Lansangang-bayang N305

Ang Pambansang Ruta Blg. 305 (N305) ay isang bahagi ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas sa Gitnang Luzon. Isa itong pang-apatang daang sangay na may habang 1.7 kilometro (1.1 milya) at binubuo ng dalawang pangunahing mga kalye sa Olongapo at naglilingkod bilang pangunahing lansangan sa kabayanan ng lungsod.

Pambansang Ruta Blg. 305 shield}}

Pambansang Ruta Blg. 305
Ang bahaging Abenida Rizal ng N305 (pahilaga) sa Olongapo. Makikita sa bandang likuran ang sangandaan ng rotondang Ulo ng Apo bilang hilagang dulo nito.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Haba1.7 km (1.1 mi)
Bahagi ng
  • N305 (Abenida Rizal)
  • N305 (Magsaysay Drive)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N3 (Abenida Jose Abad Santos) / N306 (Daang Olongapo–Bugallon)
Dulo sa timogTulay ng Magsaysay(lakaran)
Lokasyon
Mga lawlawiganZambales
Mga pangunahing lungsodOlongapo
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N303N306

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Binubuo ang Pambansang Ruta Blg. 305 (N305) ng mga sumusunod na bahagi:

Magsaysay Drive

baguhin

Nagsisimula ang N305 sa Tulay ng Magsaysay bilang katimugang dulo nito. Ang nasabing tulay ay dating daanan para sa mga sasakyan at nagbibigay ng daan papasok ng Subic Bay Freeport Zone hanggang sa taong 2011, nang itinayo ang SM City Olongapo at naging lakaran (pedestrian walkway) ang tulay. Nagtatapos ang Magsaysay Drive sa Friendship Rotunda, isang sangandaang rotonda na itinayo noong dekada-1970.

Abenida Rizal

baguhin

Tumutuloy ang N305 pahilaga bilang Abenida Rizal pagkaraan ng Friendship Rotunda. Dumadaan din sa rutang ito ang Tulay ng Bajac-Bajac. Nagtatapos ang N305 sa rotondang Ulo ng Apo bilang hilagang dulo nito.