Tumor sa utak

(Idinirekta mula sa Kanser sa ulo)

Ang tumor sa utak ay isang intra-bungo solidong neoplasmo na isang tumor na abnormal na paglago ng mga selula sa loob ng utak ng tao o sental na espinal na kanal. Ang mga tumor sa utak ay kinabibilangan ng lahat ng mga tumor sa loob ng bungo sa sa sentral na espinal na kanal. Ang mga ito ay nalilikha ng abnormal at hindi nakontrol na mitosis na karaniwan sa utak mismo ngunit nasa tisyung limpatiko, mga besel ng dugo, sa mga nerbo ng bungo, sa mga envelope ng utak(meninges, bungo, glandulang pituitaryo o glandulang pineal). Sa loob ng mismong utak, ang mga nasasangkot na selula ay maaaring mga neuron o mga selulang glial na kinabibilangan ng mga astrocyte, oligodendrocyte, at selulang ependymal). Ang mga tumor ay maaari ring kumalat mula sa mga kanser na pangunahing matatagpuan sa ibang mga organo. Ang anumang tumor sa utak ay likas na seryoso at nakapapanganib ng buhay dahil sa masalakay at pumapasok na katangian nito sa limitadong espasyo ng kabidad ng intra-bungo. Gayunpaman, ang mga tumor ng utak kahit ang mga malignante ay hindi palaging nakamamatay lalo na ang mga lipoma na likas na benign. Ang mga tumor o mga neoplasma sa bungo ay maaaring kanseroso o benign. Gayunpaman, ang mga depinisyon ng ng malignante o benign na mga neoplasma ay iba sa karaniwang ginagamit sa ibang mga uri ng kanseroso at hindi kanserosong mga neoplasma sa katawan. Ang lebel ng banta nito ay nakasalalay sa kombinasyon ng mga paktor tulad ng uri ng tumor, lokasyon, sukat at estado ng pagunlad nito. Dahil ang utak ay mahusay na napoprotektahan ng bungo, ang maagang deteksiyon ng isang tumor ng utak ay nangyayari lamang kapag ang mga kasangkapang diagnostiko ay dinerekta sa kabidad na intrabungo. Karaniwan, ang deteksiyon ay nangyayari sa mga sumulong na yugto kapag ang presensiya ng tumor ay nangsanhi ng mga hindi maipaliwanag na sintomas. Ang mga pangunahing tumor sa utak ay karaniwang matatagpuan sa posterior cranial fossa sa mga bata at sa anterior na dalawang-ikatlo ng mga hemisperong cerebral sa mga matandang tao bagaman ang mga ito ay maaaring umapekto sa anumang bahagi ng utak ng tao.

Brain tumor
Brain metastasis in the right cerebral hemisphere from lung cancer shown on T1-weighted magnetic resonance imaging with intravenous contrast.
EspesyalidadOnkolohiya, Neurosiruhiya, neurolohiya Edit this on Wikidata

Mga sanggunian

baguhin