Kangkong
Ang kangkong (Ipomoea aquatica) ay isang halamang nabubuhay sa lupa at matubig na lugar at ginagamit bilang madahong gulay. Hindi alam ang tumpak na kalawakan ng sakop ng pagpapalawig nito dahil sa kadalian sa pagpapatubo nito. Karaniwan itong nagmumula sa mga maiinit na pook ng mundo. Kabilang sa mga karaniwang-ngalan nito sa wikang Ingles ang water spinach, swamp cabbage, water convolvulus, water morning-glory. Iba pang karaniwang pangalan ang kangkung (wikang Malay), tangkong (wikang Cebuano), kang kung (wikang Sinhales), trawkoon (wikang Khmer), pak boong (wikang Thai:ผักบุ้ง), rau muống (wikang Biyetnames), kongxincai (wikang Intsik: 空心菜 o kōngxīncài na may kahulugang "gulay na walang laman ang puso"), home sum choy (wikang Hakka), ong choy (wikang Kantones: ngônkcôi). Kung minsan, natatawag din itong Asian watercress[1] sa Ingles, ngunit mali ang katawagang ito sapagkat kabilang ang mga watercress sa Nasturtium. Hindi kapamilya ng mga Ipomoea (mga kangkong) ang mga Nasturtium bagaman namumuhay sila sa mga katangian ng lugar na kinalalakhan at kinababagayan ng mga kangkong).
Kangkong | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Solanales |
Pamilya: | Convolvulaceae |
Sari: | Ipomoea |
Espesye: | I. aquatica
|
Pangalang binomial | |
Ipomoea aquatica |
Nabubuhay ang kangkong sa tubig o basang lupa. May 2–3 mga metro o mahigit na haba ang katawan nitong walang laman, na nagiging dahilan ng paglutang, at naguugat ito sa mga singit-ugpungan. Maaaring sagittate (karaniwan) o lanceolate ang mga dahon nito na may habang 5–15 sentimetro at luwang na 2–8 sentimetro. May hugis trompeta ang mga bulaklak na may diyametrong 3–5 mga sentimetro, at karaniwang puti ang kulay.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Impormasyon mula sa Germplasm Resources Information Network: Ipomoea aquatica Naka-arkibo 2015-09-24 sa Wayback Machine.
- Impormasyon hinggil sa nutrisyon ng Water spinach Naka-arkibo 2006-10-06 sa Wayback Machine. mula sa Pamantasan ng Kasetsart
- Larawan ng kangkong na may dahong hugis puso
- Mga halimbawa ng mga halamang-tubig at mapanlusob, at mga larawan Naka-arkibo 2006-04-24 sa Wayback Machine.
- Regulasyon: USDA Noxious Weed Regulations (Permiso sa pagtatanim ng kangkong sa Estados Unidos) Naka-arkibo 2006-09-26 sa Wayback Machine.
- Helminths at Helminthiosis ng mga Baboy sa Mekong Delta ng Biyetnam na may natatanging pagtugos sa impeksiyong Ascariosis at Fasciolopsis buski
Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.