Ang K2, sa taas na 8,611 metro (28,251 tal) sa ibabaw ng antas ng dagat, ay ang ikalawang pinakamataas na bundok sa Daigdig, pagkatapos ng Bundok Everest (sa taas na 8,849 metro (29,032 tal)).[3] Matatagpuan ito sa bulubunduking Karakoram, na may bahagi sa rehiyong Gilgit-Baltistan ng Kashmir na pinamamahalaan ng Pakistan at may bahagi din sa isang pinamamahalaan ng Tsina na teritoryo ng rehiyong Kashmir kabilang ang Nagsasariling Kondehan ng Taxkorgan Tajik ng Xinjiang.[4][5][6]

K2
Ang tanaw ng K2 mula sa Baltistan, Agosto 2006
Pinakamataas na punto
Kataasan8,611 m (28,251 tal) Edit this on Wikidata
Nakaranggo sa Ika-2
Prominensya4,020 m (13,190 tal)[1]
Nakaranggo sa ika-22
Isolasyon1,316 km (818 mi) Edit this on Wikidata
Pagkalista
  • Walong-lilibuhin
  • Mataas na punto ng Bansa
  • Pitong Ikalawang mga Tuktok
  • Ultra (P1500)
Mga koordinado35°52′57″N 76°30′48″E / 35.88250°N 76.51333°E / 35.88250; 76.51333[2]
Pagpapangalan
Katutubong pangalanچھوغوری
Heograpiya
K2 is located in Karakoram
K2
K2
Hangganan ng Tsina–Pakistan:
K2 is located in Gilgit Baltistan
K2
K2
Lokasyon ng K2 relatibo sa Gilgit−Baltistan#Lokasyon ng K2 relatibo sa Xinjiang
K2 is located in Xinjiang
K2
K2
Lokasyon ng K2 relatibo sa Pakistan
K2 is located in Pakistan
K2
K2
Lokasyon ng K2 relatibo sa Tsina
K2 is located in China
K2
K2
K2 (China)
Mga bansaKashmir na pinamahalaan ng Pakistan and Kashmir na pinamamahalaan ng Tsina
Magulanging bulubundukinKarakoram
Pag-akyat
Unang pag-akyat31 Hulyo 1954; 70 taon na'ng nakalipas (1954-07-31)
Achille Compagnoni & Lino Lacedelli
Pinakamadaling rutaAbruzzi Spur

Naging tanyag din ang K2 sa bansag na Masukal na Bundok (o Savage Mountain) pagkatapos sinabi ni George Bell—isang umaakyat noong ekspedisyong Amerikano noong 1953—sa mga mamamahayag na "Isa itong masukal na bundok na sinusubok na patayin ka."[7] Sa mga limang pinakamatataas na mga bundok sa mundo, ang K2 ang pinakanakamamatay; na tinatayang isang tao ang namamatay sa bundok sa bawat apat na nakaabot ng tuktok.[7][8] Paminsan-minsang kilala bilang Chhogori, o Bundok Godwin-Austen,[9] ang ibang palayaw para sa K2 ay The King of Mountains (Ang Hari ng mga Bundok) at The Mountaineers' Mountain (Ang Bundok ng mga Namumundok),[10] gayon din bilang The Mountain of Mountains (Ang Bundok ng mga Bundok) pagkatapos na pinamagatan ng prominenteng Italyanong umaakyat na si Reinhold Messner ang kanyang aklat tungkol sa K2 sa ganoong pangalan.[11]

Naabot ang tuktok sa unang pagkakataon ng mga umaakyat na Italyano na sina Lino Lacedelli at Achille Compagnoni, noong ekspedisyong Italyano ng 1954 na pinamunuan ni Ardito Desio. Noong Enero 2021, ang K2 ang huling walong-lilibuhin na naakyat ang tuktok sa panahon ng taglamig; natupad ang kahang-hangang gawa na ito ng mga namumundok na taga-Nepal, na pinamunuan ni Nirmal Purja at Mingma Gyalje Sherpa.[12]

Ang K2 lamang ang may higit sa 8,000 metrong tuktok na hindi pa naakyat ang silangang mukha nito.[13] Palaging sinasagawa ang pag-akyat sa Hulyo at Agosto, na tipikal na pinakamainit na panahon ng taon; ginagawa ng mas hilagang lokasyon ng K2 na mas madaling lapitan ng masungit at mas malamig na panahon.[14] Naakyat na ang tuktok ng halos lahat ng tagaytay nito. Bagaman ang tuktok ng Everest ay nasa mas mataas na altitud, mas mahirap at mas mapanganib ang K2 na akyatin, isa sa dahilan ay ang mas masungit na panahon.[15] Noong Pebrero 2021, mayroon lamang 377 indibiduwal ang nakakumpleto ng pag-akyat sa tuktok nito.[16]

Pangalan

baguhin

Ang pangalang K2 ay hinango mula sa notasyon na ginamit ng Great Trigonometrical Survey ng Britanikong Indya. Ginawa ni Thomas Montgomerie ang unang survey ng Karakoram mula sa Bundok Haramukh, mga 210 km (130 mi) sa timog, at ginuhit ang dalawang pinakaprominenteng tuktok, na tinatatakan ang mga ito bilang K1 at K2, kung saan Karakoram ang ibig sabihin ng K.[17]

Ang polisiya ng Great Trigonometrical Survey ay gamitin ang lokal na pangalan para sa mga bundok hangga't maari[a] at nalaman na lokal na kilala ang K1 bilang Masherbrum. Bagaman, mukhang hindi nakakuha ang K2 ng lokal na pangalan, na posible dahil sa kalayuan nito.

Pang-heograpiyang tagpo

baguhin

Matatagpuan ang K2 sa hilagang-kanluran ng Bulubunduking Karakoram. Ito ay nasa rehiyon ng Baltistan ng Gilgit–Baltistan, Pakistan, at ang Nagsasariling Kondehan ng Taxkorgan Tajik ng Xinjiang, Tsina.[b]

Mga pananda

baguhin
  1. Ang pinakahalatang eksepsyon sa polisiya na ito ay ang Bundok Everest, kung saan ang Tibetanong pangalan na Chomolungma (Qomolongma) ang marahil na kilala, subalit pinabayaan upang magbigay pagpupugay kay George Everest. Tingnan: Curran, pp. 29–30
  2. Matatagpuan ang K2 sa Gilgit–Baltistan, isang rehiyon, na kasama ang Azad Kashmir, na binubuo ng pinapamahalaang Kashmir ng Pakistan. Kasalukuyang nasa gitna ang rehiyon ng Kashmir ng isang pinagtatalunang teritoryo sa pagitan ng Pakistan at Indya. Pinapanatili ng Indya ang ang isang pinagtatalunang teritoryo sa Kashmir na pinapamahalaan ng Pakistan. Gayundin, pinapanatili ng Pakistan ang pinagtatalunang teritoryo sa Jammu at Kashmir, ang pinamamahalaan ng Indya sa bahagi ng rehiyon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "K2". Peakbagger.com (sa wikang Ingles).
  2. "Karakoram and India/Pakistan Himalayas Ultra-Prominences" (sa wikang Ingles). peaklist.org. Nakuha noong 24 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Mount Everest is two feet taller, China and Nepal announce". National Geographic (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Abril 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "K2". Encyclopaedia Britannica (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 2019. Nakuha noong 27 Pebrero 2021.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Banggit sa Ingles: "K2 is located in the Karakoram Range and lies partly in a Chinese-administered enclave of the Kashmir region within the Uygur Autonomous Region of Xinjiang, China, and partly in the Gilgit-Baltistan portion of Kashmir under the administration of Pakistan."
  5. Jan·Osma鈔czyk, Edmund; Osmańczyk, Edmund Jan (2003), "Jammu and Kashmir", Encyclopedia of the United Nations and International Agreements: G to M (sa wikang Ingles), Taylor & Francis, pp. 1189–, ISBN 978-0-415-93922-5{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Banggit sa Ingles: "Jammu and Kashmir: Territory in northwestern India, subject to a dispute between India and Pakistan. It has borders with Pakistan and China."
  6. "Kashmir", Encyclopedia Americana (sa wikang Ingles), Scholastic Library Publishing, 2006, p. 328, ISBN 978-0-7172-0139-6, KASHMIR, kash'mer, the northernmost region of the Indian subcontinent, administered partly by India, partly by Pakistan, and partly by China. The region has been the subject of a bitter dispute between India and Pakistan since they became independent in 1947{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Stone, Larry (6 Setyembre 2018). "Summiting 'Savage Mountain': The harrowing story of these Washington climbers' K2 ascent". The Seattle Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Setyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "AdventureStats – by Explorersweb". adventurestats.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Chhoghori, K2. "K2 Chhoghori The King of Karakoram". Skardu.pk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Leger, C. J. (8 Pebrero 2017). "K2: The King of Mountains". Base Camp Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Pebrero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Messner, Reinhold. "K2: Mountain of Mountains". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Agosto 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Nepali mountaineers achieve historic winter first on K2" (sa wikang Ingles). National Geographic. Nakuha noong 29 Enero 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  13. "Asia, Pakistan, K2 Attempt". The American Alpine Club (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Agosto 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Brummit, Chris (16 Disyembre 2011). "Russian team to try winter climb of world's 2nd-highest peak". USA Today (sa wikang Ingles). Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2016. Nakuha noong 26 Setyembre 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "EXPLAINER: K2's peak beckons the daring, but climbers rarely answer call in winter" (sa wikang Ingles).
  16. "Why the 'savage' K2 peak beckons the daring, but rarely in winter". Aljazeera (sa wikang Ingles). 10 Pebrero 2021. Nakuha noong 26 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  17. Curran, p. 25 (sa Ingles)