Labia

(Idinirekta mula sa Labium)

Ang labia ay ang mga kayariang pang-anatomiya na mga bahagi ng henitalya ng babae; sila ang mga pangunahing mga bahagi ng bulba na nakikita sa labas ng katawan ng babaeng tao; sa mga tao, mayroong dalawang paris ng labia: ang panlabas na labia, o labia majora na mas malalaki at matataba, habang ang panloob na labia o labia minora ay mga tupi o tiklop ng balat na kadalasang nakakubli sa loob ng panlabas na mga labia. Ang labia ang nakapaligid at pumuprutekta sa tinggil at sa mga butas ng puki at ng uretra.

Labia ng tao:
Itaas: Nakatindig na babae, bahagyang natatakpan ang labia minora
Ibaba: Paglalantad ng labia minora sa pamamagitan ng pagbuka ng labia majora.

Etimolohiya

baguhin

Ang labium kung isahan, na nagiging labia kapag maramihan, ay isang katagang hinango mula sa Latin na may kahulugang "labi". Ang labium at ang mga paghango rito (mga deribatibo nito, kasama ang labial, labrum, at labra) ay ginagamit upang ilarawan ang anumang kayarian na kawangis ng labi. Subalit, ang labium ay kadalasang tiyakang tumutukoy lamang sa mga bahagi ng bulba.

Mga sanggunian

baguhin


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Babae ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.