Kasaysayan ng sining

Kasaysayan ng mga likha ng tao bilang dekorasyon, komunikasyon, at pagpapahayag
(Idinirekta mula sa Kasaysayan ng Sining)

Ang kasaysayan ng sining (Ingles: history of art) ay ang kasaysayan ng anumang gawain o produktong ginawa ng mga tao na nasa anyong makikita o mapagmamasan ng mga mata para sa mga layuning estetiko o pangkomunikasyon, na nagpapahayag ng mga ideya, mga damdamin o, sa pangkalahatan, isang pananaw na pandaigdigan. Sa maiksing pananalita, maaari itong bigyan ng kahulugan bilang ang kasaysayan ng sining na nakikita, katulad pagpipinta, paglililok at arkitektura.

Sa paglipas ng panahon ang sining na mapagmamasdan (biswal na sining) ay iniuri sa iba't ibang mga paraan, magmula sa pagkakaibang midyebal sa pagitan ng liberal na sining at sining na mekanikal, hanggang makabagong pagkakaiba sa pagitan ng pinong sining at inilapat na sining o sa maraming mga kahulugang pangkasalukuyan, na nagbibigay ng kahulugan sa sining bilang isang pagpapakita ng pagkamalikhain ng tao. Ang sumunod na paglawak ng talaan ng pangunahing mga sining (mga sining na prinsipal) noong ika-20 daantaon ay umabot sa siyam: arkitektura, paglililok, musika, pagpipinta, panulaan (malawakang inilalarawan bilang isang anyo ng panitikan na mayroong layunin o tungkuling estetiko, na nagsasama rin ng magkakabukod na mga henero ng pagtatanghal at pagsasalaysay, pelikula, potograpiya at komiks. Idinagdag, sa makadiwang pagkakapatung-patong ng mga kataga sa pagitan ng plastik na sining at biswal na sining, ang disenyo at grapikong sining. Bilang dagdag sa lumang mga anyo ng pagpapahayag na makasining na katulad ng moda at gastronomiya, isinasaalang-alang ang bagong mga gawi ng pagpapahayag bilang sining katulad ng bidyo, sining sa kompyuter, pagganap, pagpapatalastas, animasyon, telebisyon, at mga larong bidyo.

Ang kasaysayan ng sining ay isang agham na multidisiplinaryo (siyensiyang pangmaramihang disiplina), na naghahangad ng isang malayunin o obhektibong pagsusuri ng sining sa kahabaan ng mga kapanahunan, pag-uuri ng mga kultura, pagtatatag ng mga peryodisasyon (pagpapanahon-panahon) at pagmamasid ng nakakapagbukod at nagpapakaiba at maipluwensiyang mga katangian ng sining.[1] Ang pag-aaral ng kasaysayan ng sining ay unang umunlad sa loob ng panahon ng Kamulatan, na ang may hangganang nasasakupan nito ay ang masining produksiyon ng kabihasnang kanluranin. Subalit, sa paglipas ng panahon, nakapaglapat ito ng isang mas malawak na pananaw ng kasaysayang makasining, na naghahangad ng isang may malawak na nasasaklawang pangkalahatang pagtalakay ng lahat ng mga kabihasnan at analisis ng kanilang produksiyong makasining ayon sa katakdaan ng kanilang pansariling mga pagpapahalagang pangkalinangan (relatibismong pangkultura), at hindi lamang ng kasaysayan ng sining na kanluranin.

Sa kasalukuyan, nagtatamasa ang sining ng isang malawak na kalambatan ng pag-aaral, pagmumudmod at pagpapanatili ng lahat ng mga pamanang makasining ng sangkatauhan sa kahabaan ng kasaysayan. Ang ika-20 daantaon ay nakapagmasid ng paglaganap ng mga institusyon, mga pundasyon, mga museo ng sining at mga galeriya, na kapwa nasa mga sektor na pangmadla at pribado, na nakalaan sa pagsusuri at pagkakatalogo ng mga akda ng sining, pati na mga eksibisyon na nakalayon sa mga tagapagtangkilik na nasa "pangunahing daloy" ng lipunan. Ang paglitaw ng mga midya ay naging napakamahalaga sa pagpapainam ng pag-aaral at pagpapalaganap ng sining.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gardner, p.xlvi
  2. Onians (2008), p. 316-317.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.