Hesus ang katuparan ng Mesiyas na binabanggit sa "Tanakh". Ayon sa mga iskolar na Hudyo, ang mga sinasabing hula na katuparan ni Hesus sa Bagong Tipan ay base sa maling salin at misinterpretasyon ng mga talata sa Tanakh.[22][23][24][25][26]

Sa Samaritanismo

baguhin

Sa relihiyong Samaritanismo, ang kanon ay binubuo lamang ng limang aklat ng Torah na Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo, at Bilang.

Sa Marcionismo

baguhin

Ang Marcionismo ay ikalawang siglong sekta ng Kristiyanismo na nagmula sa mga turo ni Marcion ng Sinope noong 144 CE. Ayon kay Marcion, ang diyos ng mga Hebreo sa Lumang tipan ay isang malupit na diyos at iba sa mapagpatawad na diyos ng Bagong Tipan. Sa dahilang ito, ang Lumang Tipan ay itinakwil ni Marcion. Ang kanon na tinanggap lamang sa Marcionismo ay binubuo ng 11 aklat: ang Ebanghelyo ni Marcion(na binubuo ng sampung kapitulo ng Ebanghelyo ni Lukas at binago ni Marcion at ang sampu sa mga sulat ni Pablo(Roma, 1 at 2 Corinto, Galacia, Efeso, Filipos, Colosas, 1 at 2 Tesalonica). Ang ibang aklat ni Pablo gaya ng Unang Sulat kay Timoteo, Ikalawang Sulat kay Timoteo at Sulat kay Tito at ibang pang aklat ng Bagong Tipan ay itinakwil sa Marcionismo.[27]

Sa Katolisismo

baguhin

Ang kanong katoliko ay binubuo ng 73 aklat. Sakop ng kanong Katoliko ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan sa kanilang sariling bersiyon ng kanon, pati na rin ang mga sumusunod na aklat na tinatawag na mga Deuterokanoniko o Apokripa (para sa mga Protestante): Tobít,Judith, Ester (Griyego) (madalas pinapalitan ang Hebreo na bersiyon ng Ester sa Lumang Tipan, o kaya inihahalo ang mga nasa Griyegong salin sa nasa Hebreong manuskrito), 1 Mga Macabeo, 2 Mga Macabeo, Karunungan ni Solomon, Sirac/Eclesiastico at Baruc. Ang Apokripa ay pinagtibay na kanonikal sa Konseho ng Trent noong 1546 bilang tugon sa pagtutol dito ng mga protestante noong repormasyon (1515–1648). Ang ilan sa mga doktrina ng katolisismo na sinusuportahan ng Apokripa at tinutulan ng mga Protestante ang purgatoryo (Tobit 12:12, 2 Macabeo 12:39-46), pamamagitan ng mga namatay na santo at mga anghel (2 Maccabeo 15:14, Tobit 12:12-15), pananalangin para sa mga patay (2 Macabeo 12:45-46) at iba pa na lihis sa tunay na Bibliyang kanon.

Sa Ortodoksiya

baguhin

Sa Etiopianong Ortodokso, ang bibliya ay binubuo ng 81 na aklat at sa Silangang Ortodokso, ang bibliya ay binubuo ng 84 na aklat. Sakop ng kanong Ortodokso ang lahat ng mga aklat ng bibliyang Katoliko kasama ang 3 Macabeo, Awit 151, 1 Esdras, 4 Macabeo at iba pa.

Sa Ortodoksong Syriac

baguhin

Ang biblia ng Simbahang Ortodoksong Syriac na tinatawag na Peshitta ay binubuo ng Lumang Tipan, Apokripa at Bagong Tipan. Kasama rin sa Lumang Tipan nito ang Awit 151, Awit 152–155 at 2 Baruch. Hindi kasama sa Bagong Tipan ng Peshitta ang mga aklat na Ikalawang Sulat ni Pedro, Ikalawang Sulat ni Juan, Ikatlong Sulat ni Juan, Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag.[28]

Sa Protestantismo

baguhin

Sa Protestantismo, ang kanon ay binubuo ng 66 na aklat. Ang apokripa ng Katoliko ay hindi tinanggap ng mga Protestante.

Pananaw ng mga iskolar at arkeologo tungkol sa Bibliya

baguhin

Arkeolohiya

baguhin

Ayon sa mga arkeologo at iskolar, ang karamihan sa mga istoryang binabanggit sa Bibliya ay hindi nangyari. Ang mga salaysay o pangyayaring nilalarawan sa Bibliya gaya ng mga kuwento sa Aklat ng Genesis, exodo o 'pag-alis' ng mga Israelita mula sa Ehipto, ang pagsakop ng mga Israelita sa Canaan at ang panahon ng mga Hukom ay itinuturing ng mga arkeologo at iskolar na hindi historikal o hindi nangyari.[29][30][31][32][33] Ang isang malawak at makapangyarihang Kaharian ng Judah noong ika-10 siglo BCE na inilalarawan sa Bibliya ay hindi sinusuportahan ng ebidensiyang arkeolohikal. Sa partikular, ang Herusalem sa ika-10 siglo BCE na panahong inuugnay sa mga haring si David at Solomon ay hindi higit sa isang mahirap na baranggay.[34] Ang mga pagkakatuklas na arkeolohikal tungkol sa lipunan at kultura sa Sinaunang Malapit na Silangan ay nagtuturo sa mga anakronismo sa Tanakh na nagmumungkahi na ang ilang mga salaysay ng Tanakh ay aktuwal na isinulat noong ca. ika-9 siglo BCE at ang karamihan ng mga salaysay ng Tanakh ay mula ika-7 siglo BCE hanggang ika-5 siglo BCE.[35]

Ayon sa arkeologong Israeli na si Ze'ev Herzog:[36]

Ito ang nalaman ng mga arkeologo sa kanilang paghuhukay sa bansang Israel: Ang mga Israelita ay hindi kailanman tumuntong sa Ehipto, hindi naglakbay sa ilang, hindi sinakop ang lupain (ng Canaan), at hindi ito ibinigay sa 12 lipi ng Israel. Marahil, ang isa sa napakahirap lunukin ay ang pinagkaisang kaharian ni David at Solomon na sinasabi sa Biblia na makapangyarihan sa buong rehiyon (ng Canaan), ay isang maliit na tribong kaharian lamang. At ikagugulat ng marami na ang diyos ng Israel na si Yahweh ay may asawang babae at ang mga sinaunang Israelita ay tinanggap lamang ang monoteismo sa panahong humina na ang kaharian at hindi sa Bundok Sinai.

 
Tableta ng Epiko ni Gilgamesh na pinaghanguan ng ilang mga kuwento sa Bibliya.

Ang karamihan sa mga istorya sa Tanakh ay hinango sa mas naunang isinulat na mga kasulatan at kuwentong mitholohikal ng ibang bansa at kultura sa Sinaunang Malapit na Silangan. Kabilang sa mga mitolohiyang pinagkopyahan o nakaimpluwensiya sa Bibliya ang Enuma Elish na katulad ng sa Genesis 1 , ang "Epiko ni Gilgamesh" na katulad sa kuwento ng Arko ni Noe[37] gayundin sa kuwento ni Adan at Eba sa hardin ng Eden. Ang istorya ni Esther (na protoganista ng "Aklat ni Esther") ay pinaniwalaang nag ugat sa Babilonia, ang Eclesiastes 9:7-10 sa talumpati ni Sidhuri[38] at ang mga ilang kawikaan sa "Aklat ng mga Kawikaan" (Book of Proverbs) na sinasabing kinopya sa kasulatang Ehipsiyo na "Katuruan ni Amenemope"[39] at Aklat ng Eclesiastes 9:7-9 mula sa Epiko ni Gilgamesh. [40]

Ayon sa Ehipsiyong arkeoloogo na si Zahi Hawaas tungkol sa Exodo ng mga Israelita mula sa Ehipto:

Sa totoo lang, ito ay isang mito(hindi totoo), Kung magalit sila, wala akong pake, Ito ang aking trabaho bilang isang arkeologo

Pinagmulan ng monoteismo sa Israel

baguhin

Ang politeismo ng mga Sinaunang Israelita ay nag-uugat mula mga politeistikong relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan at narereplekta sa mga ilang aklat ng Tanakh gaya ng paggamit ng salitang Hebreo na 'elohîm na anyong plural ng Eloah na anyo ng El na isang pangkalahatang salita para sa diyos sa mga Sinaunang relihiyong Semitiko.[41] Ayon sa mga iskolar, si Yahweh ay kinikilala sa Canaan na isa sa pitumpung (70) mga anak ng diyos na si "El" o "Elyon".[42] Sa Canaan (kasama rito ang mga bansang Lebanon, Jordan, Israel, Syria at iba pa), si El ay kinikilalang punong diyos at asawa ng diyosang si "Asherah". Ito'y makikita sa mga tabletang nahukay sa siyudad ng "Ugarit" sa Syria noong 1929 hanggang 1939.[43] Ang pitumpung anak ni El ay mga patrong diyos ng bawat pitumpung bansa sa rehiyon ng Canaan. Sa Deuteronomio 32:8-9 ng Dead Sea Scrolls o 4QDeut4(na pinakamatandang manuskrito ng Tanakh), mababasa na hinati ng diyos na si Elyon ang mga bansa ayon sa bilang ng mga anak ng diyos. Ang bansang Israel (Jacob) ay naging bahagi naman ng diyos na si Yahweh.[44] Ayon sa mga iskolar, ang beney ha elohim(mga anak ng mga diyos) sa Deut. 32:8-9 ay salitang Semitiko na tumutukoy sa mga mababang diyos sa kapisanan ng mga diyos (divine pantheon) sa Canaan[45][46][47][48][49][50][51](tignan din ang Awit 82:1-8 kung saan ang punong diyos (Elyon) ay namumuno sa kapulungan ng mga diyos). Ang salitang Elohim (mga diyos) na anyong plural ng singular na El (diyos) ay matatagpuan ng 2500 beses sa Tanakh (Lumang Tipan). Bagama't ang Elohim ay may konstruksiyong singular sa ilang mga talata ng Tanakh (kung ang pandiwa o pang-uri na tumutukoy dito ay singular), may ilang mga eksepsiyon na ang "Elohim" ay nangangahulugang "maraming diyos". Halimbawa, sa Genesis 20:13, 35:7, 2 1 Samuel 7:23, Awit 58:11, at ang pangalan ng "Buhay na Diyos" sa Deuteronomio 5:26, ang "Elohim" ay nasa anyong plural dahil sa ito ay tinutukoy ng plural na pang-uri na אלהים חיים . Sa Septuagint at sa mga bagong salin ng Lumang Tipan mula sa Hebreo, ang salitang "Elohim" ay isinalin na "mga diyos" kapag tinutukoy ng plural na pandiwa at kapag ito ay tumutukoy sa "mga diyos na pagano" (halimbawa sa Exo 12:12 na "mga diyos (Elohim) ng Ehipto") ngunit ito ay pinalitan ng singular na "diyos" (theos sa Septuagint) kung tumutukoy sa diyos ng Israel kahit na ang kahulugan ay maliwanag na "mga diyos".

Nang hatiin ni Elyon ang mga bansa,

nang kanyang ihiwalay ang mga anak ni Adan
kanyang itinakda ang mga hangganan ng mga bansa
ayon sa bilang ng mga anak ng mga diyos.
Ang bahagi ni Yahweh ang kanyang bayan,

si Jacob (Israel) ang kanyang (Yahweh) bahaging mana.

— Salin ng Deuteronomio 32:8-9 ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat (4QDeut4)[52]

Sa pagitan ng ikawalo hanggang ikaanim na siglo BCE, si El ay nagsimulang ituring na mga Israelita na siyang ring si Yahweh o "Yaweh-El" na asawa ni "Asherah".[53] Ang ibang mga diyos ng ibang bansa ay tinuring ng mga Israelita na mga manipestasyon lamang ni Yahweh-El. Ito ay makikita sa mga artipaktong nahukay sa bansang Israel sa panahong ito na nagpapakitang si Yahweh ay may asawa na nagngangalang "Asherah". Bukod dito, ang pagpapalit ng beney ha elohim(mga anak ng mga diyos) sa ibang manuskrito gaya ng Masoretico, ng "mga anak ni Israel" gayundin sa Septuagint na pinalitan ng "mga anghel ng diyos" ang indikasyon na ang diyos na si Elyon at Yahweh ay naging isang diyos. Sa bagong salin ng biblia na The New Revised Standard Version (NRSV)(1989), ang Deut 32:8 ay isinalin na "according to the number of the gods" (ayon sa bilang ng mga diyos). Sa panahong ito, ang mga ebidensiyang arkeolohiyal ay nagpapakita ng mga tensiyon sa pagitan ng pangkat na komportable sa pagsamba kay Yahweh kasama ng mga lokal na diyos gaya nina Asherah at Ba'al at sa mga sumasamba "lamang" kay Yahweh.[54][55] Sa mga panahong ding ito nagsimulang lumitaw sa Bibliya ang monoteismo o ang paniniwalang si Yahweh "lamang" ang Diyos ng uniberso. Halimbawa sa ika pitong siglo BCE, isinulat ang mga pahayag na monoteistiko sa Bibliya : Deuteronomio 4:35, 39, 1 Samuel 2:2, 2 Samuel 7:22, 2 Hari 19:15, 19 (= Aklat ni Isaias 37:16, 20), at Aklat ni Jeremias 16:19, 20 at ang ikaanim na siglong bahagi ng Isaias 43:10–11, 44:6, 8, 45:5–7, 14, 18, 21, and 46:9.[56] Dahil sa ang mga talatang ito ay nakaugnay sa Deuteronomio, ang kasaysayang Deutoronomistiko (ito'y mga librong mula sa "Aklat ni Josue" hanggang sa "Aklat ng Mga Hari"), sinasabi ng mga iskolar na ang isang kilusang Deuteronomistiko ang bumuo sa ideyang monoteismo sa Israel noong mga panahong ito.[57] Isa sa mga dahilan ng pagusbong ng monoteismo sa Israel ay ang pagakyat sa kapangyarihan ng mga imperyong Assiria at Babilonia sa mga panahong ito. Para sa mga Israelita ang kanilang diyos ay kasing kapangyarihan ng mga patrong diyos ng ibang bansa.[58] Ngunit dahil sa pagsakop ng Imperyong Neo-Asirya sa hilagang kaharian ng Israel (Samaria) noong 723-720 BCE at Imperyong Neo-Babilonya sa Kaharian ng Juda noong 587/586 BCE, inakala ng mga taga-Judahna mas makapangyarihan ang pambansang Diyos ng Asirya na si Ashur at pambansang Diyos ng Babilonya na si Marduk. Sa mga panahong ito, ang kilusang monoteistiko (Deuteronomistiko) ay nagsimulang mangatwiran na ang pagsakop ng Assiria sa Israel ay hindi nangangahulugang ang diyos ng Judah ay mas mahina kay "Marduk" na siyang diyos ng Babilonya kundi ipinahintulot ni Yahweh na parusahan ng Asirya ang Israel at ng Babilonya ang Judah upang dalisayin ang bansang Israel at Judah dahil sa kanilang politeismo.[57] Ang modernong analysis na literaryo ng Tanakh ay nagmumungkahi na sa panahong ito nang binago ang mga pinagkunang isinulat at pambibig upang ipaliwanag ang pagkakatapon ng mga Israelita bilang parusa ng diyos dahil sa pagsamba sa ibang mga diyos.[59][60] Si Yahweh ay ginawa rin ng mga may akda ng Tanakh na hindi lamang ang pang-tribong diyos ng bansang Israel kundi pati ng buong mundo.[57] Iminungkahi na ang striktong monoteismo ay umunlad sa pagkakatapong ito ng mga Israelita sa Babilonia at marahil ay bilang reaksiyon sa dualismo o quasi-monoteismo ng Zoroastrianismo ng mga Persian.[61][62] Ang Judah ay naging probinsiya ng Imperyong Persiyano bilang Yehud Medinata sa loob ng 203 taon pagkatapos sakupin ng Persiya ang Babilonya noong 539 BCE. Ang mga iskolar ay naniniwala na ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong Zoroastrianismo[59][62] ng Persia sa mga pananaw ng anghel, demonyo, malamang ay sa doktrina ng muling pagkabuhay gayundin sa mga ideyang eskatolohikal at sa ideya ng mesiyas o tagapagligtas ng mesiyanismong Zoroastriano.[59]

Ang ibang iskolar ay naniniwala na si Yahweh ay isang pang-tribong diyos na sinamba sa timog ng Canaan (Edom, Moab at Midian) mula 14 siglo BCE at ang kulto ni Yahweh ay naipasa sa hilaga ng Canaan sa pamamagitan ng mga Cineo (Kenite). Ang hipotesis na ito ay iminungkahi ni Cornelius Tiele noong 1872. Ayon din sa ilan na naniniwala sa hipotesis na ito, si Yahweh ang diyos ni Jethro (biyenan ni Moises) na isang Cineo ayon sa Hukom 1:16 at mula kay Jethro naipasa ni Moises ang kulto ni Yahweh sa mga Israelita. Gayunpaman, si Moises ay hindi tinatanggap na historikal ng mga kasalukuyang iskolar.[31]

Kristiyanismo

baguhin

Ayon sa mga iskolar, ang mga katuruan ng kristiyanismo ay karaniwang matatagpuan sa iba't iba't mga sekta ng Hudaismo na umiral mula unang siglo BCE hanggang unang siglo CE. Kabilang dito ang paghihintay sa isang mesiyas o tagapagligtas[63], ang paniniwalang apokaliptiko, pagpapanumbalik ng Kaharian ng mga Hudyo at iba pa[64] ay matatagpuan din sa mga pantikan na isinulat noong mga panahong ito sa Israel gaya ng Aklat ni Enoch, Apocalipsis ni Abraham, Apocalipsis ni Adan, mga eskrolyo ng Patay na Dagat at marami pang iba. Ang sektang Fariseo (sa anyo ng Rabinikong Hudaismo) ang tanging sekta ng Hudaismo na nakapagpatuloy hanggang sa kasalukuyang panahon pagkatapos ng pagkakawasak ng Herusalem noong 70 CE samantalang ang ibang mga sekta ng Hudaismo ng unang siglo CE ay naglaho. Ang Kristiyanismo ay nakapagpatuloy sa pamamagitan ng pakikipaghiwalay sa Hudaismo at pagiging isang hiwalay na relihiyon. Naniniwala ang ilang mga iskolar na wala pang dalawang magkahiwalay na relihiyong Hudaismo at Kristiyanismo noong unang siglo CE.[65] Ang ilang mga sinaunang pangkat Kristiyano ay strikong mga Hudyo gaya ng mga Ebionita gayundin ang mga sinaunang pinuno ng Iglesia sa Herusalem na sama samang tinatawag na mga Hudyong Kristiyano. Ang ilang historyan ay nagmungkahi na si Hesus ay lumikha ng katiyakan sa kanyang mga alagadang muling pagkabuhay at ang nalalapit na pagdating ng Kaharian ng Diyos. Pagkatapos ng ilang mga taon, ang inaasahan ng mga Hudyong pagpapanumbalik ng Kaharian ay nabigo.[66] Gayunpaman, ang ilang mga Kristiyano ay naniwala na imbis na si Hesus ang mesiyas na inaasahan ng mga Hudyo, siya ay isang diyos na nagkatawang tao. Ang saligan ng bagong interpretasyong ito ng muling pagkabuhay ni Hesus ay matatagpuan sa mga sulat ni Pablo at sa Mga Gawa ng mga Apostol (Gawa 1:6-8). Ang mga Hudyo ay naniniwala na si Apostol Pablo ang tagapagtatag ng Kristiyanismo at ang responsable sa pakikipaghiwalay ng Kristiyanismo sa Hudaismo. Hinikayat ni Pablo ang mga pinuno ng Iglesia sa Herusalem na payagan ang mga akay na hentil na hindi gawin ang karamihan ng mga Kautusan na Hudyo sa Konseho ng Herusalem (Gawa 15). Ayon sa ibang iskolar, si Hesus ay isang mitolohiya lamang at ang kanyang istorya sa Bagong Tipan ay kinopya lamang sa iba't ibang istorya ng mga diyos na pagano na namatay at muling nabuhay sa Sinaunang Gresya at Ehipto.[67][68] Ang parehong sinaunang Kristiyanismo at sinaunang Rabinikong Hudaismo ay malaking naimpluwensiyahan ng relihiyong Helenistiko. Sa partikular, namana ng Kristiyanismo ang maraming mga katangian ng paganismong Greko-Romano sa istruktura, terminolohiya, kulto at teolohiya. Ang mga pamagat gaya ng Pontifex Maximus, Sol Invictus ay direktang kinuha mula sa relihiyong Romano. Ang impluwensiya ng neoplatonismo sa teolohiya ng Kristiyanismo ay malaki, halimbawa sa pagtukoy ni Augustino ng diyos bilang summum bonum at ang masama bilang privatio boni. Ang mga kapansin pansing pagkakatugma sa salaysay ng buhay ni Hesus at ang mga diyos na klasikal gaya ng mga demigod o kalahating-diyos (na anak ng diyos at tao) gaya nina Bacchus, Bellerophon o Perseus ay napansin ng mga ama ng simbahan at tinakalay ni Justyn Martyr noong ika-2 siglo CE ukol sa "panggagaya ng demonyo" kay Kristo.[69]

Kritisismong tekstuwal

baguhin
 
Ang Codex Sinaiticus na sinulat noong ika-apat ng siglo CE ang pinakamatandang kumpletong manuskrito ng Luma (na saling Septuagint) at Bagong Tipan. Kabilang sa Bagong Tipan ng Codex Sinaiticus ang Sulat ni Barnabas at Pastol ni Hermas. Kabilang sa Lumang Tipan ng Codex Sinaiticus ang mga aklat ng apokripa o deuterokanoniko na 2 Esdras, Tobit, Judith, 1 & 4 Maccabees, Karunungan at Sirac

Dahil sa hindi na umiiral ang mga "orihinal na manuskrito" (sulat kamay) ng biblia at ang mga kopya ng kopya ng orihinal na manuskritong ito ay hindi magkakatugma, ang kritisismong tekstuwal ay lumalayon na alamin ang orihinal o ang pinakamalapit na teksto ng orihinal na manuskrito. Ang ilang halimbawa ng mga tekstong sinasabi ng mga iskolar na mga "interpolasyon" (dagdag) o hindi bahagi ng orihinal na manuskrito ay Juan 7:53-8:11, 1 Juan 5:7-9, Markos 16:9-20 na idinagdag lang sa ikalawang siglo CE[70] gayundin ang mga salaysay ng kapanganakan at pagkasanggol ni Hesus na huli ng idinagdag sa mga teksto.[71] Ayon pa sa mga iskolar, ang Lukas at Mateo ay orihinal na isinulat na hindi kasama ang unang dalawang kapitulo ng mga aklat na mga ito.[71] Ang ilan sa mga talatang ito ay inalis sa mga bagong salin ng Biblia gaya ng NIV at Magandang Balita ngunit kasama sa mga lumang salin gaya ng King James Version (1611).

Ang 5,800 manuskritong Griego ng Bagong Tipan ay hinati sa tatlong pangkat ng magkakatugmang uri ng teksto (text-type): Ang Alexandrian, Western at Byzantine.[72] Ang Alexandrian na binubuo ng pinagkalumang teksto ng Bagong Tipan (mula ikalawa hanggang ikaapat ng siglo) ang siyang naging basehan ng edisyong kritikal na "Novum Testamentum Graece" na naging basehan ng mga bagong salin ng Biblia tulad ng NIV, NASB at Magandang Balita Biblia (Good News Bible) samantalang ang Byzantine, na bumubuo ng 80% ng manuskrito ng Bagong Tipan at siyang pinakabagong teksto (ika 5 hanggang 15 siglo CE) ang siya namang naging basehan ng Textus Receptus na naging basehan ng mga saling gaya ng King James Version na isinalin mula 1604-1611.

Kritisismong historikal

baguhin

Lumang Tipan o Tanakh

baguhin

Ang Kritisismong historikal o mas mataas na kritisismo sa pag-aaral biblikal, ay naglalayon na alamin ang tunay na may-akda at panahon ng pagkakasulat ng mga aklat sa bibliya. Ayon sa mga iskolar, karamihan sa mga aklat ng Biblia ay hindi isinulat ng mga pinaniwalaang tradisyonal na may-akda nito. Halimbawa, ayon sa Tradisyon ng mga Hudyo, ang Torah (Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomio at Bilang) ay inihayag kay Moises noong 1312 BCE sa Bundok ng Sinai. Ayon sa mga iskolar, hindi maaaring si Moises ang sumulat ng mga aklat na ito dahil sa mga anakronismo na matatagpuan sa mga aklat na ito. Ang anakronismo ay mga konsepto o salitang hindi umaangkop sa sinasabing kapanahunan ng pagkakasulat ng isang aklat. Halimbawa ang kaharian ng Edom, lupain ng Goshen, Rameses, Arameo ay hindi pa umiiral noong sinasabing kapanahunan ni Moises.[73] Bukod dito, ang iba pang indikasyon na ang Torah ay isinulat ng maraming mga may akda at hindi ni Moises: ang mga talata gaya ng Deut. 34:5-8 at Bilang 21:14 na isinulat pagkatapos mamatay ni Moises, doublets o dalawang magkaibang pagsasalaysay sa isang storya (gaya ng dalawang storya ng pagkakalikha sa Genesis 1 at 2, dalawang storya ni Sarah sa Genesis 12 at 20, at iba pa), paggamit ng dalawang pangalan ng diyos na Yahweh at Elohim, paggamit ng istilong lingwistiko na ginamit sa iba't ibang panahon, at mga kontradiksiyon gaya ng Genesis 6:19-20(isang pares ng lahat ng hayop at ibon ang ipinasok sa arko) at Genesis 7:2-3(pitong pares ng malinis na hayop at ibon at isang pares ng maruming hayop ang ipinasok sa arko)

Ayon sa mga iskolar ang mga aklat na ito ay sinulat ng apat na idenpendiyenteng may-akda na tinawag na Jahwist (J) (mga 900 BCE), Elohist (E) (mga 800 BCE), Deuteronomista (D) (mga 600 BCE) at Priestly (P) (mga 500 BCE) at pinagsama-sama ng iba't ibang redactors(editor) noong kapanahunan ng imperyong Persian ca. 450 BCE.[74][75]

Ang paniniwalang ang Torah ay isinulat ng maraming may-akda ay napatunayan noong Hunyo 2011, sa pamamagitan ng isang software sa Intelihensiyang Artipisyal na ginawa ng mga iskolar sa Bar Ilan University sa Israel.[76]

Bagong Tipan

baguhin
 
Ayon sa Two-Source hypothesis ang mga may akda ng Mateo at Lukas ay kumopya sa ebanghelyo ni Marcos at sa isang hipotetikal na kalipunan ng mga kasabihan ni Hesus na tinatawag na "Q".

Bagaman maraming ebanghelyo ang naisulat bago mabuo ang "kanon" (kabilang dito ang "Ebanghelyo ni Judas", "Ebanghelyo ni Tomas", "Ebanghelyo ni Marya", "Ebanghelyo ni Marcion" at marami pang iba pa), apat na ebanghelyo (Mateo, Marcos, Lucas at Juan) lang ang tinanggap sa "kanon" sa pagpipilit ni Irenaeus ng Lyons na nabuhay noong 185 CE. Ayon kay Irenaeus, hindi maaring magkaroon ng higit o kulang sa "apat ng ebanghelyo" dahil sa apat ang sulok ng daigdig at apat ang hangin. Kanya ding inahihalintulad ang apat na ebanghelyo sa imahe ng apat na nilalang sa Ezekiel 1 at Apocalipsis 4:6-10.[77]

Ang mga ebanghelyo ayon sa mga iskolar ay hindi isinulat ng mga tradisyonal na pinaniwalaang may akda nito na sina Mateo, Marcos, Lukas at Juan. Ang mga pangalang ito ay ikinabit lang sa mga aklat na ito sa ikalawang siglo CE. Ayon sa mga iskolar, ang mga ebanghelyo ay orihinal na isinulat sa Griyego. Ang unang ebanghelyo na isinulat ay ang Marcos na sinulat sa Syria ng hindi kilalang Kristiyano noong 70 CE. Ang Aklat ni Marcos ang pinagkopyahan ng mga may-akda ng mga aklat Mateo at Lucas. Bukod sa Marcos, ang mga aklat ng Mateo at Lukas ay kumopya din sa kalipunan ng mga kasabihan ni Hesus (na hindi pa natatagpuan) na tinatawag na "Dokumentong Q".

Mga kritisismo ng Bibliya

baguhin

Ang kritisismo ng Bibliya ay nagsimula pa noong sinaunang panahon. Ang isa sa sinaunang kritiko ng Lumang Tipan ang Kristiyanong si Marcion na tagapagtatag ng sektang Kristiyano na tinatawag na Marcionismo noong ikalawang siglo CE. Ang mga sinaunang kritiko naman ng Bagong Tipan ay kinabibilangan ni Celsus at Porphyry. Sa modernong panahon, ang kritisismo ng Bibliya ay sumidhi pagdating ng Panahon ng Kaliwanagan (Age of Enlightenment) noong ika 18 siglo CE at pagsulong ng historikal na kritisismo o pagsusuri sa pinagmulan ng Bibliya.[78] Ang pagsulong din ng agham gaya ng teoriya ng ebolusyon ay lalong nagbigay duda sa pagiging totoo ng Bibliya. Ayon sa mga kritiko, ang Bibliya ay hindi salita ng diyos dahil ito ay naglalaman ng mga paniniwalang sinasalungat ng arkeolohiya, agham, at kasaysayan.[31][32][79] Bukod dito, ang Bibliya ay pinaniniwalaan ring naglalaman ng mga kontradiksiyon,[80][81] mga palpak na hula,[82] mga anakronismo,[31] kahindik hindik na moralidad (pang-aalipin ng mga Israelita na pinapayagan ni Yahweh sa Lumang Tipan gayundin sa Bagong Tipan, poligamiya ng mga patriarka, genocide na iniutos ni Yahweh sa mga Israelita o pagpatay sa mga ibang bansa kabilang ang mga bata, sanggol, buntis na babae at mga hayop upang sakupin ang mga bansang ito at ang kanilang mga ari-arian)[83] at magkakakontrang moralidad gaya ng matatagpuan sa Luma at Bagong Tipan. Ayon sa mga kritiko, ang kawalang tiyak na moralidad ay makikita sa mga ng libo-libong mga sektang ng Kristiyanismo at Hudaismo na magkakaiba ng pananaw at magkakalaban noon pang sinaunang panahong hanggang sa kasalukuyan sa ibat ibang isyu ng moralidad at mga katuruan.

Tingnan din

baguhin

Mga paksa

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Ang Banal na Biblia, ginamit sa pamagat na aklat ni J.C. Abriol ang baybay na Biblia". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Reader's Digest (1995). "Biblical Chronology, pahina 96". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Shiffman, Reclaiming the Dead Sea Scrolls.
  4. http://www.historycart.com/SamaritanPentateuch.htm
  5. The Canon Debate, McDonald & Sanders, page 4
  6. http://scripturecatholic.com/deuterocanon.html
  7. Pierre Nautin, article Hieronymus, in: Theologische Realenzyklopädie, Vol. 15, Walter de Gruyter, Berlin - New York 1986, p. 304–315, here p. 309-310.
  8. The Canon Debate, Sundberg, page 72, adds further detail: "However, it was not until the time of Augustine of Hippo (354–430 C.E.) that the Greek translation of the Jewish scriptures came to be called by the Latin term septuaginta. [70 rather than 72] In his City of God 18.42, while repeating the story of Aristeas with typical embellishments, Augustine adds the remark, "It is their translation that it has now become traditional to call the Septuagint" ...[Latin omitted]... Augustine thus indicates that this name for the Greek translation of the scriptures was a recent development. But he offers no clue as to which of the possible antecedents led to this development: Exod 24:1–8, Josephus [Antiquities 12.57, 12.86], or an elision. ...this name Septuagint appears to have been a fourth- to fifth-century development."
  9. Ferguson, Everett. "Factors leading to the Selection and Closure of the New Testament Canon," in The Canon Debate. eds. L. M. McDonald & J. A. Sanders (Hendrickson, 2002) p. 320; F. F. Bruce, The Canon of Scripture (Intervarsity Press, 1988) p. 230
  10. cf. Augustine, De Civitate Dei 22.8
  11. The Gnostic Gospels:PBS
  12. http://www.earlychristianwritings.com/marcion.html
  13. From the perspectives of Tertullian and Epiphanius (when the four gospels had largely canonical status, perhaps in reaction to the challenge created by Marcion), it appeared that Marcion rejected the non-Lukan gospels, however, in Marcion's time, it may be that the only gospel he was familiar with from Pontus was the gospel that would later be called Luke. It is also possible that Marcion's gospel was actually modified by his critics to became the gospel we know today as Luke, rather than the story from his critics that he changed a canonical gospel to get his version. For example, compare Luke 5:39 to Luke 5:36–38, did Marcion delete 5:39 from his Gospel or was it added later to counteract a Marcionist interpretation of 5:36-38? One must keep in mind that we only know of Marcion through his critics and they considered him a major threat to the form of Christianity that they knew. John Knox (the modern writer, not to be confused with John Knox the Protestant Reformer) in Marcion and the New Testament: An Essay in the Early History of the Canon (ISBN 0-404-16183-9) was the first to propose that Marcion's Gospel may have preceded Luke's Gospel and Acts.[1] Naka-arkibo 2007-10-16 sa Wayback Machine.
  14. An introduction to the New Testament and the origins of Christianity By Delbert Royce Burkett, pahina 107
  15. McGuckin, John A. "Origen as Literary Critic in the Alexandrian Tradition.” 121–37 in vol. 1 of 'Origeniana octava: Origen and the Alexandrian Tradition.' Papers of the 8th International Origen Congress (Pisa, 27–31 Agosto 2001). Edited by L. Perrone. Bibliotheca Ephemeridum theologicarum Lovaniensium 164. 2 vols. Leuven: Leuven University Press, 2003.
  16. Among the disputed writings, [των αντιλεγομένων], which are nevertheless recognized by many, are extant the so-called epistle of James and that of Jude, also the second epistle of Peter, and those that are called the second and third of John, whether they belong to the evangelist or to another person of the same name. Among the rejected writings must be reckoned also the Acts of Paul, and the so-called Shepherd, and the Apocalypse of Peter, and in addition to these the extant epistle of Barnabas, and the so-called Teachings of the Apostles; and besides, as I said, the Apocalypse of John, if it seem proper, which some, as I said, reject, but which others class with the accepted books. And among these some have placed also the Gospel according to the Hebrews, with which those of the Hebrews that have accepted Christ are especially delighted. And all these may be reckoned among the disputed books [των αντιλεγομένων].
  17. Carter Lindberg, A Brief History of Christianity (Blackwell Publishing, 2006) p. 15.
  18. David Brakke, "Canon Formation and Social Conflict in Fourth Century Egypt: Athanasius of Alexandria's Thirty Ninth Festal Letter", in Harvard Theological Review 87 (1994) pp. 395–419.
  19. http://www.tertullian.org/articles/burkitt_gelasianum.htm
  20. Metzger, Bruce M.: The Canon of the New Testament: Its Origin, Development, and Significance. Oxford: Oxford University Press, 1987, p. 246. ISBN 0-19-826954-4, writes, "Finally on 8 Abril 1546, by a vote of 24 to 15, with 16 abstensions, the Council issued a decree (De Canonicis Scripturis) in which, for the first time in the history of the church, the question of the contents of the Bible was made an absolute article of faith and confirmed by an anathema."
  21. http://www.bibelcenter.de/bibel/lu1545/ Naka-arkibo 2010-04-19 at Archive.is note order: ... Hebr�er, Jakobus, Judas, Offenbarung; see also http://www.bible-researcher.com/links10.html
  22. Why did the majority of the Jewish world reject Jesus as the Messiah, and why did the first Christians accept Jesus as the Messiah? Naka-arkibo 2011-07-16 sa Wayback Machine. by Rabbi Shraga Simmons (about.com)
  23. Michoel Drazin (1990). Their Hollow Inheritance. A Comprehensive Refutation of Christian Missionaries. Gefen Publishing House, Ltd. ISBN 965-229-070-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Troki, Isaac. "Faith Strengthened" Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine..
  25. "The Jewish Perspective on Isaiah 7:14". Messiahtruth.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-06-24. Nakuha noong 2009-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. http://www.outreachjudaism.org/FAQ
  27. Eusebius' Church History
  28. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-16. Nakuha noong 2012-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. http://news.bbc.co.uk/2/hi/middle_east/575168.stm
  30. http://www.abc.net.au/lateline/archives/s120784.htm
  31. 31.0 31.1 31.2 31.3 The Bible Unearthed, Israel Finkelstein and Neil Asher Silberman, Free Press, New York, 2001, 385 pp., ISBN 0-684-86912-8, tignan din ang artikulo sa English Wikipedia na: The Bible Unearthed
  32. 32.0 32.1 http://www.nytimes.com/2007/04/03/world/africa/03exodus.html
  33. Dever, William. Who Were the Early Israelites and Where Did They Come from?.
  34. http://www.nytimes.com/2000/07/29/arts/bible-history-flunks-new-archaeological-tests-hotly-debated-studies-cast-doubt.html
  35. Israel Finkelstein, 'A Short Summary: Bible and Archeology,’ in Israel Finkelstein, Amihai Mazar, Brian B. Schmidt The Quest for the Historical Israel:Debating Archeology and the History of Early Israel , Society of Biblical Literature, Atlanta, 2007 pp.183-188 p.183
  36. This is what archaeologists have learned from their excavations in the Land of Israel: the Israelites were never in Egypt, did not wander in the desert, did not conquer the land in a military campaign and did not pass it on to the 12 tribes of Israel. Perhaps even harder to swallow is that the united monarchy of David and Solomon, which is described by the Bible as a regional power, was at most a small tribal kingdom. And it will come as an unpleasant shock to many that the God of Israel, YHWH, had a female consort and that the early Israelite religion adopted monotheism only in the waning period of the monarchy and not at Mount Sinai.

  37. George, Andrew R. The Babylonian Gilgamesh Epic..., Oxford University Press, 2003, p. 70.
  38. See, for example, Van Der Torn, Karel, "Did Ecclesiastes copy Gilgamesh?", BR, 16/1 (Pebrero 2000), pp. 22ff
  39. Overland 1996, 277-278.
  40. https://history.howstuffworks.com/history-vs-myth/hunt-noahs-ark-podcast.htm
  41. http://www.class.uidaho.edu/ngier/henotheism.htm
  42. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-05-11. Nakuha noong 2011-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Matthews, Victor Harold (2004). Judges and Ruth, Cambridge University Press, pahina 79
  44. Meindert Djikstra, "El the God of Israel, Israel the People of YHWH: On the Origins of Ancient Israelite Yahwism" (in "Only One God? Monotheism in Ancient Israel and the Veneration of the Goddess Asherah", ed. Bob Beckering, Sheffield Academic Press, 2001)
  45. The human faces of God, pahina 72
  46. Jesús-Luis Cunchillos, Juan-Pablo Vita, A concordance of Ugaritic words 2003 p389
  47. Jesús-Luis Cunchillos, Juan-Pablo Vita, The texts of the Ugaritic data bank 2003 p82
  48. Marvin H. Pope El in the Ugaritic texts 1955 p49
  49. Rahmouni, A. Divine epithets in the Ugaritic alphabetic texts 2008 p91
  50. Young G. D. Concordance of Ugaritic 1956 Page 13
  51. G. Johannes Botterweck, Helmer Ringgren Theological dictionary of the Old Testament 2000 p130
  52. When Elyon divided the nations,
    when he separated the sons of Adam
    he established the borders of the nations
    according to the number of the sons of the gods.
    Yahweh’s portion was his people,
    Jacob his alloted inheritance.)

    (Deuteronomy 32:8-9), Dead Sea Scrolls (4QDeut4)
  53. Karel van der Toorn, "Goddesses in Early Israelite Religion in Ancient Goddesses: the Myths and the Evidence" (editors Lucy Goodison and Christine Morris, University of Wisconsin Press, 1998)
  54. 1 Kings 18, Jeremiah 2; Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  55. Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  56. Ziony Zevit, "The Religions of Ancient Israel: A Synthesis of Parallactic Approaches (Continuum, 2001)
  57. 57.0 57.1 57.2 Mark S.Smith, "Untold Stories: The Bible and Ugaritic Studies in the Twentieth Century" (Hendrickson Publishers, 2001)
  58. William G. Dever, "Did God Have a Wife? Archaeology and Folk Religion in Ancient ISrael" (Eerdman's, 2005)
  59. 59.0 59.1 59.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-15. Nakuha noong 2012-11-27.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. http://books.google.co.uk/books?id=stl97FdyRswC&pg=PA340
  61. Ephraim Urbach The Sages
  62. 62.0 62.1 http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=147&letter=Z
  63. "The First Jesus?". National Geographic. Nakuha noong 2010-08-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. The Dead Sea scrolls and Christian origins, Joseph Fitzmyer, pahina 28-
  65. Robert Goldenberg. Review of "Dying for God: Martyrdom and the Making of Christianity and Judaism" by Daniel Boyarin in The Jewish Quarterly Review, New Series, Vol. 92, No. 3/4 (Jan. - Apr., 2002), pp. 586-588
  66. Paula Fredricksen, From Jesus to Christ Yale university Press. pp. 133-134
  67. Robertson, Archibald (1946) Jesus: Myth Or History
  68. Price, Robert M. "Of Myth and Men" Naka-arkibo 2012-12-08 sa Wayback Machine., Free Inquiry magazine, Volume 20, Number 1, accessed 2 Agosto 2010.
  69. http://www.sacred-texts.com/bib/cv/pch/pch70.htm
  70. May, Herbert G. and Bruce M. Metzger. The New Oxford Annotated Bible with the Apocrypha. 1977. "Mark" p. 1213-1239
  71. 71.0 71.1 Funk, Robert W. and the Jesus Seminar. The acts of Jesus: the search for the authentic deeds of Jesus. HarperSanFrancisco. 1998. "Birth & Infancy Stories" p. 497-526.
  72. Aland, Kurt; Barbara Aland (1995). The Text of The New Testament: An Introduction to the Critical Editions and to the Theory and Practice of Modern Textual Criticism. Translated by Erroll F. Rhodes (2nd ed. ed.). Grand Rapids, MI: Wm. B. Eerdmans Publishing Company. pp. 40f, 72f. ISBN 0-8028-4098-1.
  73. The Bible Unearthed, Israel Finkelstein p. 38.
  74. Friedman, Richard E. The Bible with Sources Revealed, HarperSanFrancisco, 2003. ISBN 0-06-053069-3.
  75. McDermott, John J., "Reading the Pentateuch: a historical introduction" (Pauline Press, 2002)p.21
  76. Israeli software supports theory that Bible was written by multiple authors, 30 Hunyo 2011, Haaretz Newspaper
  77. "It is not possible that the Gospels can be either more or fewer in number than they are. For, since there are four zones of the world in which we live, and four principal winds, while the... "pillar and ground" of the Church is the Gospel and the spirit of life; it is fitting that she should have four pillars, breathing out immortality on every side.... He who was manifested to men, has given us the Gospel under four aspects, but bound together by one Spirit.... For the cherubim, too, were four-faced, and their faces were images of the dispensation of the Son of God. The first living creature was like a lion, symbolizing His effectual working, His leadership, and royal power; the second was like a calf, signifying His sacrificial and sacerdotal order; but the third had, as it were, the face as of a man - an evident description of His advent as a human being; the fourth was like a flying eagle, pointing out the gift of the Spirit hovering with His wings over the Church. And therefore the Gospels are in accord with these things, among which Christ Jesus is seated. " (Against Heresies, 3.11.8)
  78. Soulen, Richard N.; Soulen, R. Kendall (2001). Handbook of biblical criticism (ika-3rd ed., rev. and expanded. (na) edisyon). Louisville, Ky.: Westminster John Knox Press. p. 78. ISBN 0664223141.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. Jesus Never Existed
  80. Bible contradictions
  81. Bible contradictions, Internet infidels
  82. "Bible Analysis:Rejection of Pascals Wager". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-07. Nakuha noong 2011-10-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. Biblical Nonsense

Mga panlabas na kawing

baguhin

Mga salin sa tagalog

baguhin