Labanan sa Imus (1896)
Labanan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas
Napaglabanan ang Labanan sa Imus noong 3-5 ng Setyembre, 1896, ang unang labanan ng himagsikan sa lalawigan ng Kabite at isa sa pinakamalaki sa digmaan. Nangyari ang labanan sa Imus, lalawigan ng Kabite, sa Pilipinas. Nangyari ang labanan apat na araw pagkatapos tinangkang lusubin nila gat-Andrés Bonifacio at ng kanyang mga kasamahang Katipunero ang isang pagawaan at paglalagyan ng pulbura na binabantay ng mga sundalong Kastila sa San Jose del Monte sa Bulacan. Tagumpay ng mga Katipunerong Pilipino ang kinalalabasan pagkatapos ng labanan. Malalabanan ang Labanan sa Binakayan at Dalahikan, ang kauna-unahang malakihang tagumpay ng mga Pilipino laban sa mga Kastila, mahigit dalawang buwan nakaraan ang labanang ito.
Labanan sa Imus | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Himagsikang Pilipino | |||||||
Monumento para sa labanan sa Imus | |||||||
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
Katipunan Magdalo | Spanish Empire Guardia Civil | ||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
Baldomero Aguinaldo Emilio Aguinaldo Jose Tagle |
Ramón Blanco y Erenas Brig. General Ernesto de Aguirre † | ||||||
Lakas | |||||||
Inisyal na dami: 600 tauhan Sa panahon ng Labanan: 12,000-35,000 tauhan | 500-800 infanterias | ||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||
di pa nalalaman, subalit marami | marami, malapit nalipol ang hukbo |