Kylie Minogue
Si Kylie Ann Minogue, OBE ( /ˈkaɪliː mɪˈnoʊɡ/; ipinanganak noong 28 Mayo 1968) — kadalasang nakikilala lamang bilang Kylie — ay isang Australyanang mang-aawit, artistang nagrerekord, manunulat ng awitin, babaeng nagpapalabas, at aktres. Pagkaraang umpisahan ang kanyang karera bilang isang batang aktres sa telebisyong Australyano, nagkamit siya ng pagkilala sa pamamagitan ng kanyang gampanin sa soap opera na pangtelebisyong Neighbours, bago simulan ang kanyang karera bilang isang artistang nagrerekord noong 1987. Ang kanyang unang singgulo, "Locomotion", ay nanatili ng pitong mga linggo bilang nangunguna sa talangguhitan ng mga singgulo sa Australia at naging pinakamabentang singgulo ng dekada. Humantong ito sa isang kontrata sa ilalim ng mga manunulat ng awitin at mga produser ng rekord ng Stock, Aitken & Waterman. Ang kanyang album ng pagpapasinaya na Kylie (1988), at ang singgulong "I Should Be So Lucky", ang bawat isa ay nangunguna sa Nagkakaisang Kaharian, at sa loob ng susunod na dalawang mga taon, ang kanyang unang 13 mga singgulo ay umabot sa pangunahing sampu sa Britanya. Ang kanyang pelikula ng pagpapasinaya na The Delinquents (1989) ay isang patok sa takilya sa Australia at sa Nagkakaisang Kaharian, at pangkalahatang nakatanggap ng mga pagsusuring positibo.
Kylie Minogue | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Kylie Ann Minogue |
Kapanganakan | Melbourne, Victoria, Australya | 28 Mayo 1968
Genre | Pop, disko, dance-pop, synthpop, electro-pop |
Trabaho | Mang-aawit, aktres |
Taong aktibo | 1987–kasalukuyan (mang-aawit) 1979–kasalukuyan (aktres) |
Label | PWL, Geffen Records, Mushroom Records, Deconstruction Records, Parlophone |
Website | http://kylie.com |
Unang naiharap bilang isang "girl next door" (ang babae sa kabilang pinto o kapit-bahay na babae), nagtangka si Minogue na makapagpamalas ng isang mas estilong mas nasa wastong gulang sa kanyang musika at pampublikong imahe. Ang kanyang mga singgulo ay naging katanggap-tanggap, subalit pagkaraan ng apat na mga album naging dahan-dahan ang pagbaba ng pagiging mabenta ng kanyang mga rekord, at nilisan niya ang Stock, Aitken & Waterman noong 1992 upang ilunsad ang sarili niya bilang isang independiyenteng manananghal. Ang kanyang sumunod na singgulong "Confide in Me" ay umabot sa pagiging nangunguna sa Australia at naging isa ring patok na tugtugin sa ilang mga bansang Europeo noong 1994, at ang isang tambalan o duetong kasama si Nick Cave na pinamagatang "Where the Wild Roses Grow" ang nakapagdala kay Minogue ng mas malaking kaantasan ng mas makatotohanang kasiningan. Sa pagkuha ng inspirasyon mula sa isang saklaw ng mga estilong pangmusika at ibang mga artista, malikhaing tinabanan ni Minogue ang pagsusulat ng awitin para sa kanyang sumunod na album, ang Impossible Princess (1997). Nabigo ito sa pag-akit ng malalakas na mga pagsusuri at mga pagbebenta sa Nagkakaisang Kaharian, subalit naging matagumpay sa Australia.
Nanumbalik ang kabantugan ni Minogue noong 2000 sa pamamagitan ng singgulong "Spinning Around" at ang ibinagay na pangsayaw na album na Light Years, at nagtanghal siya noong isinasagawa ang mga seremonya ng pagwawakas ng Olimpiko sa Sydney noong 2000. Ang kanyang mga bidyong pangmusika ay nagpamalas ng katauhang mas nakakapukaw ng seksuwalidad at kakirihan at ilan pang mga patok na mga singgulo ang sumunod. Ang "Can't Get You Out of My Head" ay nakarating sa pangunguna sa mahigit sa 40 mga bansa, at ang album na Fever (2001) ay naging patok sa maraming mga bansa, kabilang na ang Estados Unidos, isang pamilihan kung saan dating nakatanggap si Minogue na maliit na pagkilala. Nakipagkasundo si Minogue para sa isang paglalakbay na pangkonsiyerto subalit kinansela ito nang mapag-alamang mayroon siyang kanser sa suso noong Mayo 2005. Pagkaraan ng siruhiya at kemoterapiya, ipinagpatuloy niya ang kanyang karera noong 2006 sa pamamagitan ng Showgirl: The Homecoming Tour. Ang kanyang pansampung album na pang-estudyo na X ay inilabas noong 2007 at nasundan ng paglalakbay na KylieX2008. Noong 2009, isinagawa niya ang For You, For Me Tour, ang una niyang paglalakbay na pangkonsiyerto sa Estados Unidos at Canada, at noong sumunod na taon ay nagpakawal ng kanyang panglabing-isang album na pang-estudyo, ang Aphrodite.
Nagkamit si Minogue ng pangbuong mundong benta ng mga rekord na mahigit kaysa sa 68 milyon,[1] at nakatanggap ng katangi-tanging mga gantimpalang pangmusika, kabilang na ang maraming mga gantimpalang ARIA at Brit at isang Gantimpalang Grammy. Nagsakatuparan siya ng ilang matatagumpay at napagbunyi ng mga manunuri na mga pandaigdigang pampaglalakbay na mga konsiyerto at tumanggap ng isang Gantimpalang Mo para sa pagiging "Australian Entertainer of the Year" (Australyanong Mang-aaliw ng Taon) dahil sa kanyang mga aktuwal na pagtatanghal. Mula sa paggagawa ng Reyna ng Australia na si Reyna Elizabeth II, siya ay ginawang isang Opisyal ng Orden ng Imperyong Britaniko (O.B.E.) sa Palasyon ng Buckingham noong 2008 "dahil sa mga paglilingkod sa tugtugin". Noong taon ding iyon, ginantimpalaan siya ng pinaka mataas na karangalan ng Pransiya, ang Ordre des Arts et des Lettres, mula sa pamahalaang Pranses dahil sa kanyang mga naiambag sa kalinangang Pranses. Noong 2011, ang I Should Be So Lucky niya ay naidagdag sa Pambansang Arkibo ng Pelikula at Tunog ng patalaan ng Sounds of Australia ng Australia.[2][3] Noon pa ding 2011, nagantimpalaan si Minogue ng isang honoraryong degri na Duktor ng Agham ng Kalusugan (D.H.Sc.) ng Pamantasang Anglia Ruskin sa Nagkakaisang Kaharian dahil sa kanyang mga nagawa sa pagpapataas ng kamalayan hinggil sa kanser sa suso. Noong 27 Nobyembre 2011, sa ika-25 anibersaryo ng ARIA Music Awards, si Kylie Minogue iniluklok ng Australian Recording Industry Association sa Bulwagan ng Kabantugan ng ARIA.[4] Noong 2011 pa rin, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[5]
Diskograpiya
baguhin- Kylie (1988)
- Enjoy Yourself (1989)
- Rhythm of Love (1990)
- Let's Get to It (1991)
- Kylie Minogue (1994)
- Impossible Princess (1997)
- Light Years (2000)
- Fever (2001)
- Body Language (2003)
- X (2007)
- Aphrodite (2010)
- Kiss Me Once (2014)
- Golden (2018)
- Disco (2020)
- Tension (2023)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Kylie Minogue — Line of Enquiry". BBC Radio 2. BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-01-29. Nakuha noong 29 Enero 2011.
She's sold over 68 million records worldwide, won numerous prestigious awards and adorned the covers of numerous magazines.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Film and Sound Archive: 'I Should Be So Lucky' on the Sounds of Australia registry
- ↑ National Film and Sound Archive: 'I Should Be So Lucky' on australianscreen online
- ↑ Daily Telegraph Australia: Prime Minister Julia Gillard to honour pop princess Kylie Minogue: [1] Naka-arkibo 2014-09-21 at Archive.is
- ↑ "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 6 Abril 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Opisyal na websayt (sa Ingles)
- Kylie Minogue sa IMDb
- Kylie Minogue sa Facebook (sa Ingles)
- Kylie Minogue sa Twitter