Ang Labanan sa Yarmuk ay naganap noong 15–20 Agusto 636, sa kasagsagan ng pananakop ng mga Muslim sa Siriya. Nangyari ang labanan sa pagitan ng mga sundalong Rashidun, sa pamumuno ni Khalid ibn al-Walid, isa sa mga kaalalay ni Muhammad, at mga nagdadamihang mga sundalong Bisantino Romano, sa pamumuno ni Vahan, isang Armeniyong heneral na naglilingkod para sa Bisantinong imperador na si Heracleo. Naging isa ang labanan sa mga pinakapangwakas at pinakadakila sa kasaysayan.[1][2]

Labanan sa Yarmuk
Image of the Battlefield of Yarmouk.
Ang lugar kung saan naglabanan ang mga kawal ng Byzantine at Rashidun (Arabu)
Petsaika-15 hanggang ika-20 ng Agusto, taong 636
Lookasyon
Malapit sa Ilog ng Yarmouk
32°48′51″N 35°57′17″E / 32.81411°N 35.95482°E / 32.81411; 35.95482
Resulta Pangwakas na tagumpay ng Dinastiyang Rashidun
Pagbabago sa
teritoryo
Nasakop ng Imperyong Rashidun ang kabuuan ng rehiyong sakop ng Palestina at Siriya
Mga nakipagdigma
Imperyong Bisantino Romano,
Kaharian ng mga Ghassanid
Dinastiyang Rashidun
Mga kumander at pinuno
Heracleo
Theodore Trithyrius
Vahan g[›]
Jabalah ibn al-Aiham
Dairjan
Buccinator (Qanateer)
Gregory
Omar ibn al-Khattab
Khalid ibn al-Walid
Abu Ubaidah ibn al-Jarrah
Amr ibn al-A'as
Kahula bint Azwar
Shurahbil ibn Hassana
Yazid ibn Abu Sufyan
Lakas
300,000 kawal
Binubuo ng 285,000 hukbong lakad at 15,000 kabayuhan
40,000 kawal
Binubuo ng 35,000 hukbong lakad at 5,000 kabayuhan
Mga nasawi at pinsala
120,000 nasawi at nasugatan 4,000 nasawi at nasugatan

Upang tigilan ang paglulusob ng mga Islamikong Arabe sa mga lupain ng Palestina at Siriya, bumuo si Heracleo ng isang napakalaking ekspedisyon na binubuo ng 400,000 kawal mula sa bawat sulok ng imperyo at mula rin sa rehiyon ng Armeniya upang mabawi ang mga nawalang lupain ng imperyo sa Palestina at Siriya.[3] Nagmungkahi naman ang Persa (Persian)ng imperador na si Yazdegerd III ng alyansa sa Bisantinong imperador, at ipinakasal naman ni Heracleo ang kanyang anak na babae na si Manyanh sa Persa (Persian)ng imperador para masiguro ang pagsasama ng dalawang imperyo. Ang plano ng dalawang imperyo na paglusob na sabay-sabay sa lupaing sakop ng mga Muslim ay pumalpak sanhi ng pagkahapo ng pamahalaan ng Imperyong Sasanidong Persa (Persian) sa mga labanan sa pagitan ng dalawang imperyo ilang taon ang nakakaraan[4], at pangwakas ring natalo si Yazdegerd III sa labanan sa al-Qadisiyah tatlong buwan pagkatapos ng labanan. Inatras naman ni Abu Ubaidah, sa utos ng heneral ng lahat ng mga sundalong Muslim na lumulusob sa Palestina at Siriya na si Khalid ibn al-Walid, ang lahat ng mga sundalong Muslim at ilipat sila sa pagitan ng Ilog ng Yarmuk at kapatagan ng Jabiya malapit sa disyerto ng Arabiya, kung saan nangyari ang labanan, upang mabuting gamitin ang nasabing kapatagan para sa mga pagsalakay ng mga kabayuhang Muslim laban sa napakalaking hukbong Bisantino na may 300,000 kawal na tumutugis sa kanila[5] at para mapaatras ang kanilang hukbo nang mabuti patungo muli sa disyerto ng Arabiya para magsipangkatang muli sa panahong matalo sila sa labanan.

Nakasuot ang hukbong lakad ng mga Arabeng Rashidun ng mga kalubkob na gawa sa bakal o bronse at mga baluting gawa sa kadena at kuwero, at armado sila ng mga mahahaba o pabalantok na tabak na isinasampay sa telang sinturon na kung tawagin ay baldric at mga kalasag na gawa sa kuwero; armado naman ng mga tabak o sibat na may habang lima at kalahating metrong haba ang kanilang kabayuan. Nakasuot naman ang mga hukbong lakad ng mga Bisantino Romano ng makakapal na baluti na gawa sa kadena o kuwero at armado ng kalasag na hugis pahaba, bilog, parisukat at rektanggulo at ng mga mahahabang sibat o tabak; ang kanilang kabayuan, na kung tawagin ay mga Cataphract, ay ang pinakamahusay at pinakamalakas sa panahong iyon, armado ng mahahabang sibat at tabak at nakasuot ng napakamakapal na baluti at kalubkob na gawa sa bakal o bronse. Hindi naman gaano mabaluti ang malaking bahagi ng hukbo na kasapi sa ekspedisyon. Mainit ang panahon sa lugar ng labanan; sanay lumaban ang mga Arabe sa gitna ng tag-init, isang lamang na wala ang mga Bisantino Romano sa labanan bagaman may mga kasaping silang Arabe na Kristiyano na sanay sa tag-init pero walang kasanayan sa labanan.

Tumagal ang labanan sa anim na araw. Nanaig ang kagitingang Muslim sa labanan, at nagawang tinalo ng mga Muslim ang mga nagdadamihang mga Bisantino Romano. Ang pagkatalo ng mga Romano ang tumapos sa kanilang pamumuno sa Siriya, at pagkatapos naman ay dito nagsimula ang pagkalat ng relihiyong Islam pagkatapos sa pagkamatay ni Muhammad. Dito rin nagsimula ang paghina ng Imperyo Bisantino Romano sa mahabang panahon at ang walang-humpay na pananalakay ng mga Muslim sa Asia Minor at mismo sa kabisera ng Konstantinopla, kung saan bumagsak mahigit walong daang taon matapos ang labanan sa kamay ng mga Turkong Muslim.

Mga reperensiya

baguhin
  1. Walton 2003, p. 30
  2. Nicolle 1994, p. 6
  3. Nicolle 1994, p. 60
  4. Akram 2009, p. 133
  5. Nicolle 1994, p. 61