Daang Radyal Blg. 5

Daang Radyal Blg. 5
R-5
Mula itaas: Bulebar Shaw pakanluran mula daang pang-ibabaw ng EDSA; Abenida Ortigas sa Barangay Rosario, Pasig; Manila East Road sa Cardona, Rizal
Hilagang dulo: Bulebar Magsaysay sa Maynila
Katimugang dulo: Manila South Road/Pan-Philippine Highway sa Calamba, Laguna

Ang Daang Radyal Blg. 5 (Ingles: Radial Road 5), na mas-kilala bilang R-5, ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa ikalimang daang radyal ng Maynila sa Pilipinas.[1] Inu-ugnay nito ang Lungsod ng Maynila sa mga lungsod ng Mandaluyong at Pasig sa silangang Kalakhang Maynila, at palabas patungo sa mga lalawigan ng Rizal at Laguna sa silangan. Ito lamang ang daang radyal na dumadaan sa silangang baybayin ng Laguna de Bay.

Binubuo ng R-5 ang mga sumusunod na bahagi:

Kalye Victorino Mapa (Victorino Mapa Street)

baguhin

Sisimula ang R-5 bilang Kalye Victorino Mapa sa distrito ng Santa Mesa mula sa sangandaan nito sa Bulebar Magsaysay. Ito ang pangunahing daang hilaga-patimog ng Santa Mesa. Pagdating sa sangandaan nito sa Ekstensyon ng Kalye Victorino Mapa, tutuloy ang R-5 bilang Kalye Padre Sanchez.

Kalye Padre Sanchez (Padre Sanchez Street)

baguhin

Kilala ang R-5 bilang Kalye Padre Sanchez sa nalalabing ruta ng daang radyal sa loob ng Santa Mesa. Kinokonekta nito ang Santa Mesa sa Mandaluyong sa timog ng Ilog San Juan sa Kalye Heneral Kalentong. Galing ang pangalan nito kay Francisco de Paula Sanchez, isang paring Heswita mula sa Ateneo Municipal de Manila.

Bulebar Shaw (Shaw Boulevard)

baguhin
 
Bulebar Shaw malapit sa Capitol Commons

Ang pangunahing bahagi ng R-5 sa Mandaluyong at Pasig ay ang Bulebar Shaw. Tutumbukin ng Kalye Padre Sanchez ang Bulebar Shaw paglampas nito sa sangandaan nito sa Kalye Heneral Kalentong. Pupunta ito sa direksyong silangan-timog-silangan malapit sa hangganan ng Mandaluyong/San Juan at dadaan ito sa Wack Wack Golf and Country Club bago maabot nito ang sangandaan nito sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA). Sa silangan ng EDSA, nagsisilbing katimugang hangganan ng distritong pang-negosyo ng Sentrong Ortigas ang R-5 at papasok sa lungsod ng Pasig paglampas ng Abenida San Miguel. Dadaan ito sa Capitol Commons development site sa dating complex ng Kapitolyo ng Lalawigan ng Rizal complex bago ito liliko patimog sa Bulebar Pasig sa sangandaan nito sa Hillcrest Drive sa Baranggay Bagong Ilog.

Bulebar Pasig (Pasig Boulevard)

baguhin

Sa pagitan ng Bulebar Shaw at Abenida Eulogio Rodriguez Jr. (C-5), kilala ang R-5 bilang Bulebar Pasig. Tinatakda nito ang katimugang hangganan sa pagitan ng mga baranggay ng Kapitolyo at Bagong Ilog. Dadaan ito mula hilaga-patimog patungong Ilog Pasig bago ito liliko pasilangan sa tabi ng Rizal Medical Center patungong Abenida Eulogio Rodriguez Jr. (C-5).

Abenida Ortigas (Ortigas Avenue)

baguhin

Ang ligid ng lumang kabayanan ng Pasig (Malinao, atbp.) sa silangan ng Bagong Ilog mula sa Bulebar Pasig ay may maiksi at makipot na kaayusan ng mga kalye (street layout). Sa kadahilanang nito, susundan ng R-5 ang C-5 pahilaga at sa halip ay tutuloy ang silangang paglalakbay nito sa pamamagitan ng Abenida Ortigas patungong Rizal. Mula Baranggay Rosario, dadaan ang R-5 patungo sa mga bayan ng Cainta at Taytay at liliko patimog sa Taytay Diversion Road sa Sangandaang Tikling.

Taytay Diversion Road

baguhin

Sa pagitan ng Ekstensyon ng Abenida Ortigas at Manila East Road, kilala ang R-5 bilang Taytay Diversion Road. Dumadaan ito mula hilaga-patimog at babagtasin nito ang kabayanan ng Taytay (Baranggay Dolores) kung saan makikita ang SM City Taytay.

Manila East Road

baguhin

Kilala bilang Manila East Road ang R-5 sa nalalabing bahagi ng katimugang Rizal at Laguna. Dumadaan ito sa mga baybayin ng Laguna de Bay mula Angono sa Rizal hanggang Pagsanjan sa Laguna. Dadaan ito sa mga kabundukan ng Sierra Madre sa may hangganan ng Rizal at Laguna pagdaan nito. Mula Pagsanjan, ang bahagi ng Manila East Road (at R-5) pakanluran ay tinagurian ding Pambansang Lansangan ng Laguna (Laguna National Highway). Tatapos ang R-5 sa sangandaan nito sa Manila South Road sa Calamba, Laguna.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 23 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)