Kagawaran ng Turismo

Pampamahalaang ministeryo ng Pilipinas para sa turismo

Ang Kagawaran ng Turismo (Ingles: Department of Tourism), ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin ukol sa alintuntunin ng industriyang panturismo sa Pilipinas at ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang destinasyon.

Department of Tourism
Kagawaran ng Turismo
Buod ng Department
PagkabuoMayo 11, 1973
Taunang badyetP2.5 bilyon (2015)[1]
Tagapagpaganap Department
Websaytwww.tourism.gov.ph

Kasaysayan

baguhin

Nagsimula bilang isang pansariling adhikain na ipakilala ang Pilipinas bilang isang pangunahing destinasyon sa paglalakbay, ang Samahan ng Turista at Paglalakbay ng Pilipinas ay nabuo noong 1950, at noong taong 1956, ang lupon ng Industriya sa Paglalakbay at Turista ay binuo ng Kongreso ng Pilipinas, hanggang sa taong 1973, ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Ministri ng Turismo na may antas-panggabinete, ang mga ahensyang Pangasiwaan ng Turismo ng Pilipinas (PTA) at Kawanihan ng Kumbensiyon ng Pilipinas (PCB).

At noong taong 1986, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 120 at Blg. 120=A na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang kagawaran ng Turismo ay naisaayos muli at ang PCB ay tinawag na Korporasyon ng Kumbensiyon at mga Panauhin ng Pilipinas (Philippine Convention and Visitors Corporation). Noong taong 1998, ang kagawaran ng Turismo ay naging isa sa mga pangunahing tanggapan ng pamahalaan na tungkulin sa matagumpay na sentenaryong pagdiriwang ng kalayaan mula sa Espanya. Noong 2002, sinimulan ng Kagawaran ng Turismo ang isa sa mga tagumpay nitong proyekto sa pagpapalawig ng turismo ang Visit Philippines 2003 sa kabila ng pahuling babala dahil sa 9-11 ataking pan terorismo Naka-arkibo 2009-01-30 sa Wayback Machine. sa ilalim ng panunungkulan ni Richard Gordon bilang kalihim.

Mga proyektong panturismo

baguhin

Tala ng mga Kalihim ng Turismo

baguhin

(*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Sabay na ginagampanan bilang Pangulo

Bilang Pangalan Buwang Nagsimula Buwang Nagtapos Pangulong pinaglingkuran
Kalihim ng Turismo
1 Jose Antonio Gonzales Marso 1986 30 Hunyo 1987 Corazon Aquino
2 Rafael Alunan III 1 Hulyo 1987 30 Hunyo 1989
3 Narzalina Z. Lim 1 Hulyo 1989 30 Hunyo 1992
4 Vicente Carlos 30 Hunyo 1992 1996 Fidel V. Ramos
* Evelyn B. Pantig 1996 1996
5 Guillermina T. Gabor 1996 30 Hulyo 1998
6 Gemma Cruz-Araneta 30 Hulyo 1998 20 Enero 2001 Joseph Ejercito Estrada
7 Richard J. Gordon 20 Enero 2001 Enero 2004 Gloria Macapagal Arroyo
* Robert Ace Barbers Enero 2004 Pebrero 2004
8 Roberto M. Pagdanganan Pebrero 2004 Setyembre 2005
9 Joseph Ace H. Durano Setyembre 2005 30 Hunyo 2010
10 Alberto Lim 30 Hunyo 2010 Septyembre 2, 2011 Benigno S. Aquino III
11 Ramon Jimenez, Jr. Septyembre 2, 2011 Hunyo 30, 2016
12 Wanda Corazon Tulfo-Teo Hunyo 30, 2016 Mayo 8, 2018 Rodrigo Roa Duterte
13 Bernadette Romulo-Puyat Mayo 8, 2018 kasalukuyan

Mga sanggunian

baguhin
  1. "GAA 2015" (PDF). DBM. Nakuha noong 22 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.