Ang Bulebar Shaw (Ingles: Shaw Boulevard) ay isang lansangan na may anim hanggang sampung linya na kumokonekta sa mga lungsod ng Mandaluyong at Pasig sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. May haba itong 5.2 kilometro (3.2 milya). Isa ito sa mga pangunahing lansangan ng Sentrong Ortigas sa Mandaluyong at Pasig, at matatagpuan dito ang maraming mga gusaling pamilihan tulad ng sentring pamilihan ng Starmall at pangmayamang Shangri-La Plaza sa sangandaang EDSA-Shaw intersection, at The Marketplace sa sangandaang Kalentong-Shaw.[1][2]

Bulebar Shaw
Shaw Boulevard
Pakanlurang Bulebar Shaw sa Mandaluyong malapit sa sangandaan nito sa EDSA.
Impormasyon sa ruta
Haba5.2 km (3.2 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N141 (Tulay ng Padre Sanchez) sa Maynila
 
Dulo sa silangan N141 (Bulebar Pasig) sa Pasig
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMaynila, Mandaluyong, Pasig
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 5 (R-5) ng sistema ng daang arteryal ng Kamaynilaan. Nakapaloob ito sa Lansangang N141 (o Pambansang Ruta Blg. 141) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Kasaysayan

baguhin

Buhat ang pangalan nito kay William J. Shaw, ang nagtatag ng Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong.[3] Ang dating pangalan ng Bulebar Shaw ay Bulebar Jose Rizal (Jose Rizal Boulevard).

 
Bulebar Shaw patungong F.B. Martinez at Santa Mesa, Maynila.

Nagsisimula ang Bulebar Shaw sa sangandaan nito sa Kalye Heneral Kalentong bilang karugtong ng Kalye Padre Sanchez. Tinatahak nito ang ruta na lumiliko nang bahagya sa Mandaluyong bago bumagtas ng EDSA. Isang flyover ang nagdadala ng bulebar sa ibabaw ng Estasyong Shaw sa EDSA, at bababa ito malapit sa EDSA Shangri-la. Malimit na tawaging "EDSA-Crossing" ang sangandaang ito. Magiging pandalawahang daanan (dual carriageway) ang Bulebar Shaw paglampas ng EDSA, at paglaon ay papasok sa Pasig kung saan daraan ito malapit sa Capitol Commons, isang mixed-use development na matatagpuan sa dating sityo ng kapitolyong panlalawigan ng Rizal.[4] Paglampas ng Hillcrest Drive, tutuloy ito patungong C-5 bilang Bulebar Pasig.

 
Pasilangang Bulebar Shaw sa Pasig, malapit sa Capitol Commons

Mga palatandaang pook

baguhin

Bilang isang lansangang naglilingkod sa mga lugar-pamilihan, ang ilan sa kilalang mga palatandaang pook na nakatayo malapit o sa kahabaan ng lansangan ay ang Shangri-La Plaza, Crossings Department Store (ngayon ay Rustan's), Starmalls, EDSA Central Mall, isang sangay ng SM Cherry, isang sangay ng Puregold, isang sangay ng S&R Membership Shopping, 500 Shaw Zentrum, Shaw Center Mall, sangay-Mandaluyong ng SM Hypermart, at The Marketplace Shopping Mall.

Matatagpuan din sa bulebar ang mga institusyong pang-edukasyon ng Paaralang Lourdes ng Mandaluyong at Pamantasang Jose Rizal, pati mga tanggapan ng World Corporate Center, Acquire BPO, E-Telecare Global Solutions CC7 Shaw Site, ICT, NetCrossing 2, AMA Bank, Solar Entertainment Corporation, Nine Media Corporation, at CNN Philippines.

Tingnan din

baguhin

Mga artikulong ukol sa mga daan

baguhin

Iba pang mga kaugnay na artikulo

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "1". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-10-25. Nakuha noong 2019-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2
  3. "Wack Wack Golf & Country Club History". Wackwack.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-11-02. Nakuha noong 12 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Capitol Commons". Ortigas & Company Limited Partnership.

14°35′7″N 121°2′54″E / 14.58528°N 121.04833°E / 14.58528; 121.04833