Kasaykasay
Ang kasaykasay ay pangkat ng mga maliliit hanggang katamtamang laking mga makukulay na ibon sa orden na Coraciiformes. Malawak ang sakop ng kanilang distribusiyon, na karamihan ng uri ay matatagpuan sa labas ng kontinente ng dalawang Amerika. Ang pangkat ay itinuturing na isang pamilya, ang Alcedinidae, o bilang mababang uri bilang Alcedines na may tatlong pamilya, ang mga Alcedinidae (kasaykasay sa ilog), mga Halcyonidae (kasaykasay sa katihan) at mga Cerylidae (mga kasaykasay sa tubigan). Mayroong halos 90 uri ng mga kasaykasay. Lahat ay may malaking ulo, mahaba at patulis na tuka, maikling mga hita at maikli at matigas na buntot. Karamihan sa mga uri ay may makukulay na balahibo at halos walang pinagkaiba ang hitsura ng dalawang kasarian. Bukod sa isda na hinunuli nila sa pamamagitan ng pagdagit ay kumakain din sila ng mga kulisap at maliliit na hayop. Karamihan sa kanila ay nakatira sa mga lugar na tropikal. Mga tabi ng tubigan ang karaniwan nilang tirahan ngunit may mga uri din na makikita sa katihan. Katulad ng ibang miyembro sa kanilang orden, sila'y nagpupugad sa mga butas sa lupa. Sangkapat ng mga uri ng kasaykasay ay namumugad sa mga abandonadong bahay ng anay. May mga ilang uri, lalo na iyung mga nasa katihan, ay nanganganib nang maubos.
Kasaykasay | |
---|---|
Kasaykasay na Azure (Alcedo azurea) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Suborden: | Alcedines
|
Families | |
Pandaigdigang distribusiyon ng mga kasaykasay |
Alcedines | |||||||||||||||
| |||||||||||||||
Batay sa Moyle (2006) |