Kalipunang midya
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang kalipunang midya (Ingles: media conglomerate) ay isang lupon ng mga kompanya na pagmamay-ari lamang ng isang korporasyon. Ang mga kompanyang ito ay nasa larangan ng media tulad ng pahayagan, radyo, telebisyon, pelikula, advertising, Internet, at iba pa.
Sa Pilipinas, tinuturing na pinakamalaking media conglomerate ang ABS-CBN Corporation dahil sa malawak na pagmamay-ari nito sa publishing, radyo, telebisyon at Internet.
Kritisismo
baguhinAyon sa maraming iskolar ng midya, ang pagkakaroon ng media conglomerates ay nakakasama sa lipunan. Malaki ang impluwensiya ng midya sa pagpapalaganap ng impormasyon sa mga tao kaya kung halos isang kompanya lang ang nagmamay-ari sa mga media outlets, mula sa iisang perspektibo lang din ang impormasyong makakarating sa mga mamamayan.
Umiiral din ang posibilidad na ang balita sa mga estasyong kabilang sa iisang media conglomerate ay maging "biased" sa nasabing kompanya.
Magkakaroon din ng kakulangan sa kaibahan ng programa at isang dominanteng opinyon lang ang iiral sa lipunan.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.