Knickerbocker

panghimagas na sorbetes mula sa Zamboanga

Ang knickerbocker ay isang panghimagas na sorbetes mula sa Lungsod ng Zamboanga, Pilipinas na binubuo ng iba't ibang sariwang tipak-tipak na prutas, kubong may lasa ng gulaman (agar), at nata de coco sa kondensada na nilagyan ng sorbetes na presas. Kabilang sa mga sinasahog na prutas ang mangga, saging, pitaya, papaya, milong lunti, mansanas, ubas, seresa, pinya at pakwan, bukod sa iba pa. Minsan maaari ring sahugin ang sorbetes na baynilya o tsokolate. Nilalahukan din ang mga mani paminsan-minsan.[1][2][3][4] Kinokonsidera ito minsan bilang isang baryante ng halo-halo ngunit iba ang knickerbocker dahil wala itong ginadgad na yelo. Pinakakahawig nito ang knickerbocker glory, isang sundae ng mga Amerikano at Briton, ngunit magkaiba ang kanilang mga sangkap. Ang ulam ay unang pinasikat ng Hacienda de Palmeras restaurant bago kumalat sa buong lungsod.[5][6]

Knickerbocker
KursoPanghimagas
LugarPilipinas
Rehiyon o bansaLungsod ng Zamboanga
GumawaRestorang Hacienda de Palmeras
Pangunahing SangkapSorbetes na presas, kondensada, gulaman (agar), nata de coco, samu't saring prutas

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Digal, Neil Kristianne (9 Hulyo 2022). "Zamboanga City showcases delightful culinary spectacles" [Lungsod ng Zamboanga, nagpakita ng kaaya-ayang tanghal-kulinarya]. GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Guevara, Earl Carlo. "The Knicker Bocker: Zamboanga City's Iconic Dessert" [Ang Knicker Bocker: Ang Ikonikong Panghimagas ng Lungsod ng Zamboanga]. Pinned.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Knicker Bocker, Zamboanga City, Philippines" [Knicker Bocker, Lungsod ng Zamboanga, Pilipinas]. Savor Filipino Foods (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Regional Sweets of the Zamboanga Peninsula" [Rehiyonal na Dulse ng Tangway ng Zamboanga]. 7641 Islands of the Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Hacienda de Palmeras" (sa wikang Ingles). Zamboanga City Tourism Office, Republic of the Philippines. City Tourism Office. 29 Hunyo 2023. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Knickerbocker: The Sweetest Tale from Zamboanga" [Knickerbocker: Ang Pinakamatamis na Kuwento mula sa Zamboanga]. JonToTheWorld (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 2023. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)