Daang Calamba–Pagsanjan

(Idinirekta mula sa Lansangang N66 (Pilipinas))

Ang Daang Calamba–Pagsanjan (Ingles: Calamba–Pagsanjan Road), o Lansangang J. P. Rizal (J.P. Rizal Highway), ay isang pandalawahan hanggang pang-apatang pangunahing lansangan na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna sa CALABARZON, Pilipinas.

Daang Calamba–Pagsanjan
Calamba–Pagsanjan Road
Lansangang J.P. Rizal (J.P. Rizal Highway)
Daang Calamba–Pagsanjan sa Los Baños, Laguna
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)
Bahagi ng N66
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N1 / AH26 (Daang Maharlika) – Calamba
 
  • N67 (Daang Bay–Calauan–San Pablo) – Bay
Dulo sa silangan N602 (Manila East Road) / N603 (Daang Pagsanjan–Cavinti) – Pagsanjan
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodCalamba
Mga bayanLos Baños, Bay, Pila, Santa Cruz, Pagsanjan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N65N67

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Nagsisimula ito sa tagpuan nito sa Lansangang Maharlika sa lungsod ng Calamba (kilala rin bilang Tagpuang Calamba o Calamba Crossing). Susundan nito ang rutang magpapalibot sa Laguna de Bay, at dadaan sa mga bayan ng Los Baños, Bay, Pila, Santa Cruz (ang kabisera ng lalawigan ng Laguna), at tatapos sa Pagsanjan.[1]

Mga bilang ng ruta

baguhin
 
Palatandaan ng N66 sa bahaging Calamba ng Daang Calamba–Pagsanjan.

Sa ilalim ng panibagong sistema ng pagbilang ng mga ruta sa Pilipinas ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) na sinimulang ipatupad noong 2014, ang kabuuan ng lansangan ay minarkang Pambansang Ruta Blg. 66 (N66), isang pambansang daang primera ng sistemang lansangambayan sa Pilipinas (Philippine highway network).

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Google Maps". Google Maps. Nakuha noong 27 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Coordinates needed: you can help!