Kokand
Ang Kokand (Usbeko: Qo‘qon, Қўқон, قوقان; Persa: خوقند, romanisado: Xuqand; Chagatai: خوقند, Xuqand; Tayiko: Хӯқанд, romanisado: Xökand) ay isang lungsod sa Rehiyon ng Fergana sa silangang Uzbekistan, sa timog-kanlurang dulo ng Lambak ng Fergana. Matatagpuan ito 228 kilometro (142 milya) timog-silangan ng Tashkent, 115 kilometro (71 milya) kanluran ng Andijon, at 88 kilometro (55 milya) kanluran ng Fergana. Binansagan itong "Lungsod ng mga Hangin" o kung minsan, "Bayan ng Baboy-ramp. Hango ang pangalang Kokand's mula sa kilalang pamilyang pangkat na "Kokan" na nakabilang sa liping Kongrat ng mga Uzbek.[1]
Kokand Qo‘qon / Қўқон | |
---|---|
Palasyo ng Khan | |
Mga koordinado: 40°31′43″N 70°56′33″E / 40.52861°N 70.94250°E | |
Bansa | Uzbekistan |
Rehiyon | Rehiyon ng Fergana |
Pamahalaan | |
• Hokim | Ma'rufjon Usmonov |
Lawak | |
• Kabuuan | 40 km2 (20 milya kuwadrado) |
Taas | 409 m (1,342 tal) |
Populasyon (2016) | |
• Kabuuan | 239,900 |
• Kapal | 6,000/km2 (16,000/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | +5 |
Kodigong postal | 150700 |
Websayt | kokand.uz |
Ang lungsod ng Kokand ay nasa salubungang-daan ng dalawang pangunahing sinaunang rutang pangangalakal papunta sa Lambak ng Fergana, isa patungong Tashkent sa hilagang-kanluran Tashkent, at ang isa pakanluran sa Khujand. Dahil dito, isa itong pangunahing ruta ng transportasyon sa Lambak ng Fergana.
Kasaysayan
baguhinUmiiral na ang lungsod mula noong ika-10 dantaon sa ilalim ng pangalang Khavakand, at madalas nababanggit sa mga tala ng mga manlalakbay na dumadaan sa mga rutang pampulutong sa pagitan ng India at Tsina. Sinakop ng Dinastiyang Han ng Tsina ang buong lungsod noong unang dantaon B.K. Kalaunan, muling sumalakay ang mga Arabo ang rehiyon mula Dinastiyang Tang. Winasak ng mga Mongol ang Kokand noong ika-13 dantaon.
Nagsimula ang kasalukuyang lungsod bilang isang moog noong 1732 sa sityo ng dating mas-lumang kuta na tinatawag na 'Eski-Kurgan. Noong 1740, ito ay naging kabisera ng kahariang Uzbek, ang Khanate of Kokand na umabot sa Kyzylorda sa kanluran at Bishkek sa hilagang-silangan. Isa rin itong pangunahing sentro ng relihiyon sa Lambak ng Fergana. Sa lungsod pa lamang ay may mga 300 moske.
Nabihag ng mga puwersang imperyal ng Rusya sa ilalim ni Mikhail Skobelev ang lungsod noong 1883, kung kailang naging bahagi ito ng Rusong Turkistan. Ito ay kabisera ng panandalian (1917–18) at kontra-Bolshevik na Provisional Government of Autonomous Turkistan (kilala ngayon bilang Kokand Autonomy).[2] Humingi sila ng kooperasyon mula kina Ataman Dutov at Alash Orda. Subalit hindi gaanong nagtagumpay ang kanilang sugo sa Amir ng Bukhara.
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1897 | 81,354 | — |
1939 | 84,645 | +4.0% |
1959 | 105,082 | +24.1% |
1970 | 133,131 | +26.7% |
1979 | 152,776 | +14.8% |
1989 | 182,073 | +19.2% |
1999 est. | 192,500 | +5.7% |
2014 est. | 187,500 | −2.6% |
2018 est. | 246,900 | +31.7% |
Ang mga datos (maliban sa pagtataya 2014) ay hango sa Wikidata. Senso 1989: [3] |
Ang populasyon ng Kokand noong ika-24 ng Abril 2014 ay nasa 187,477 katao.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Географические названия мира: Топонимический словарь. — М: АСТ. Поспелов Е.М. 2001.
- ↑ The Politics of Muslim Cultural Reform, Jadidism in Central Asia by Adeeb Khalid, Oxford University Press, 2000
- ↑ "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)