Ang Metastasis o Sakit na metastatiko (Ingles: Metastasis) ang pagkalat ng sakit mula sa isang organo o bahagi sa iba pang hindi katabing organo o bahagi. Nakaraang pinaniwalaan na tanging mga malignanteng tumor na selula at mga impeksiyon ang may kakayahang mag-metastasis. Gayunpaman, ito ay muling binigyan ng pagsasaalang alan dahil sa bagong pagsasaliksik. Ang salitang metastasis ay nangangahulugang "pag-alis sa lugar" sa Griyego mula sa μετά, meta, "kasunod", at στάσις, stasis, "paglalagay". Ang plural nito ay metastases.

Metastasis
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
Hiniwang ibabaw ng atay na nagpapakita ng maraming metastatikong nodula na nagmula sa kanser sa lapay.
DiseasesDB28954
MedlinePlus002260

Ang kanser ay maaaring mangyari pagkatapos na ang isang selula sa isang tisyu ay patuloy na henetikong napinsala upang lumika ng kanser na selulang sangay na nag-aangkin ng penotipong malignante. Ang mga kanser na selulang sangay na ito ay may kakayahan sumailalim sa hindi makokontrol na abnormal na mitosis na nagsisilbi upang pataasin ang bilang mga selulang kanser sa lugar na ito. Kapat ang lugar ng mga selulang kanser sa pinagmulang lugar ay naging klinikal na matutukoy, ito ay tinatawag na pangunahing tumor. Ang ilang mga selulang kanser ay maaari ring magkamit ng kakayahan na makatagos at makapasok sa mga nakapaligid na normal na tisyu sa lokal na area at bumuo ng bagong tumor. Ang bagong nabuong anak na tumor sa katabing lugar sa loob ng tisyu ay tinatawag na lokal na metastasis.

Ang ilang mga selulang kanser ay maaaring mag-angkin ng kakayahang makatagos sa mga pader ng limpatiko at/o mga besel ng dugo na pagkatapos nito ay nagkakaroon ng kakayahan na sumirkula sa daloy ng dugo (sumisirkulang mga selulang tumor) sa iba pang mga lugar at tisyu sa katawan. Ang prosesong ito ay tinatawag na pagkalat na lymphatic o hematogeneous.

Pagkatapos na ang mga selulang tumor ay humimlay sa ibang lugar, ang mga ito ay muling tumatagos sa besel o mga pader, patuloy na dumadami at kalaunan ay isa pang klinikal na matutukoy na tumor ay mabubuo. Ang bagong tumor na ito ay tinatawag na metastatiko(o pangalawang) tumor. Ang metastasis ang isa sa tatlong pinakakilalang mga tanda ng pagiging malignante na salungat sa sa mga benign na tumor. Ang karamihan sa mga tumor at iba pang mga neoplasma ay maaaring mag-metastasis bagaman sa iba't ibang antas(halimbawa ang selulang basal na karsinoma ay bihirang mag-metastasis).

Kapag ang mga selulang tumor ay nag-metastasis, ang bagong tumor ay tinatawag na panglawa o metastatikong tumor at ang mga selula nito ay tulad ng sa orihinal na tumor. Ang ibig sabihin, halimbawa kung ang kanser sa suso ay nag-metastasis sa mga baga, ang ikalawang tumor ay binubuo ng mga abnormal selula ng suso, hindi ng abnormal na selula ng baga. Ang tumor na nasa baga ay tinatawag naman na metastatikong kanser sa suso at hindi kanser sa baga.

Mga tanda at sintomas

baguhin
 
Ang mga sintomas ng metastasis ng kanser ay nakadepende sa lokasyon ng tumor.

Ang mga sintomas ng metastasis ay iba't iba sa lokasyon ng mga tumor. Sa simula, ang kalapit na mga kulani(lymph nodes) ay tinatamaan ng maaga.[1] Ang mga baga, buto, atay at utak ang pinakakaraniwang mga lokasyon ng metastasis mula sa mga solidong tumor.

Bagaman ang sumulong(advanced) na kanser ay maaaring magsanhi ng sakit, ito ay kalimitang hindi unang sintomas.

Ang mga ilang pasyente ay gayunpaman, maaring hindi magpakita ng anumang sintomas.[1]

Patopisiolohiya

baguhin

Ang mga metastatikong tumor ay napaka karaniwan sa mga huling yugtong(late stage) na kanser. Ang pagkalat ng metastases ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng duo o mga kulani o sa parehong mga rutang ito. Ang pinakaraniwang mga lugar para sa metastases na mangyari ang mga baga, atay, utak at buto.[2]

Mga paktor na sangkot

baguhin

Ang metastasis ay isang komplikadong sunod sunod na mga hakbang kung saan ang mga selula ng kanser ay umaalis sa orihinal na lokasyon ng tumor at lumilipat sa ibang mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng daloyngdugo o sistemang lympatiko(kulani). Upang magawa ito, ang mga selulang malignante ay bumabaklas mula sa pangunahing tumor at dumidikit sa at sumisira ng mga protina na bumubuo sa nakapaligid na ekstraselular na matriks(ECM) na naghihiwalay sa tumor mula sa katabing tisyu. Sa pagsira ng mga protinang ito, ang mga selulang kanser ay nagagawang labagin ang ECM at makatakas. Kapag ang kanser sa bibig ay nag-metastasis, ang mga ito ay karaniwang naglalakbay sa pamamagitan ng sistemang lympatiko sa kulani sa leeg. Ang katawan ay lumalabas sa metastasis sa pamamagitan ng iba't ibang mga mekanismo sa pamamagitan ng mga aksiyn ng isang klase ng mga protinang tinatawag na tagasupil ng metastasis(metastasis supressor) na ang ilang dosena nito ay alam.[3]

Ang mga mananaliksik ng kanser na nag-aaral ng mga kondisyon na kailangan sa metastasis ng kanser ay natuklasan ang isa sa mga mahalagang pangyayaring kailangan ang paglago ng bagong network ng mga besel ng dugo na tinatawag na angiogenesis ng tumor.[4] Natuklasan ang tagapigil ng angiogenesis ay makapipigil ng paglago ng metastases.

May ilang mga iba't ibang uri ng selula na mahalaga sa paglago ng tumor. Sa partiklular, ang [[selulang endothelial progenitor ay napakahalaga sa populasyon ng selula sa paglago ng tumor sa besel ng dugo. Ang pagkakatuklas na ito ay naipakita sa malaking epektong mga dyornal na Agham (2008) at Genes at Pag-unlad(2007) na nagpakita ring ang mga selulang endothelial progenitor ay kritikal(mahalaga) para sa metastasis at angiogenesis.[5][6] Ang kahalagan ng mga selulang endothelial progenitor sa paglago ng tumor, angiogenesis at metastasis ay napatibayan ng kamakailang publikasyon sa Pagsasalik sa Kanser(Agosto 2010). Ang unang papel na ito ay nagpapakitang ang mga selulang endothelial progenitor ay maaaring tandaan gamit ang Tagapigil ng Pagbibigkis ng DNA1 (ID1). Ang kakaibang pagkakatuklas na ito ay nangahulugan nagawa ng mga imbestigador na sundan ang mga selulang endothelial progenitor mula sa marrow ng buto hanggang sa dugo sa tumor-stroma at kahit isinama sa baskulatura(kaayusan ng mga besel ng dugo) ng tumor. Sa karagdagan, ang ablasyon ng mga selulang endothelial progenitor sa marrow ng dugo ay nagdudulot ng malaking pagbabawas ng paglago ng tumor at pag-unlad na baskulatura. Kaya ang mga selulang endothelial progenitor ay napakahalaga sa biolohiya ng tumor at nagbibigay ng kakaiba at bagong mga inaasintang terapeutiko(nagpapagaling).[7]

Mga ruta ng metastasis

baguhin
 
Mga pangunahing lugar ng metastasis para sa ilang mga karaniwang uri ng kanser. Ang mga pangunahing kanser ay tinutukoy ng ""...cancer" at ang kanilang pangunahing lugar ng metastasis ay tinutukoy ng "...metastases".[8]

Metastasis occurs by four routes:

1. Transcoelomiko

baguhin

Ang pagkalat sa mga kabidad ng katawan ay nangyayari sa pagbibinhi(pagdami) sa ibabaw ng peritoneal, pleural, pericardial, at subarachnoid na mga espasyo. Halimbawa, ang tumor sa obaryo ay kumakalat nang transperitoneal sa ibabaw ng atay. Ang mesothelioma ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng kabidad na pleural.[9]

2. Lymphatikong pagkalat

baguhin

Ang pananakop sa sistemang lymphatiko ay sinusundan ng paghahatid ng mga selulang tumor sa rehiyonal na mga nodo at pinakahuli ay sa huling mga bahagi ng katawan. Ito ang pinaka karaniwang ruta ng metastasis para sa karsinoma.

3. Pagkalat na Haematogenous

baguhin

Ito ay tipikal sa lahat ng mga sarcoma ngunit ito ang pinapaborang ruta sa ilang mga karsinoma gaya ng mga nagmumula sa bato). Dahil sa kanilang mas manipis na mga pader, ang mga vein ay mas malimit na sinasakop kesa sa mga arterya at ang metastasis ay sumusunod ng paterno ng mga pagdaloy ng vein.

4. Transplantasyon o implantasyon

baguhin

Ito ang mekanikal na pagdadala ng mga pragmento ng mga selulang tumor ng mga instrumentang siruhikal habang isinasagawa ang isang operasyon o paggamit ng mga karayom habang isisinasagawa ang mga pamamarang diagnostiko.

Ang mga selulang kanser ay maaaring kumalat sa kulani(lymph node) malapit sa pangunahing tumor. Ito ay tinatawag na nodal na pagkasangkot, positibong mga nodo, o rehiyonal na sakit. Ang mga positibong nodo ay isang temrnio na ginagamit ng mga espesyalistang medikal upang ilarawan ang kalagayan ng pasyente na ang ibig sabihin ay ang mga kulani ng pasyente malapit sa pangunahing tumor ay nasubok(tested) na positibo sa pagiging malignante. Karaniwang kasanayang medikal na sumubok sa pamamagitan ng biopsiya ang hindi bababa sa dalawang mga kulani malapit sa lugar ng tumor kung gagawa ng suriya o operayson upang suriin o alisin ang tumor. Ang mga naging lokal na pagkalat hanggang sa rehiyonal na kulani malapit sa pangunahing tumor ay hindi normal na binibilang bilang metastasis bagaman ito ay tanda ng malalang prognosis. Ang paghahatid sa pamamagitan ng mga kulani ang pinakakaraniwang daanan para sa inisyal na pagkalat ng karsinoma.[10]

Mga organong-spesipikong inaasinta

baguhin

May kagawian ang ilang mga tumor na magbinhi sa mga partikular na organo. Ito ay unang tinalakay bilang "binhi at lupang teoriya" ni Stephen Paget na higit sa isang siglo ang nakalilipas noong 1889. Halimbawa, ang kanser sa prostate ay kaniwang nagme-metastasis sa mga buto. Sa parehong pamamaraan, ang kanser sa bituka ay may kagawiang mag-metastasis sa atay. Ang kanser sa tiyan ay kalimitang nagme-metastasis sa obaryo sa mga kababaihan na tinatawag na Krukenberg tumor.

Ayon sa teoriyang "binhi at lupa" mahirap para sa mga selulang kanser na makapagpatuloy sa labas ng kanilang pinagmulang rehiyon kaya upang mag-metastasis, kailangan silang humanap ng lokasyon ng parehong mga katangian.[11] Halimbawa, ang mga selula ng tumor ng suso na nagtitipon ng mga ion ng calcium mula sa gatas ng suso ay nagme-metastasis sa tisyu ng buto kung saan ang mga ito ay maaaring magtipon ng mga ion ng calcium mula sa buto. Ang malignanteng melanoma ay kumakalat sa utak na ipinagpapalagay na dahil ang neural na tisyu at melanocyte ay lumilitaw mula sa parehong linya ng selula sa embryo.[12]

Noong 1928, hinamon ni James Ewing ang teoriyang "binhi at lupa" at nagmungkahing ang metastasis ay purong nangyayari sa pamamagitan ng mga anatomiko at mekanikal na ruta.

Metastasis at pangunahing kanser

baguhin

Tineoriyang ang metastastis ay palaging nagkakataon sa isang pangunahing kanser at sa gayon, ay isang tumor na nagmula mula sa isang selulang kanser o mga sela sa ibang bahagi ng katawan. Gayunpaman, higit sa 10% ng mga pasyenteng humaharap sa unit ng onkolohiya ay may metastases nang walang pangunahing tumor na natuklasan. Sa mga kasong ito, tinutukoy ng mga doktor ang pangunahing tumor bilang "hindi alam" o "okulto" at ang pasyente ay sinasabing may kanser na hindi alam ang pangunahing pinagmulan(CUP) o hindi alam na mga pangunahing tumor(UPT). Tinatayang ang 3% ng lahat ng mga kanser ay hindi alam ang pangunahing dahilan.[13] Naipakita ng mga pag-aaral na kung ang simpleng pagtatanong ay hindi naghayag ng pinagmulan ng kanser(pag-ubo ng dugo-"malamang ay kanser ng baga", pag-ihi ng dugo-"malamang ay kanser ng pantog), ang komplikadong paglalarawan(imaging) ay hindi rin ito makapaghahayag.[13] In some of these cases a primary tumor may appear later.

Ang paggamit ng immunohistokemistriya ay nagbibigay ng kakayahan sa mga patolohista na magbigay ng pagkakakilanlan sa maraming mga metastases na ito. Gayunpaman, ang paglalaran ng tinutukoy na area ay sa ilang pagkakataon lamang naghahayag ng pangunahing kanser. Sa mga bihirang kaso(halimbawa ng melanoma), walang pangunahing tumor ang natuklasan kahit sa autopsiya. Kaya ipinagpalagay na ang ilang mga pangunahing tumor ay maaaring lumiit ng buo ngunit mag-iwan ng kanilang metastases.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 National Cancer Institute: Metastatic Cancer: Questions and Answers Naka-arkibo 2008-08-27 sa Wayback Machine.. Retrieved on 2008-11-01
  2. "Metastatic Cancer: Questions and Answers". National Cancer Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-27. Nakuha noong 2008-08-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Yoshida BA, Sokoloff MM, Welch DR, Rinker-Schaeffer CW (2000). "Metastasis-suppressor genes: a review and perspective on an emerging field". J Natl Cancer Inst. 92 (21): 1717–30. doi:10.1093/jnci/92.21.1717. PMID 11058615. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Weidner N, Semple JP, Welch WR, Folkman J (1991). "Tumor angiogenesis and metastasis—correlation in invasive breast carcinoma". N Engl J Med. 324 (1): 1–8. doi:10.1056/NEJM199101033240101. PMID 1701519. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-16. Nakuha noong 2011-12-23. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Gao D; atbp. (2008). "Endothelial Progenitor Cells Control the Angiogenic Switch in Mouse Lung Metastasis". Science. 319 (5860): 195–198. doi:10.1126/science.1150224. PMID 18187653. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Nolan DJ; atbp. (2007). "Bone marrow-derived endothelial progenitor cells are a major determinant of nascent tumor neovascularization". Genes and Development. 21 (12): 1546–1558. doi:10.1101/gad.436307. PMC 1891431. PMID 17575055. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Mellick As, Plummer PN; atbp. (2010). "Using the Transcription Factor Inhibitor of DNA Binding 1 to Selectively Target Endothelial Progenitor Cells Offers Novel Strategies to Inhibit Tumor Angiogenesis and Growth". Cancer Research. 70 (18): 7273–7282. doi:10.1158/0008-5472.CAN-10-1142. PMC 3058751. PMID 20807818. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. List of included entries and references is found on main image page in Commons: Commons:File:Metastasis sites for common cancers.svg#Summary
  9. Bacac, M; Stamenkovic, I (Pebrero 2008). "Metastatic cancer cell". Annual Review of Pathology. 3: 221–47. doi:10.1146/annurev.pathmechdis.3.121806.151523. PMID 18233952.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Kumar, Vinay; Abbas, Abul K; Fausto, Nelson; Robbins, Stanley L; Cotran, Ramzi S (2005). Robbins and Cotran pathologic basis of disease (7th ed.). Philadelphia: Elsevier Saunders. ISBN 978-0-7216-0187-8.
  11. http://www.springerlink.com/content/v8wt2q033u674121/[patay na link]
  12. Robert Weinberg, The Biology of Cancer, cited in Basics: A mutinous group of cells on a greedy, destructive task, by Natalie Angier, New York Times, 3 April 2007
  13. 13.0 13.1 Briasoulis E, Pavlidis N (1997). "Cancer of Unknown Primary Origin". Oncologist. 2 (3): 142–152. PMID 10388044. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-22. Nakuha noong 2011-12-23.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)