Si Eric Oteyza de Guia (ipinanganak noong 3 Oktubre 1942 sa Lungsod Baguio, Benguet), na mas kilalang Kidlat Tahimik, ay isang direktor sa pelikula, manunulat at aktor na ang kanyang mga pelikula ay karaniwang nauugnay sa kilusang Ikatlong Sine sa pamamagitan ng kanilang mga pagpuna ng neokoloniyalismo. Ukol sa kanyang mga ambag sa pag-unlad ng malayang pelikula ng Pilipinas, siya ay kinilala noong 2018 bilang isang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Pelikula - isang paggawad na kumakatawan sa pinakamataas na pagkilala ng bansang Pilipinas para sa mga alagad ng sining.[1]

Kidlat Tahimik
Kidlat Tahimik (kanan) at ang kanyang anak Kidlat de Guia
Kapanganakan
Eric Oteyza de Guia

3 Oktubre 1942
NasyonalidadPilipino
Kilala samga malayang pelikula
LaranganPelikula
Pinag-aralan/KasanayanPamantasan ng Pilipinas
Pamantasan ng Pennsylvania
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Pelikula at Sining Pambrodkast
2018

Isa sa pinakatanyag na pangalan sa industriya ng pelikulang Pilipino, nakakuha siya ng iba`t ibang pagkilala sa lokal at pandaigdig, kabilang ang honoraryong Plaridel para sa malayang pelikula. Tinawag siya ng mga kapwa gumagawa ng pelikula at kritiko bilang "Ama ng Malayang Pelikulang Pilipino".

Sa mga nagdaang taon, si Tahimik ay naging tanyag iskultor na pagkakabit (installation artist) na may mga likha na ipinalabas sa mga iba't ibang pampublikong espasyo sa Pilipinas.[2]

Edukasyon

baguhin

Nag-aral si Tahimik Unibersidad ng Pilipinas Diliman,[3] kung saan nahalal siya bilang Pangulo Sangguniang Mag-aaral ng UP, na kilala noong bilang Unyong Mag-aaral ng Unibersidad, mula 1962 hanggang 1963. Habang nasa unibersidad, naging kasapi siya ng kapatirang (o fraternity) Upsilon Sigma Phi.[4][5] Nag-aral si Tahimik sa Paaralang Wharton ng Unibersidad ng Pennsylvania, at umani ng Maestro sa Pamamahala ng Negosyo. Sa kanyang pagbabalik, itinatag niya ang AIESEC sa Pilipinas.[6]

Nagtrabaho siya bilang isang mananaliksik para sa Organisasyon para sa Ekonomikong Kooperasyon at Pag-unlad (o Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD) sa Paris mula 1968 hanggang 1972.[7]

Mga impluwensya

baguhin

Lumaki si Tahimik sa Baguio, Pilipinas, isang bakasyunan tuwing tag-init na pamayanan na itinatag sa presensya ng ilang base militar ng Estados Unidos. Naimpluwensiyahan ng karanasang ito ang tema ng kanyang pelikula, pinakakapansin-pansin ang medyo pang-awtobiyograpiyang pelikula na Perfumed Nightmare (1977) and Turumba (1983).

Ang mga nabanggit na mga pelikula ay nagbigay ng ilang kabatiran sa mga pangyayari na nagdala sa kanya sa presensya ng tagagawa ng pelikula na si Werner Herzog, na kasama ng direktor na si Francis Ford Coppola at kasama ng kanyang istudiyong American Zoetrope, ay naging instrumento sa pagtulong sa kanya ng paglabas ng Perfumed Nightmare sa Estados Unidos.

Pansariling buhay

baguhin

Nakatira si Kidlat sa apat na palapag na tahanan sa Benguet, sa Pilipinas, kasama ang kanyang asawa, ang Alemang alagad ng sining at manunulat na si Katrin De Guia, at ang kanilang mga anak na sina Kidlat de Guia (o Kidlat Gottlieb Kalayaan), Kawayan Thor Kalayaan, at Kabunian De Guia (o Kabunian Cedric Enrique).

Noong Pebrero 2004, isang sunog ang naiulat na kumalat sa kanilang bahay. Nakatakas at nakaligtas ang pamilya, ngunit nawasak ang mga tinupong pelikula at koleksyon ng sining at artepakto.[8]

May-ari siya ng isang kapeteryang begetariyano na Oh My Gulay sa Baguio, Pilipinas.[9]

Mga gawad at parangal

baguhin

Mga gawad

baguhin

Mga pambansang parangal

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Zulueta, Lito B. (24 Oktubre 2018). "7 bagong pambansang alagad ng sining ihahayag sa Miyerkules". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Oktubre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ang daigdig ng pangarap ni Kidlat Tahimik". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Oktubre 2018. Nakuha noong 1 Marso 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "University of the Philippines alumni listings" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Guia, Katrin De (2005). Kapwa: The Self in the Other : Worldviews and Lifestyles of Filipino Culture-bearers (sa wikang Ingles). Anvil Pub. p. 93. ISBN 9789712714900.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Upsilonians remember 'brod' Behn Cervantes". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Setyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kalaw-Tirol, Lorna (2017-11-22). Primed for Life: Writings on Midlife by 18 Men (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-621-420-053-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Manilla Bulletin article". Manila Bulletin (sa wikang Ingles).
  8. "WORLD-FAMOUS ARTIST LOSES ARTWORKS AS HIS HOUSE RAZED BY BENGUET BLAZE". www.newsflash.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-14. Nakuha noong 2020-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Fermin, Margaret (2019-08-27). "Best Cafes to Visit in Baguio Cuddle Weather". Philippines Lifestyle News. Nakuha noong 12 Setyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Jofelle P. Tesorio, ABS-CBN Balitang Europa. "Kidlat Tahimik kinuha ang gantimpalang Prince Claus sa Olanda". ABS-CBN Balita. Nakuha noong 14 Pebrero 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin