Ang Manila East Road, o Laguna de Bay Bypass Road ay isang pandalawahan hanggang pang-apatang pambansang lansangang sekundarya na matatagpuan sa mga lalawigan ng Rizal at Laguna sa Pilipinas.

Manila East Road
Laguna de Bay Bypass Road
Manila East Road sa Cardona, Rizal
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)
Haba123.3 km (76.6 mi)
Bahagi ng
  • R-5 R-5
  • N601 (Taytay hanggang Famy)
  • N602 (Famy hanggang Pagsanjan)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N60 (Abenida Ortigas) – Taytay, Rizal
Dulo sa timog N66 (Daang Calamba–Pagsanjan) – Pagsanjan, Laguna
Lokasyon
Mga bayanTaytay, Angono, Binangonan, Cardona, Morong, Baras, Tanay, Pililla, Santa Maria, Mabitac, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Pagsanjan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Nagsisimula ito mula sa mga sangandaan ng Abenida Ortigas, Daang Cabuyao, at Abenida Imelda sa Taytay. Susundan naman nito ang rutang pumapalibot sa hilaga at silangang baybayin ng Laguna de Bay, at dadaan sa mga bayan ng Angono, Binangonan, Cardona, Morong, Baras, Tanay, at Pililla sa Rizal, at Santa Maria, Mabitac, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, at Pagsanjan sa Laguna.[1][2]

Mga ruta

baguhin

Magmula noong 2014, bahagi ang buong lansangan ng serye ng mga pambansang lansangan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan. Mula Taytay hanggang Famy, bahagi ito ng Pambansang Ruta Blg. 601 (N601); habang bahagi naman ng Pambansang Ruta Blg. 602 (N602) ang bahaging Famy hanggang Pagsanjan. Ang mga rutang ito ay bahagi ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Bahagi rin ang Manila East Road ng dating Daang Radyal Blg. 5 (R-5) ng sistemang daang arteryal ng Kalakhang Maynila.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Baras Rizal and Beyond Manila East Road". Habagat Central. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. [1]

Coordinates needed: you can help!