Kalye Pioneer
Ang Kalye Pioneer (Ingles: Pioneer Street) ay isang tagapagpatuloy ng Abenida Boni sa silangan ng Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA) sa silangang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang haba nito ay 1.6 kilometro (o 1.0 milya). Sa malaking bahagi ng kahabaan nito, mayroon itong apat na linya (dalawa sa bawat direksyon) at sinasaklaw ang ruta mula sa sangandaan nito sa EDSA sa Barangka Ilaya, Mandaluyong (kung saan mangagaling ang trapiko mula sa tunel ng Abenida Boni), hanggang sa silangang dulo nito sa Bulebar Shaw sa hangganan ng mga barangay Kapitolyo at San Antonio sa Pasig, kalapit ng Sentrong Ortigas. Pagdaan nito, dadaan ito sa Robinsons Cybergate Complex kung saan matatagpuan ang gusaling pamilihan ng Forum Robinsons;[1] mga planta ng United Laboratories (UNILAB); at Greenfield District, isang mixed-use development sa timog ng Sentrong Ortigas sa may sangandaan nito sa Bulebar Shaw.[2] Ang Kalye Pioneer ay kinaroroonan din ng ilang bagong itinatayong kondominyum, mga sityo ng lunduyang pantawag, at ilang strip mall.
Kalye Pioneer Pioneer Street | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.6 km (1.0 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa timog-kanluran | N1 / AH26 (EDSA) sa Barangka Ilaya, Mandaluyong |
| |
Dulo sa hilaga-silangan | N141 (Bulebar Shaw) sa Kapitolyo at San Antonio, Pasig |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Robinsons Cybergate Complex comes alive". The Philippine Star. Nakuha noong 31 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About GDC". Greenfield Development Corporation. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-07-30. Nakuha noong 31 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)