Abenida Jose Abad Santos

Ang Abenida Jose Abad Santos (Ingles: Jose Abad Santos Avenue) na kilala rin bilang Daang Olongapo–Gapan (Olongapo–Gapan Road) at Daang Gapan–San Fernando–Olongapo (Gapan–San Fernando–Olongapo Road) ay isang 118 kilometro (o 73 milyang) lansangan na dumadaan sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, Bataan at Zambales sa rehiyon ng Gitnang Luzon, Pilipinas. Isa itong pangunahing lansangan sa Luzon na itinakda bilang Pambansang Ruta Blg. 3 o N3.[1]

N3 (Philippines).svg

Abenida Jose Abad Santos
Jose Abad Santos Avenue
Daang Olongapo–Gapan
Olongapo–Gapan Road
Ang abenida pakanluran sa San Fernando, Pampanga
Impormasyon sa ruta
Haba: 118 km (73 mi)
Bahagi ng:
Pangunahing daanan
Dulo sa Silangan: Asian Highway 26 PH sign.svg AH26 sa Gapan, Nueva Ecija
 
Dulo sa Kanluran Regional Highway 5 sa Olongapo, Zambales
Lokasyon
(Mga) Pangunahing lungsod: Gapan, San Fernando, Olongapo
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Mga nilalaman

EtimolohiyaBaguhin

Ipinangalan ang Abenida Jose Abad Santos mula sa yumaong Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na si Jose Abad Santos na isang Kapampangang ipinanganak sa San Fernando noong Pebrero 19, 1886. Dating tinawag ang abenida na Daang Olongapo–Gapan (Olongapo–Gapan Road) at Daang Gapan–San Fernando–Olongapo (Gapan–San Fernando–Olongapo). Pinalitan ito ng pangalan alinsunod sa Batas Republika Blg. 9477 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Mayo 22, 2007. Ngayon, kilala ang abenida sa pinaikling katawagan nitong JASA, subalit ginagamit pa rin ang dating pangalan nito.[2]

KasaysayanBaguhin

Nagmumula ang Abenida Jose Abad Santos sa panahon ng unang kasaysayan ng Pilipinas. Pinalawak ng Imperyong Kapampangan ang kanilang mga pangangalakal sa kabuuan ng Gitnang Luzon na nagtulak sa kanilang magtayo ng mga daanan katabi o kalapit sa Ilog Pampanga. Umiiral noon ang mga daanan na papuntang Nueva Ecija, Bulacan at Rizal (kasama ang kasalukuyang Kalakhang Maynila), ngunit hindi pa makapasok ng imperyo ang Zambales at Bataan. Sa mga nakalipas na taon, gumawa sila ng mga daanang lupa na madadaanan ng mga tao at mga maliit na bagong hinihila ng mga kabayo.

Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, pinaunlad nila ang daang itinayo ng dating imperyo. Pinalawak nila ang daan, nagtayo sila ng mga tulay, at idinugtong ito sa Olongapo. Malaking tulong ito sa pagtatag nila ng Tarangkahang Kastila ng Subic sa may Look ng Subic. Nang dumating ang mga Amerikano, nailatag nila ang daan at nagtayo ng mga kongkretong tulay. Ang pinakamahaba sa mga tulay na ito ay tumatawid sa Ilog Pampanga. Ang hakbanging ito ay malaking tulong sa pagtatag nila ng Palapagang Clark at kanilang baseng pandagat sa Look ng Subic.

Nang nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napinsala ang Daang Olongapo–Gapan na nagpatigil sa transportasyon sa buong kahabaan ng daan. Binomba ng mga Hapones ang daan upang mapigilan ang mga Amerikano at Pilipino na magpatibay ng iba't-ibang mga base sa buong Gitnang Luzon. Nang matapos ang digmaan, inayos at ikinumpuni ng pamahalaan ang buong daan, at inilatag ang kabuuang 118 kilometrong lansangan. Nagtayo rin ng mga bagong tulay, pinaganda ang mga shoulder[lower-alpha 1] at nagdagdag ng ilang mga pasilidad.

Sa kasalukuyan, ang Daang Olongapo–Gapan o Abenida Jose Abad Santos, na itinakda bilang Pambansang Daan Blg. 3 (N3) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas, ay isa sa mga pinakamahalagang lansangan sa Gitnang Luzon na nag-uugnay ng mga lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, Bataan at Zambales.

Paglalarawan ng rutaBaguhin

 
Isang bahagi ng Abenida Jose Abad Santos sa pagitan ng Lansangang MacArthur at North Luzon Expressway (NLEx).

Nagsisimula ang lansangan sa lungsod ng Gapan sa Nueva Ecija at dumadaan sa mga bayan ng San Isidro at Cabiao bago pumasok sa lalawigan ng Pampanga. Pagpasok nito sa nasabing lalawigan, dumadaan nito sa mga bayan ng Santa Ana, Arayat, at Mexico. Babagtasin nito ang North Luzon Expressway (NLEx) at Lansangang MacArthur sa lungsod ng San Fernando bago magtungo kanluran sa Bacolor, Santa Rita, Guagua at Lubao. Papasok naman ito sa Bataan sa Dinalupihan, at sa huli ay tutungo sa lungsod ng Olongapo sa Zambales.[3]

Labintatlong mga pangunahing linyang pangkuryente na may mga boltaheng muka 69,000 hanggang 230,000 ay dumadaan, bumabagtas, at naglilinya sa lansangan sa mga tinukoy na bahagi, ang pinakakapansin-pansin ay ang linyang transmisyon ng Hermosa-Duhat-Balintawak mula Labasang San Fernando ng NLEx hanggang Sub-estasyon ng Hermosa. Karamihan ay sinusuporta ng mga posteng bakal na tore, at ang ilan ay gawa sa bakal na lattice na may mga disenyong tatlong-lebel at portal. Kabilang sa mga iba pang linyang transmisyon ay Mexico-Cabanatuan, Kadampat-San Manuel-San Jose, San Manuel-Concepcion-Mexico, Mexico-Hermosa, Hermosa-San Jose, Hermosa-Olongapo, Hermosa-Guagua, 230kV na Limay-Hermosa, 69 kV na Hermosa-Limay, at isang linyang transmisyon na patungong Subic Bay Freeport Zone. Lahat ay pinapatakbo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Mayroon ding isang 69,000 boltaheng linya ng Clark Electric Distribution Company mula Sub-estasyong Mexico ng NGCP papuntang kompound ng Clark Freeport.

Kabilang sa mga kilalang pook-palatandaan na matatagpuan dito ay SM City Pampanga at Robinsons Star Mills.[4][5][6]

Mga notaBaguhin

  1. Ang kahulugan ng "shoulder" batay sa diksiyonaryo sa iPad (kapag iniukol sa daan) ay: isang nailatag na makitid na piraso ng lupa sa tabi ng isang daan para sa paghinto pag-may emerhensiya ("a paved strip alongside a road for stopping on in an emergency").

Mga sanggunianBaguhin