Kabundukan ng Zambales
Ang Kabundukan ng Zambales o Bulubundukin ng Zambales (Ingles: Zambales Mountains o Zambales Mountain Range) ay isang kabundukan o bulubundukin (mabundok na pook o hanay ng mga bundok) na nasa kanlurang Luzon ng Pilipinas. Ang mga bundok na ito ang naghihiwalay sa gitnang kapatagan magmula sa Dagat ng Timog Tsina. Ang pinaka nakaungos na seksiyon nito ay nakikilala bilang Kabundukan ng Cabusilan na binubuo ng Bulkang Pinatubo (Bundok Pinatubo), Bundok Negron, at Bundok Cuadrado, na pinaniniwalaang mga labi ng ninuno nitong tuktok ng Bulkang Pinatubo. Ang pinakamataas na elabasyon (kataasan o tayog) ng kabundukan ay ang Bundok Tapulao, na nakikilala rin bilang Mataas na Tuktok (High Peak), na nasa lalawigan ng Zambales na may taas na umaabot sa 2,037 metro (6,683 tal).
Laki
baguhinAng Kabundukan ng Zambales ay mayroong area o pook na 300 square kilometre (120 mi kuw)[1] na umaabot mula sa Hilaga hanggang sa Timog magmula sa kabundukan ng hilaga ng lalawigan ng Pangasinan, ang buhong kahabaan ng Zambales, hanggang sa dulo ng Tangway ng Bataan sa timog na pumapaligid sa Look ng Maynila.[2] Ang kabundukan ay binubuo rin ng mga bundok na nasa mga munisipalidad ng Bamban, Capas, San Jose, San Clemente, Mayantoc, Santa Ignacia at ilang mga burol na nasa Camiling sa lalawigan ng Tarlac. Sa Pampanga, kinabibilangan ito ng mga bundok na nasa loob ng Floridablanca, Porac, Lungsod ng Angeles at Mabalacat.
Mga bulkan
baguhinBagaman mayroong mga simulaing bulkan ang mga bundok,[2] Ang Bundok Pinatubo lamang ang tanging buhay na bulkan sa loob ng kabundukan. Ang pagsabog nito noong Hunyo 15, 1991 ay ang pangalawang pinakamalakas na pagsabog ng bulkan noong ika-20 daantaon pagkaraan ng pagsabog ng Novarupta sa Alaska, Estados Unidos noong 1912. Ang pagsabog ng bulkan, na naging kumpikado dahil sa pagdating ng bagyong Yunya, na nagpabalot sa rehiyon ng makapal na abo ng bulkan at lahar, kasama na ang base militar ng Estados Unidos na Clark Field na nasa Lungsod ng Angeles, Pampanga.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Zambales Mountains" Naka-arkibo 2013-07-18 sa Wayback Machine.. NewCAPP. Nakuha noong 2012-02-16.
- ↑ 2.0 2.1 Smith, Warren D. (1913). "Journal of Geology, Vol. 21 - The Geology of Luzon, P.I.", pp. 39-40. Pamantasan ng Chicago, Departamento ng Heolohiya.