Kaltinasyon
Ang mga awtoridad ay nag-iiba iba ng kahulugan ng kaltinasyon (sa Ingles: calcination). Itinuturing ito ng IUPAC na pag-iinit sa mataas na temperatura sa hangin o oksihena. Ngunit ang kaltinasyon ay ginagamit rin upang tukuyin ang proseso ng mainit na treatment sa kawalan o kakulangan ng hangin o oksihena na ginagawa sa mga mineral at ibang mga buong materyal upang ito ay mapaagnas, mapa-bagong anyo, o matanggalan ng madaling matuyong piraso. Ito ay kadalasang nagaganap sa temperatura na mas mababa sa temperaturang ikatutunaw ng mga materyales. Ang kaltinasyon ay hindi katulad ng prosesong roasting (o pag-ihaw). Sa roasting, iba’t ibang komplikadong gas-solido na reaksyon ang nangyayari sa pagitan ng pugon, hangin, at ng mga solido. Samantala, ang kaltinasyon ay nagaganap sa mga kagamitang tinatawag na mga calciner. Ang calciner ay isang bakal na silindro na umiikot sa loob ng isang pinainit na pugon at gumagawa ng indirektang pagpoproseso sa loob ng isang mataas na temperatura at kontroladong kapaligiran.
Prosesong pang-industriya
baguhinAng calcination ay nagmula sa salitang Latin na calcinare (pagsusunog ng apog) dahil sa pinakamadalas nitong gamit, ang dekomposisyon ng calcium carbonate (bato ng apog) sa calcium oxide (apog) and carbon dioxide upang makagawa ng semento. Ang produkto ng prosesong ito ay karaniwang tinatawag na calcine, kahit ano pa man ang mga ginamit na mga materyales sa proseso. Ito ay ginagawa sa mga pugon o mga reactor na may iba’t ibang disenyo kabilang ang smga shaft furnace, rotary kiln, multiple hearth furnace, at mga fluidized bed reactor.
Halimbawa ng prosesong kaltinasyon ang mga sumusunod:
- Dekomposisyon ng mga carbonate na mineral, katulad ng kaltinasyon ng apog upang makapagpalaya ng carbon dioxide;
- Dekomposisyon ng mga hydrated mineral na ginagawa sa bauxite at gypsum upang makapagtanggal ng tubig bilang gas;
- Dekomposisyon ng mga madaling matuyong sangkap sa hindi pa napoprosesong kouk;
- Mainit na treatment upang magkaroon ng phase change.
- Pagtanggal ng Ammonium ions at paglikha ng mga zeolite.