Lalawigan ng Sinop
Ang Lalawigan ng Sinop (Turko: Sinop ili; Griyego: Σινώπη, Sinopi) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa baybayin ng Dagat Itim. Matatagpuan ito sa pagitan ng 41 at 42 digri ng latitud at 34 at 35 digri ng longhitud. May sukat ito ng 5,862 km2, katumbas ng 0.8% ng sukat ng ibabaw ng Turkiya. Kabilang sa mga katabing lalawigan ang Kastamonu sa kanluran, Çorum sa timog, at Samsun sa timog-silangan. Ang panlalawigang kabisera ay ang lungsod ng Sinop.
Lalawigan ng Sinop Sinop ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Sinop sa Turkiya | |
Mga koordinado: 41°36′33″N 34°54′07″E / 41.6092°N 34.9019°E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Kanlurang Dagat Itim |
Subrehiyon | Kastamonu |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Sinop |
Lawak | |
• Kabuuan | 5,862 km2 (2,263 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 205,478 |
• Kapal | 35/km2 (91/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0368 |
Plaka ng sasakyan | 57 |
Narito ang mga ilog ng Kızılırmak, Gökırmak, Sarsak çay, Karasu, Ayancık Suyu, Tepeçay, Çakıroğlu, at Kanlıdere.[2]
Mga distrito
baguhinNahahati ang lalawigan ng Sinop sa 9 na distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):
- Ayancık
- Boyabat
- Dikmen
- Durağan
- Erfelek
- Gerze
- Saraydüzü
- Sinop
- Türkeli
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
- ↑ Sinop geography (tr) Naka-arkibo 2012-05-10 sa Wayback Machine. (sa Ingles)