Kanon ng Hudaismo
Ang Hudaismong Rabiniko ay kumikilala ng 24 aklat ng Tekstong Masoretiko na karaniwang tinatawag na Tanakh o Bibliyang Hebreo bilang autoritatibo. Ang ebidensiya ay nagmumungkahi na ang proseso ng kanoninasyon ng Tanakh ay nangyari sa pagitan ng 200 BCE at 200 CE. Ang isang dating sikat na teoriya ay ang Torah(Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo, Bilang) ay isinama sa kanon noong 400 BCE, ang mga Propeta o Nevi'im (Josue, Aklat ng mga Hukom, 1 at 2 Samuel, 1 at 2 Hari, Isaias, Jeremias, Ezekiel, Joel, Amos, Obadias, Jonas, Mikas, Nahum, Habakuk, Sofonias, Hageo, Zacarias at Malakias) noong 200 BCE at ang mga Kasulatan o Ketuvim (Awit, Job, Kawikaan, Ruth, Awit ni Solomon, Eclesiastes, Panaghoy, Ester, Daniel, Esdras, Nehemias, 1 at 2 Kronika) noong 100 BCE.[1] na marahil ay sa isang hipotetikal na Konseho ng Jamnia. Gayunpaman, ang pananaw na ito ay papalaking itinatakwil ng mga modernong skolar. Ang Septuagint ang pangalan ng saling Griyego ng Tanakh na isinalin sa pagitan ng ikatlo hanggang unang siglo BCE sa Alexandria, Ehipto. Ayon kay Michael Barber, "Sa Septuagint, ang Torah at Nevi'im ay itinatag bilang kanonikal ngunit ang Ketuvim ay lumilitaw na hindi pa depinitibong nakanonisa. Halimbawa, ang ilang mga edisyon ng Septuagint ay kinabiblangan ng halimbawa ang 1-4 Macabae o 151 Awit samantalang ang iba ay wala nito. Gayundin ay may mga dagdag sa Aklat ni Esther, Aklat ni Jeremias at Aklat ni Daniel at 1 Esdras.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ The Canon Debate, McDonald & Sanders, page 4