Silangang Imperyong Romano

mga lalawigan sa silangang bahagì ng Romanong Imperyo
(Idinirekta mula sa Byzantine)

Ang Silangang Imperyong Romano, Imperyo ng Roma sa Silangan, o Imperyong Bisantino (Bisantium) ay mga pangalang inilalapat sa Imperyo Romano noong Gitnang Panahon na may kabisera sa Constantinopla (na ngayo’y Istanbul).

Silangang Imperyo Romano
Imperium Romanum[1]
Βασιλεία τῶν Ῥωμαίων
Basileía tôn Rhōmaíōn
Eastern Roman Empire
330–1453
Watawat ng KASINUNGALINGAN NI MAM PERLA SA ap SUBJECT NAMIN...
Watawat ng Imperyo sa huli nitong bahagi
Iskudo ng imperyo ng KASINUNGALINGAN NI MAM PERLA SA ap SUBJECT NAMIN...
Iskudo ng imperyo
Ang Imperyong Byzantine sa pinakamalik nitong sakop sa panahon ni Justinian sa pagitan ng 550.
Ang Imperyong Byzantine sa pinakamalik nitong sakop sa panahon ni Justinian sa pagitan ng 550.
KatayuanImperyo
KabiseraConstantinopla¹
Karaniwang wikaLatin hanggang sa ika-7 siglo, Griyego ang sumunod
Relihiyon
Relihiyong Romano hanggang 391, Silanganing Orthodox ng Kristiyanismo pagkatapos
PamahalaanAwtokrasya
Emperador 
• 306–337
Constantino ang Dakila
• 1449–1453
Konstantino XI Paleologus
LehislaturaSenado ng Constantinopla
PanahonHuling Makaluma-Huling Gitnang Panahon
• Hinati ni Diocletiano ang imperyo sa silangan at kanluran
285
• Pagtatatag sa Konstantinopla
Mayo 11 330
• Paghiwalay ng Silangan-Kanluran
1054
• Pagbagsak ng Konstantinople sa Ikaapat na Krusada
1204
• Pagbawi sa Konstantinople
1261
• Pagbagsak ng Konstantinople
Mayo 29 1453
• Pagbagsak ng Trebizond
1461
Populasyon
• 4th cent³
34,000,000
• 8th cent (780 AD)
7,000,000
• 11th cent³ (1025 AD)
12,000,000
• 12th cent³ (1143 AD)
10,000,000
• 13th cent (1281 AD)
5,000,000
SalapiSolidus, Hyperpyron
Pinalitan
Pumalit
Imperyong Romano
Imperyong Ottoman
Imperyo ng Trebizond
Despotado ng Morea
Despotado ng Serbia
Prinsipalidad ng Wallachia
Liga ng Lezhë
Republika ng Venezia
¹ Constantinople (330–1204 and 1261–1453). The capital of the Empire of Nicaea, the empire after the Fourth Crusade, was at Nicaea, present day İznik, Turkey.
² Establishment date traditionally considered to be the re-founding of Constantinople as the capital of the Roman Empire although other dates are often used
³ See Population of the Byzantine Empire for more detailed figures taken provided by McEvedy and Jones, "Atlas of world population history", 1978, as well as Angeliki E. Laiou, "The Economic History of Byzantium", 2002.

Tinutukoy ito ng mga naninirahan dito pati ng mga kalapit na bansa bilang Imperyo Romano (sa Griyego Βασιλεία Ῥωμαίων, Basileía Rhōmaíōn) o Imperyo ng mga Romano o Romania (Ῥωμανία, Rhōmanía). Ang mga emperador nito ang nagpatuloy ng pamamahala ng mga emperador Romano upang panatiliin ang tradisyon at kulturang Griyego-Romano.

Sa daigdig Islamika, higit na kilala ito bilang روم‎ (Rûm "Roma"). Dahil naman sa pananaig ng Griyego sa wika, sa kultura at sa buhay, kilala ito sa Kanluran o Europa noong mga panahong iyon bilang Imperium Graecorum, Imperyo ng mga Griyego. Ang pag-inog ng Imperyo Romano sa Silangan mula sa matandang Imperyo Romano ay isang proseso na nagmula noong ilipat ni Constantino ang kabisera sa Bizancio mula sa Nicomedia, Anatolia (ng kasalukuyang Turquia). Binansagan ang Bizancio ng bagong pangalan - ang Bagong Roma (Nova Roma) o Constantinopla - na nasa pasig ng Bosforus. Pagdatal ng siglo 7 sa ilalim ng paghahari ni Emperador Heraclio, ang mga reporma nito ang nagpabago sa lakas militar ng imperyo. Noong mga panahong ito kinilala ang Griyego bilang opisyal na wika na nagdulot din ng bagong karakter sa imperyo.

Sa libong taon pag-inog ng Imperyo kasama ang maraming balakid at pagkawala ng mga teritoryo, napanatili niya ang sarili bilang isa sa pinakamalakas na pwersa militar, kultural at ekonomika sa buong Europa. Kumalat ang impluwensiya nito sa Hilagang Africa at sa Malapit Silangan halos buong Edad Media. Matapos ang huling pagbawi sa ilalim ng dinastiyang Comnena noong siglo 12, unti-unting lumubog ang Imperyo hanggang sa paglupig rito ng mga Turkong Otomano sa Constantinopla at sa mga natitira nitong teritoryo noong siglo 19.

Kuta ng Kristiyanismo ang imperyo at isa sa mga pangunahing lunduyan ng kalakalan ito sa mundo. Ito ang tumulong sa pagtatanggol sa paglusob ng mga Muslim sa kanlurang Europa. Pinatatag nito ang pananalapi sa buong rehiyong Mediterreneo. Malaki ang naging impluwensiya nito sa mga batas, sistema politika at kaugalian ng halos buong Europa at Gitnang Silangan. Pinanatili rin nito ang mga gawa sa panitikan at agham ng matandang Grecia, Roma at iba pang mga kultura. Ang katagang “Imperyo Bizantino” ay isang katha ng mga mananalaysay at hindi ginamit noong panahon ng imperyo. Ang pangalan ng imperyo sa Griyego ay Basileia Rhōmaiōn (Griyego: Βασιλεία Ῥωμαίων) — "Ang Imperyo ng mga Romano" – salin mula sa pangalan nito sa Latin na Imperyo Romano (Latin: Imperium Romanōrum); o Rhōmania (Griyego: Ῥωμανία).

Sa ilalim ng pamumuno ni Constantine, muling napag-isa ang Imperyong Roman na hinati sa panahon ni Emperador Diocletian. Subalit sa pagkakataong ito, pinagtuonan ni Constantine ang pagpapaunlad sa Silangang Imperyong Roman. Inilipat ni Costantine ang kabisera ng Imperyong Roman mula Rome sa Byzantuim (kasalukuyang Istanbul sa Turkey). Tinawag ang lungsod na Constantinople noong 330 C.E.. Ang Costantinople rin ang naging kabisera ng isang makapangyarihang imperyo-ang Imperyong Byzantine.

Pagpapangalan

baguhin

Nangyari ang pagtatakda sa Imperyo bilang “Bizantino” sa kanlurang Europa noong 1557 noong maglathala ng kanyang katha-sulat ang isang mananalaysay na Aleman na si Hieronymus Wolf na pinamagatang Corpus Historiæ By¬zantinæ, isang kalipuan ng mga kathang Bizantino. Ang paglalathala noong 1648 ng Byzantine du Louvre (Corpus Scriptorum Historiæ Byzantinæ), at noong 1680 ng Historia Byzantina ni Du Cange ay lalong nagpatanyag sa paggamit ng katagang Bizantino sa mga awtor na Frances tulad ni Montesquieu. Ang palansak na paggamit ng katagang “Bizantino” sa kanlurang mundo ay naganap sa pagdatal ng siglo 19 sa pagsilang ng makabagong Gresya.

Ang paggamit ng “Imperyo Bizantino” gayundin ng Imperium Graecorum (Imperyo ng mga Griyego) ay pagpapakita rin sa di-pagtanggap sa pag-angkin ng imperyo bilang tagapagmana ng Imperyo Romano. Ang pag-angking Bizantino sa tronong Romano ay matibay na nilabanan ni Papa Leon mula pa man sa pagpuputong kay Carlomagno bilang Imperator Augustus noong taong 800. Kapag binabanggit ng mga Papa o mga namumuno sa Kanluran ang pangalang Romano na tumutukoy sa mga Bizantinong Emperador , kanilang ginagamit ang katagang Imperator Romaniæ sa halip na Imperator Romanorum, na isang titulo na ginagamit ng mga taga-Kanluran para lamang kay Carlomagno at sa mga sumunod sa kanya.

Kasaysayan

baguhin

Paghahati ng Imperyo Romano

baguhin

Noong siglo 3, tatlong krisis ang dumagok sa Imperyo Romano: nilusob ito mula sa labas, mga giyera sibil sa loob nito, at ekonomiyang lulugo-lugo at puno ng problema. Humupa ang kahalagahan ng lungsod ng Roma bilang sentro administratibo. Nagtatag ng bagong sistemang administratibo si Diocleciano – ang tetrarkiya. Inagapay niya ang sarili sa isang katulong emperador o Augusto. Ang bawat Augusto naman ay may batang ka-asisteng ampon o Cesar na kasamang namumuno at sa lumaon ay taga-pagmana ng puwesto ng matandang pinuno. Subalit ang tetrarkya ay gumuho nang magbitiw sina Diocleciano at Maximiano. Pinalitan ito ni Constantino I ng dinastikong pagpapamana ng trono.[2]

Inilipat ni Constantino ang Dakila ang luklukan ng Imperyo. Nagpalabas din ito ng mga mahahalagang pagbabago sa mga batas sibil at panrelihiyon..[3] Noong 330, itinatag ang Constantinopla bilang pangalawang Roma (Nova Roma)sa lugar ng Bizancio na nakasadlak sa rutang kalakalan sa pagitan ng Kanluran at Silangan. Nagpuno si Constantino ng mga repormang administratibo na sinimulan ni Diocleciano. Pinatatag niya ang salapi (ang gintong solidus na kanyang sinimulan ay matatag at tunay na hinanap), at binago ang balangkas ng sandatahan. Sa pamamahal ni Constantino, muli nitong natamo ang lakas militar at panahon ng katatagan at kaunlaran.

 
Mapa ng Imperyo Romano ca. 395, na nagpapakita ng mga diyosis at mga probinsiyang pretoriano ng Italia, Illyrico at Oriens (silangan), na halos analogo sa apat na sona ng impluwensay ng mga tetrarko ayon sa reporma ni Diocleciano.

Sa ilalim ni Constantino, hindi man naging isang eksklusibong relihiyon ang Kristiyanismo kung saan nagtamo ito ng pitak sa imperyo sa pagbibigay malaking suporta ng Emperador dito. Itinatag ni Constantino ang palakad para sa mga emperador na hindi ito dapat lumutas sa mga katanungan tungkol sa doktrina, sa halip tatawag ito ng konsilio eklesiyastikong panglahat. Ipinatawag ni Constantino ang Kapulungan ng Arles at ipinakita niya ang sarili bilang ulo ng Simbahan sa Unang Konseho sa Niseya. .[4]

Maipakikita ang kalagayan ng Imperyo noong 395 sa mga nagawa ni Constantino. Sa katatagan ng dinastikong palakad na kanyang itinatag at nang mamatay ang emperador na si Teodosio I nang taong iyon kanyang maipamamana ang puwestong imperyal na ito sa kanyang dalawang anak na lalaki: kay Arcadio ang Silangan at kay Honorio ang Kanluran.[5] Si Teodosio ang huling emperador na naghari sa buong lawak ng imperyo na ngayo’y nahati.

Nakaiwas sa malaking kahirapan ang Silingan Imperyo kumpara sa Kanluran noong bahagi ng siglo 3 at 4 dahil sa katatagan ng kulturang panglunsod at mainam na mapagkukunan ng pera na ginamit sa pagpapatahimik ng mga barbarong panlabas sa pagbibigay ng suhol at pagbabayad sa mga mersenaryong panlabas. Lalo ring pinatibay ni Teodosio II ang muralya ng Constantinopla na proteksiyon nito sa maraming pang paglusob. Hindi napigtas ang muralya hanggang taong 1204. Upang patihimikin ang mga Hunos ng Atila, tinustusan sila ni Teodosio (ng halos 300 kg (700 lb) ng ginto).[6] Moreover, he favored merchants living in Constantinople who traded with the Huns and other foreign groups. Dagdag pa rito, kanyang pinaboran ang mga mangangalakal na naninirahan sa Constantinopla na nakikipagkalakal sa mga Hunos at iba pang panglabas na mga grupo. Pinutol ang napakalaking halagang suhol ng kanyang kahaliling si Marciano. Gayundin, nakatuon na ang atensiyon ng Attila sa Kanlurang Imperyo Romano. Nang mamatay siya noong 453, bumagsak ang kanyang imperyo. Sinimulan ng Constantinopla ang masamang relasyon nito sa mga Hunos na nang lumaon ay lalaban bilang mga mersenaryo sa sandatahang-lakas Bizantino. Matapos bumagsak ang Atila, lumaganap ang panahon ng kapayapaan sa Silangang Imperyo habang ang Kanlurang Imperyo ay bumagsak (na karaniwang inilalagay sa taong 476 nang inalis sa puwesto ang Kanlurang Emperador na si Romulus Augustulus ni Odoacer, isang Romanong heneral na may dugong Aleman na hindi na pinalitan ng isang pang tutang pinuno).

Imperyong Romano ng Silangan, c. AD 480

baguhin

Upang makuhang uli ang Italia, nakipagnegosasyon ito sa mga Ostrogodo ni Teodorico na namuhay sa Moesia. Ipinadala niya ang godong hari sa Italia bilang magister militum per Italiam (“punong komandante para sa Italia”). Matapos bumagsak si Odoacer noong 493, mag-isang naghari si Teodorico, na nanirahan sa Constantinopla noong kabataan niya, sa buong Italia. Kaya, pahiwatig na sinakop ni Teodorico ang Italia bilang Ostrogotikong kaharian, napanatili ni Zeno bilang paghaharing nominal sa kanlurang lupa habang inalisan nito ang Silangang Imperyo ng mga di masupil na tagasunod.

Noong 491, naging emperador si Anastasio I, isang matandang opisyal sibil na tubong Romano, ngunit sa pagdatal lamang ng 498 nang tunay na natugunan ng mga pwersa ng bagong emperador ang taga-Isaurio. Ipinakita ni Anastacio na siya isang matikas ng tagapagbago at mahusay na administrador. Napabuti niya ang sistema ng pananalapi ni Constantino I sa pagtatakda ng timbang sa tansong follis, ang perang ginagamit sa pangaraw-araw na transaksiyon. Kanya ring binago ang sistema ng buwis at tuluyang inalis ang kinamumuhiang buwis na chrysargyron. Ang Panalapiang Estado ay naglalaman ng malaking halaga ng ginto - 145,150 kg (320,000 lbs) nang siya ay mamatay.

Ang Pagbawi ng mga rehiyon sa Kanluran

baguhin
 
Ang paglaki ng Imperyo sa pamamahala ni Justinian I.

Si Justiniano I, na nakuha ang trono noong 527, ay nag-ambisyon na mabawi ang mga dating territoryo ng Imperyong Romano. Siya ay isang anak ng Illyrian na mahirap lamang, pero siya ay nagkaroon na ng impluyensa sa pamamahala ng tito niya, si Justin I (518–527).[7] Lumitaw ang isang kaguluhan sa kanyang pamamahala, ang Nika Revolt, pero hindi naging matagumpay ang mga nag-alsa na mapatalsik siya. Dahil dito, lalo pang lumakas ang kapangyarihan ni Justiniano.[8]

Ang pagsalakay sa Kanluran ay nagsimula noong 533, kung saan pinadala ni Justinian ang kanyang heneral na si Belisarius para makuha ang Hilagang Aprika mula sa mga Bandalo (Vandals) dala ang mga sundalo na aabot sa 15,000 katao. Naging matagumpay ang ekspidisyon, pero tumigil lamang ang resistensiya ng mga tribo noong 548. Noong 535, isang maliit na Bisantinong ekspidisyon na pinadala sa Sicily ay madaling nagtagumpay, pero pinalakas ng ma Goth ang kanilang resistensiya, kaya noong 540 lamang nagtagumpay ang imperyo, kung saan kinuha ni Belisarius ang Ravenna, pagkatapos mabawi ang Naples at Roma.[9]

Si Justinian ay naging tanyag dahil sa kanayang pag-aayos ng Batas Romano sa tulong ni John the Cappadocian[10] . Sinimulan ng huli noong 529 ang komisyon (10 tao) na ayusin ang sinaunang Batas Romano, kung saan ginawa ang bagong Corpus Juris Civilis, isang koleksiyon ng mga batas na tinawag na "Justinian's Code".

Sa pagkamatay ni Justiniano I noong 565, ang kanyang tagapagmana, si Justin II ay hindi nagbayad ng tribute sa mga Persa (Persian). Binawi din ng mga Lombard ang Italya, sa katapusan ng siglo, isang bahagi na lamang ng Italya ang nasa kamay ng Imperyo.

Alexios I Kommenos at ang Unang Krusada

baguhin
 
Mapa ng imperyo bago ang Krusada.

Pagkatapos ng ilang siglo ng paghina ng Ekonomiya ng imperyo, isang muling-paglakas ang naganap na itinuring na restorasyong Komneniano dahil sa mga ginawa ng emperador noong panahon ng Dinastiyang Komnenian. Si Alexios I Komnenos ay nagkaroon ng problema sa mga pag-atake ng mga Normano kung saan kinuha ng huli ang Dyrrhachium at Corfu, at binantaan ang Larissa sa Thessaly. Ang kamatayan ng normanong lider na si Robert Guiscard's noong 1085 ay pansamantlang pumigil sa problema. Sumunod din ang pagkamatay ng Sultan ng Seljuq sultan died, at bumagsak ang Sultanato. Tinalo ni Emperador Alexios ang mga Pechenegs sa Labanan sa Levounion noong 28 Abril 1091.[11] Nagawa niyang ibalik ang kapayapaan sa Kanluran ng imperyo. Ang kanyang apela sa Kanlurang Europa (lalo na sa Santo Papa) para sa tulong laban sa mga Turko ang siyang hudyat para masimula ang mga Krusada.

Ika-apat na Krusada at ang Paghina ng Imperyo

baguhin

Ang ika-apat na Krusada ay pinasimulan ni Papa Innocent kung saan dapat labanan ng mga Krusaders ang Ehipto. Pero, noong Abril 1204, ang mga Taga-Krusada ay Ninakawan ang Constantinopla, ang kabisera ng imperyo. Dahil dito, tuluyan nang naghiwalay ang Simbahang Katoliko at ang Simbahang Orthodox.[12]

 
Ang mapa ng Latin Empire (at mga vassal) at ng mga natirang estado ng imperyo: Imperyo ng Niseya, Imperyo ng Trebizond at Despotado ng Epirus.

Pagkatapos ng pagsalakay at pagnakaw sa Constantinopla noong 1204, ang mga natirang estado ng imperyo: Imperyo ng Niseya at Despotado ng Epirus ang naitatag. Ang Imperyo ng Trebizond ay itinatag ilang linggo bago ang pagsalakay sa Constantinopla. Ang Imperyo ng Niseya, ang pinakamalapit sa Constantinopla ay nahirapan at unti-unting naubos ang territoryo sa timog Anatolia.[13] Ang paghina ng Sultanado ng Rûm dahil sa pagsalakay ng mga Mongol ay siyang nagpahina rin sa mga Bizantino sa Asya Minor.[14] Pero, dahil sa Pagsalakay ng mga Mongol, medyo napahinga ang Nicaea sa pagsalakay ng mga Seljuk.

Muling nabawi ng Imperyo ng Niseya ang Constantinopla mula sa mga Latin noong 1261 at tinalo ang Epirus. Ito ay nagdulot ng muling pagkabuhay ng katanyagan ng Ekonomiyang Bizantino sa pamamahala ni Michael VIII Palaiologos. Maraming proyekto din ang sinimula para ayusin ang mga nasira sa kabisera dulot ng ika-apat na Krusada. Pero, unti-unting naubos ng mga ghazi ang teritoryo sa Asya Minor.

Digmaang Bizantino-Ottomano at ang Pagbagsak ng Constantinopla

baguhin

Muling nalugmok sa kahirapan ang imperyo dahil sa 6-taon digmaang sibil pagkatapos ng kamatayan ni Andronikos III. Unti-unting kinuha ng lumalakas na mga Ottoman ang mga territoryo sa Serbia; isang lindol sa Gallipoli noong 1354 ay naging daan para makuha ito ng mga Ottoman.[15]

 
Eastern Mediterraneano bago ang Pagbagsak ng Constantinopla.

Ang mga emperador ay humingi ng tulong sa kanluran, ngunit ayon sa Papa, magpapadala lamang sila ng tulong kung muling mag-kaisa ang dalawang simbahan.[16] Ang kaunting tulong at pagpadala ng sundalo ng kanluranng Europa ay hindi naging sapat upang matalo ang malakas na Imperyong Ottoman.

Ang kabisera na Constantinople ay hindi na mataao. Isa na lang itong hindi-mataong lungsod na pinaliligiran ng mga taniman at mga abandonadong gusali. Noong 2 Abril 1453, ang Ottoman Sultan Mehmed II ay lumusob sa kabisera na may 80,000 sundalo.[17]. Tuluyan nang bumagsak ang kabisera noong 29 Mayo 1453. Ang huling emperador, Constantine XI Palaiologos, ay huling nakita na tinanggal ang imperyong kasuotan ay nakipaglaban sa mga turko.[18] Pagkatapos ng pagbagsak ng imperyo, sinakop ni Mehmed II ang mga natirang Griyegong lupain ng Mistra noong 1460 at Trebizond noong 1461.

Ekonomiya

baguhin
 
Solidus ni Justiniano II, sa pangalawang pag-upo, matapos ang 705.

Pinakamaunlad ang ekonomiyang Bizantino sa Europa at Mediteraneo sa maraming siglo. Hindi napantayan ng Europa ang lakas pang-ekonomika nito hanggang sa dakong huli ng Edad Media. Pangunahing sangangdaan sa kalakalan ang Constantinopla nang maraming panahon na umaabot sa buong Eurasya at Hilagang Aprika. Ito rin ang pangunahing katapusan sa kanluran ng tanyag na Daang Seda. Binabanggit ng ilang eskolar na bago pa man dumating ang mga Arabe noong siglo 7, pinakamalakas na ekonomiya na sa buong mundo ang Imperyo. Subalit, ang pananakop ng mga Arabe ay nagdulot ng malaking pagbabago ng kapalaran na nagpahupa at nagpalubog rito. Ang mga reporma ni Constantino V (c. 765) nagpasimula ng pagbabagong sigla sa ekonomiya na nagpatuloy hanggang 1204. Mula siglo 10 hanggang the katapusan ng siglo 12, ipinamalas ng Imperyo Bizantino ang karangyaan niya. Ang lahat ng manlalakbay ay humanga sa mga nalikom na kayamanan nito sa kabisera. Ang lahat nang ito ay nagbago sa pagdating ng ika-apat na Cruzada na nagpabagsak sa kanyang ekonomiya. Sinubukang buhayin ang ekonomiya ng Palaiologoi subalit wala na silang kontrol sa mga puwersang ekonomika sa loob at labas ng bansa. Unti-unti ring nawala ang impluwensiya nito sa mga kaparaanan ng kalakalan at paghahalaga, at kontrol sa pagluluwas ng mga mamahaling metal at ayon sa ilang eskolar pati na rin sa paggawa ng salapi.

Kalakalan ang isa sa mga pundasyong ekonomiko ng imperyo. Sinasabing ang mga hinabi (tela) ay pinakamahalagang bagay sa kalakalan. Ang seda ay iniluluwas sa Ehipto gayundin sa Bulgaria at Kanluran. Mahigpit na kontrol ng estado ang kalakalang panloob at panlabas nito. Sila lamang ang gumagawa ng salapi. Pormal na hawak at kontrolado ng gobyerno ang patubuan ng salapi at sa pagtataktada ng mga reglamento sa mga sindikatong pangkalakal at mga korporasyon kung saan may interes ito. Sa mga panahon ng krisis, nakikialam ang emperador at mga opisyal nito upang siguraduhin na sapat sa mga materyales ang kabisera at mababa ang halaga ng mga ani. Sa huli, ang mga sobrang kalakal ay kinakalap ng gobyerno sa pamamagitan ng buwis at ibinabalik ito sa sirkulasyon bilang suweldo ng mga opisyal ng estado o porma ng investment sa gawang pambayan.[19]

Kultura

baguhin

Agham, Medisina, Batas

baguhin
 
Ang Bautismo ni Constantino, pinta ng estudyante ni Rafael (1520-1524, fresco, Lungsod Vaticano, Palasyo Apostoliko). Isinulat ni Eusebio ng Cesaria, na isang kaugalian nong mga bagong binyag na Kristiyano noong panahong iyon, ipinagpaliban ni Constantino ang pagtaggap ng bautismo bago siya mamatay.[20]

Walang humpay ang Bizancio sa paglilinang ng mga katha ng sinaunang Klasiko. Dahil dito, ang agham Bizantino sa bawat panahon nito ay nakaakibat sa mga sinaunang pilosopiya at metapisika. Kahit na sa iba’t-ibang panahon malaki ang naging abuloy ng mga Bizantino sa aplikasyon ng mga agham (bantog rito ang pagtatayo ng Hagia Sophia), matapos ang siglo 6 humupa ang mga bagong abuloy ng mga eskolar na Bizantino sa agham sa larangan ng pagbubuo ng bagong hinua o pagpapalawig ng mga ideya ng mga klasikong awtor. Naudlot ang eskolastika nila noong mga kadilimang taon ng salot (plague) at pananakop ng mga Arabe. Subalit noong katapusan ng unang milenyo na tinatawag na Renasimientong Bizantino, isunulong ng mga eskolar na Bizantino kung saan sila ay naging dalubhasa sa pagpapaunlad ng mga agham Arabe at Persico lalo na sa astronomiya at matematika.

Sa huling siglo ng Imperyo, ang mga dalubhasa sa balarilang Bizantino ang nangalaga at naghatid, sa papel at personal, sa pag-aaral ng balarila at panitikang Griyego sa bungad ng Renasimientong Italiano. Noong panahong ito, ang astronomiya at ibang mga agham pangmatematika ay itinuturo sa Trebizond. Halos lahat ng mga eskolar ay intresado rin sa medisina.

Sa larangan ng batas, malinaw ang epekto ng mga repormang ipinaganap ni Justiniano I sa pag-inog ng jurisprudencia habang ang Ecloga ni Leon III ay may impluwensiya sa pagbuo ng mga batasan sa mundong Eslavaco.[21]

Relihiyon

baguhin

Bilang tanda at pagpapakita sa katanyagan ng Patriarka ng Constantinopla, ipinatayo ni Justianiano ang Simbahan ng Banal ng Karunungan ng Diyos, Hagia Sophia, na natapos sa maikling panahon nang apat at kalahating taon (532-537).

Ayon kay Joseph Raya, iisa at pareho ang kulturang Bizantino at Ortodoxiya. Ang buhay ng Imperyo sa Silangan ay nakasalalay sa aktibong papel ng Emperador sa mga asunto ng Simbahan. Minana ng estadong Bizantino mula pa man nang panahong pagano ang pagpapatakbo ng mga asuntong administratibo at pananalapi ng pamunuang panrelihiyon na nakasalalay sa Simbahang Kristiyano. Bilang pagsunod sa padrong itinalaga ni Eusebio ng Cesarea, itinalaga ng mga Bizantino ang Emperador bilang kinatawan o pasugo ni Kristo lalo na sa pagpapalawak ng Kristiyanismo sa mga pagano gayundin sa mga “panlabas” asunto ng relihiyon tulad ng administrasyon at pananalapi. Subalit ang papel ng imperyo sa mga asunto ng Simbahan ay hindi umunlad na itinatakda ng batas.

Sa paglubog ng Roma at mga alitan sa loob ng mga partriyarkado sa Silangan, ang simbahan ng Constantinopla ang pinakamayaman at pinakamaimpluwensiyang sentro ng Sankristiyano noong pagitan ng ika-6 at 11 siglo. Kahit na multo na lamang ang Imperyo, hindi nabawasan ang Simbahan nang lubos na impluwensiya sa loob at labas ng imperyo. Sabi nga ni George Ostrogorsky: Nanatiling sentro ng mundo ng Ortodoxiya ang Patriyarkado ng Constantinopla na may sedeng metropolitano at arzobispado sa teritoryo ng Asia Menor at ng mga Balcano na nahulog sa Bazancio gayundin sa Caucaso, Rusia, at Lituania. Pinakamatatag na elemento ang Simbahan sa Imperyong Bizantino.

Sining at Panitikan

baguhin

Ipinakikita ang malinggit na Evangeliong Rabula noong siglo 6 na may masalimuot at masagisag na anyo ng sining Bizantino. Mahalaga ang naging impluwensiya ng Imperyong Bizantino sa arkitektura, pintura at iba pang tanawing-sining (visual arts). Nakatuon ang sining Bizantino sa mga ekspresyong panrelihiyon lalo na sa impersonal na pagpapakita ng sining na maingat na sinupil ng simbahan. Kumalat ang mga hugis Bizantino sa kalakalan at pananakop nito ng Italia at Cicilia kung saan sila tumagal datapuwat may panibagong hugis hanggang siglo 12 at naging impluwensiya sa pagbuo sa sining ng Renasimientong Italiano. Sa pagkalat ng simbahang Silanganing Ortodoxo, ang mga hugis Bizantino ay kumalat rin sa mga lungsod ng silangang Europa lalo na sa Rusia. Ang impluwensiya ng arkitekturang Bizantino, lalo na sa mga gusaling panrelihiyon, ay makikita magpahanggang ngayon sa ibat-ibang rehiyon mula Ehipto at Arabia hanggang Rusia at Romania.

Sa panitikang Bizantino, may apat ang magkakaibang pangkulturang elemento ang maitatalaga: Griyego, Kristiyano, Romano at Silanganin. Madalas na pinagpapangkat ang panitikang Bizantino: taga-salaysay, taga-ensiklopedya at taga-paglahad, at mga manunulat ng tulang pambayan. Kasama sa dalawang huling pangkat ang panitikang pangsimbahan at teolohika at tulang pambayan. Sa halos dalawa hanggang tatlong libong tomo (volumes) ng panitikang Bizantino ang nakaligtas hanggang ngayon, halos tatlong daan at tatlumpo ang kumakatawan sa tulang pambayan, kasaysayan, agham at pseudo-agham. Habang ang pinakamayabong na panahon ng panitikang pambayan ng Bizancio ay naganap noong siglo 9 hanggang 12, ang panitikang panrelihiyon ay mas naunang nalinang kung saan ang Romanos at ang Melodista ang pangunahing kumakatawan dito.[22][di-maaasahang pinagmulan?]

Pamahalaan at burokrasya

baguhin
 
Leo I ng Imperyo Bizantino (401–474), naghari 457–474.

Sa estado, ang Emperador Bisantino ang nag-iisa at absolutong namumuno. Hindi katulad ng Imperyong Romano, hindi sinasamba ang mga emperador bagkus itinuturi silang Tagapaglingkod sa Diyos. Mayroon paring Consul ng Imperyo Romano na sumusubaybay sa mga gawain ng emperador. Bago matapos ang siglo 8, isang administrasyong sibil ang binuo upang tumutok sa malakihang konsolidasyon ng kapangyarihan sa kapitolyo (ang pag-angat ng puwesto ng sakellarios ay kasangkot sa pagbabagong ito). Ang pagbuo ng mga tema ang pinakamahalagang reporma nang panahong ito kung saan ang administrasyong sibil at militar ay hawak ng isang tao, ang strategos.

Kahit na minsang mapanira ang paggamit ng salitang “Bizantino”, malinaw ang abilidad ng sistemang Bizantino na ayusin ang sarili ayon sa kasalukuyang situwasyon ng imperyo. Sa mga makabagong paningin, maayos ang sistema nito sa paggamit ng sistema ng titulatura at puwesto. Mahigpit ang pagkaka-ayos ng mga opisyal sa paligid ng emperador at nakasalalay ang ranggo nila sa imperyo. May mga itinalagang puwestong administratibo ngunit ang kapangyarihan nito ay nakalagay sa tao at hindi sa puwesto. Noong siglo 8 at 9, paglilingkod bayan ang pinakamalinaw na daan upang umaangat sa aristokratikong puwesto. Nang nagsimula ang siglo 9, naging magkaribal ang aristokrasyang bayan nang aristokrasya sa dugo. Ayon sa ilang pag-aaral ng pamahalaang Bizantino, nangingibabaw ang kompetisyon sa pagitan ng aristokrasyang pambayan at pangmilitar noong politika ng siglo 11. Noong panahong ito, nagpalabas nang mahalagang repormang pang-administratibo si Alexios I na kasama ang paglalang ng mga puwestong pang dignitaryo at pang-kortes.

Diplomasya

baguhin

Matapos bumagsak ang Roma, ang malaking hamon sa Imperyo ay ang magpanatili ng relasyon nito sa mga kalapit bansa. Ang mga kalapit bansang ito ay umaasa sa Constantinopla sa pagbuo ng pormal na institusyong pampolitika. Dahil dito nahimok ng diplomasyang Bizantino ang mga kalapit bansa sa pagbuo ng isang network sa pagdaigdigan o pambansang relasyon. Uminog ang network na ito sa pagbuo ng kasunduan kasama ang pagtanggap ng bagong pinuno sa pamilya ng mga hari at sa pagtanggap ng panlipunang kalakaran at pagpapahalaga sa institusyong Bizantino. Ipinapalagay ng mga Bizantino ang diplomasya bilang isang uri ng pakikidigma sa ibang kaparaanan – hindi madugo. Ang kawanihang Barbaro ang unang ahensiyang pantiktik sa ibang bansa na nangangalap ng mga impormasyon sa mga kaaway nito sa anumang kaparaanan. Sinamantala ng mga Bizantino ang ilang patakbong diplomatiko. Halimbawa, ang mga embahada sa kabisera ay hinayaang bukas sa maraming taon. Ang isang kasapi ng ibang casa real (angkang dugong bughaw) ay sinasabihang tumatahan nang matagal sa Constantinopla hindi lamang bilang potensiyal na bihag gayundin bilang isang pain sakaling magbago ang simoy politika saan man sila galing. Ang isa pang malaking kalakaran rito ay ang busugin sa tanawin ang mga panauhin. Ayon kay Dimitru Obolensky, ang pagpapanatili ng sibilisasyon sa Silangang Europa ay dahil sa magaling at masikap na diplomasyang Bizantino na nagdulot ng malaking abuloy sa pagpapanatili sa kasaysayan ng Europa.

     
Kaliwa: Ang Salterong Mudil, ang pinakamatandang saltero sa wikang Copto (Museong Copto, Egipto, Cairo).

Middle: Gitna: Ang Codex Armenicus Rescriptus, isang pahina noong siglo 6/10 na naglalaman ng liturhiyang Armenio at Siriaco (Koleksiyong Schøyen).
Right: Kanan: Ang Balumbong Josua, isang iluminadong Griyegong manuskrito noong siglo 10 na maaring ginawa sa Constantinopla (Aklatang Vaticano, Roma)

Latin ang orihinal na wika ng pamahalaan ng Imperyo sa dahilang nagmula ito sa Roma. Hindi ito nalinang ng mga edukado sa Silangan bilang wikang pampanitikan. Unti-unting humupa ang kahalagahan nito at noong siglo 17 na malinaw na tinalikuran bilang ‘opisyal’ na wika ng Imperyo nang paboran ang Griyego. Matapos magtagumpay ang Imperyo laban sa mga Persico noong 629, kinalag ni Heraclius ang maraming daang-taong tradisyon sa paggagawad nito sa sarili ng titulong Griyegong Basileus sa halip na titulong Latin na Augustus. Gayunman, patuloy pa rin ang paggamit ng Latin sa bilang pangseremonyang wika ng kultura ng Imperyo. Sa lugar ng mga Balcanes, ang Lating Vulgar ay patuloy na isang wika ng menoridad na nagluwal sa mga wikang Vlaco, at sa Italia, katulad rin sa kanlurang Mediteraneo, nanatili ang Latin bilang wikang gamit ng bayan, kultura at lokal na pamahalaan. Ang pagpapakita sa huling paggamit ng Latin sa imperyo ay huling siglo 7 mosaiko sa Basilika ni San Apolinario sa Classe sa Ravenna ni Constantino IV.

Maliban sa korteng imperyal, Griyego na ang pangunahing wikang ginagamit sa mga Romanong lalawigan sa silangan (i.e., Silanganing Imperyo Romano) kahit bago pa man lumubog ang Kanlurang Imperyo. Sa katunayan noon pa mang bungad ng Imperyong Romano, Griyego na ang karaniwang wika ng Simbahang Kristiyano, ng karunungan, at ng sining. Ito na rin ang lingguwa prangka sa kalakalan sa pagitan ng mga probinsiya at mga bansa. Ang wikang ito ay nagtamo ng dalawang mukha kung saan ang Koine, bilang pangunahing wikang pambayan, at kasaakibat nito ang matandang wikang pampanitikan na nang lumaon ay uminog bilang isang istandard na diyalekto.

Maraming wika ang umiinog sa multi-etnikong Imperyo kung saan ang ilan ay binigyan ang limitadong opisyal na status sa kani-kanilang lalawigan sa iba’t-ibang panahon. Kilala rito sa bungad ng Edad Media kung saan ang Ciriaco at Aramaico ay malawak na ginamit ng mga edukado sa malalayong lalawigan sa silangan. Gayundin, ang Coptico, Armenio, at Gregorio ay naging mahalaga sa mga edukado ng kanilang lalawigan. Nang lumaon, ang mga wikang Eslavonico, Vlaco at Arabe ay naging mahalaga sa Imperyo at sa daigdig na naiimpluwensiya nito.

Higit dito dahil isang pangunahing lungsod kalakalan ang Constantinopla sa rehiyong Mediteraneo at karatig nito, halos lahat ng kilalang wika noong Edad Media ay sinasalita sa Imperyo sa panahon nito pati na rin ang Tsino. Sa huling paghupa ng Imperyo, ang mga mamamayan ng Imperyo ay halo-halo na at kung saan ang Griyego ay naging sinonimo sa kanilang katauhan at relihiyon.[23] Katularan, ang mga Wikang Kopto, Armenian, and Georgian ay naging mahalaga sa mga nakapag-aral sa probinsiya,[24] and later foreign contacts made the Slavonic, Vlach, and Arabic ay naging mahalagang wika ng imperyo sa mga naiimpuwensiyahan nito.[25]

Tignan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. PERLA SOAP (translates as "Roman Empire").
  2. Gibbon (1906), Part II Chapter 14: 200.
  3. Gibbon 1906, III, 168 PDF (2.35 MB)
  4. Byzantine Roman Empire 1
  5. Paghati sa Imperium Romanum
  6. Nathan, Theodosius II (408–450 AD)
  7. "Byzantine Empire". Encyclopaedia Britannica.
    * Evans, Justinian (AD 527–565) Naka-arkibo 2020-04-13 sa Wayback Machine.
  8. Evans, Justinian (AD 527–565) Naka-arkibo 2020-04-13 sa Wayback Machine.
  9. =Byzantine Expansion 236–258
  10. Vasiliev, The Legislative Work of Justinian and Tribonian
  11. Aklat:"Deeds of John and Manuel Comnenus" ISBN 978-0-231-04080-8
  12. 'Crusades' - Encyclopædia Britannica 2006
  13. Kean (2005)
    * Madden (2005), 162
    * Lowe-Baker, The Seljuks of Rum
  14. Lowe-Baker, Ang Mongol Invasion[patay na link]
  15. Reinert 2002, p. 268.
  16. Runciman 1990, pp. 84–85.
  17. Runciman (1990), 84–86
  18. Hindley, Geoffrey (2004). A Brief History of the Crusades: Islam and Christianity in the Struggle for World Supremacy. London: Constable & Robinson. p. 300. ISBN 978-1-84119-766-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Matschke 2002, pp. 805–806, [1].
  20. Eusebius, IV, lxii
  21. Troianos & Velissaropoulou-Karakosta 1997, p. 340
  22. "Byzantine Literature". Catholic Encyclopedia.
  23. Beaton 1996, p. 10; Jones 1986, p. 991; Versteegh 1977, Chapter 1.
  24. Campbell 2004, p. 40; Hacikyan 2002, part 1.
  25. Baynes 1907, p. 289; Gutas 1998, Chapter 7, section 4; Shopen 1987, p. 129.